Convo 011 - Basketball Game [Caspian]

31 1 1
                                    

A/N:

Oh sige na, pagbigyan na si Caspian magkaroon ng POV ^_^

-Shai

=====

[Caspian]

2:50 pm. Before the game.

Nasa labas palang kami ng gym, eh rinig na namin ang mga hiyawan ng mga tao. Lumapit sa akin si Timothy, habang bitbit na ang mga gamit nya. "Ano? ready ka na bro?," tanong nya sa akin. "Wag kang madidstract ha kapag nakita mo syang nanunuod," tuloy nya sabay tawa. Kumunot naman ang noo ko at sinabing, "Impossible na manunuod sya."


Sino 'sya'? Yung babaeng gusto ko. Imposible naman talagang manuod sya eh. Di nga nya alam na may gusto ako sa kanya. Hay basta!


Tinapik nalang ni Tim ang balikat ko at tsaka nang nauna pumasok, na sinundan ng napakalakas na hiyawan ng mga tao. Sa totoo lang, dati, ayaw kong pinapanood ako ng maraming tao, pero nasanay na ako. At tsaka, ang sarap lang sa pakiramdam na nanunuod sila para suportahan ka. Pumasok na rin ang iba naming mga ka-teammates. Pagkatapos ko nang ayusin ang gamit ko sa van, lumapit sa akin si Coach Renz. "Same old technique?," sabi nya. Tumango naman ako at sabay na kaming pumasok sa gym. Rinig na rinig ko naman ang pagtuloy na hiyawan ng mga tao:


"Gwapo mo Caspian!"

"Go EAGLES!"

"Kyaahhhhh!!"


Nakita ako ni Timothy at umakbay sya sa akin. Mas lalo namang lumakas ang mga tilian ng mga babae. Pagkatapos nyang kumaway sa mga fans nya, pumunta na kami sa bench namin. Maya-maya lang ay napuno na ang gym ng maraming tao. Tapos dumating na rin ang mga Willford Panthers na makakalaro namin ngayong araw. Ito ang first time naming makalaban sila, and we heard, na very aggressive ang paglalaro nila. Halata naman sa mga smirk na nakikita ko sa mga mukha nila. Di hamak rin namang mas matatangkad sila sa amin.


Nung nagsimula na ang laro, umupo na ako sa bench. Nilapitan ulit ako ni Timothy at sinabi nya, "Dyan ka na muna ha. Pahinga ka para full energy pagpasok mo sa third quarter. Oh..." Lumapit sya at tsaka binulong, "Nanunuod sya ngayon. Nakita ko sya." Bago pa man ako nakapagsalita, he winked at me at dali dali nang pumunta sa court. Langya yun ah.


For the first half of the game, nakaupo lang ako sa bench. Wag nyong i-misinterpret ha, star player po ako. Hindi naman sa nagmamayabang, pero yun po eh. Kapag first time opponent namin ang opposing team, tambay muna ako sa bench ng 1st and 2nd quarter para mag-aral. Yep, pinagaaralan ko ang mga kilos at galaw ng kalaban. Impossible ba kamo? Siguro, pero namana ko daw sa dad ko eh na MVP sa Arcadia Eagles ng school na ito nung dito sya napasok. 


So andito nga ako nakaupo, pinagmamasdan kung paano mag-dribble, pumasa, at mag-shoot ng bola ang bawat teammates ng Willford. Tama nga ang mga kwentong naririnig ko. Aggressive nga sila.


Nung nagsimula na ang third quarter, nilapitan ulit ako ni Tim. "Lamang sila ng 10, bro," sabi nya sakin. Tumawa naman ako, "Eh hinayaan mo sila eh. Tara na." Pagkainom nya ng tubig, sabi nya, "Ganun talaga. Hayaang magpakasaya sila ng kaunti, bago pabagsakin. Hahaha" "Angas mo, bro," sabi ko.


Tama nga sya. Nalamangan namin ang Panthers ng 18 points. Hanga rin ako dito sa kaibigan ko eh, mataas ang energy, basta pagdating sa basketball. Nung 4th Quarter na, nakahabol ang Panthers. Three minutes remaining nalang eh 2 points nalang ang agwat namin. Napansin ko ring medyo natahimik ang court. 


Nakuha ni Tim ang bola, pumwesto ako sa kaliwa nya, Tapos may narinig akong sigaw mula sa audience. "YOU CAN DO IT, TIM!" Since medyo tahimik nga ang court, napatingin agad ako sa direksyon ng boses, at nakita ko sya. Hindi naman sya yung sumigaw eh, kasi yung kaibigan nya. Pero nakita ko na nakatingin din sya sa akin. Nagkatinginan kami ni Danielle. Pumunta nga sya. Nanonood sya ngayon. May narinig akong tumawag sakin. Si Tim pala. AMP! Hindi ko nasalo ang bola. Tumingin agad ako sa timer at less than two minutes nalang ang natitira. Nagblow naman ang whistle ng referee, a signal for timeout.


Lumapit agad sa akin si Tim at sinabing, "Bro, grabe ah. Nadistract ka talaga nung nakita mo sya." He chuckled. Talagang nangaasar toh ah. Hindi ko nalang sya pinansin. Nung nag-blow ulit ang whistle, lumingon ulit ako kay Danielle, kasi malay ko hindi pala sya yung nakita ko. Pero iniwas ko agad ang tingin ko dahil nakatingin din sya sa direksyon ko! Nu ba yan! Focus, Caspian.


1 minute na lang ang natitira. Peste nakashoot ang Panthers, kaya tie na ang score. Nakuha ni Tim ang bola and he shot it, pero missed. Ano ba toh, mukhang may overtime kami ngayon. Nasa Panthers ang bola pero naagaw ko din. Malapit ko na sana i-shoot, pero may bumunggo sakin. AMP talaga! Buti nalang at may free throw ako. Tinulungan ako ni Tim na tumayo at naglakad na ako sa gitna. 


Inhale. Exhale. 45 seconds nalang, pag na-shoot ko toh, mas sure na panalo kami, inisip ko. Ang daming sumisigaw sa audience. Puro "Go Caspian!" ang naririnig ko. Pero ang ikinagulat ko ay yung isang familiar na boses.


"Don't Miss!," ang sabi nya. Hindi ko na napigilang ngumiti. I shot the ball...


...and I didn't miss.


20 seconds nalang ang natitira. Ang kailangan lang gawin ay agawin ang bola at tapos na. Pero naipasa ng isang Panther player ang bola sa kateammate nyang ubod ng tangkad at mukhang plano nyang tumalon para i-dunk ang bola. Kami ni Tim ay nasa magkabilang tabi nya. Nagkatinginan kami ni Timothy at pareho pa kaming seryoso. We both nodded and then jumped kasabay nung matangkad na player na yun. With luck on our side, my hand and Tim's blocked the ball just in time sa pagtunog ng orasan.


Panalo kami. Ang lakas ng hiyawan ng mga tao. Pati mga kateammates ko, tumatalon na rin sa tuwa. Inakbayan ako ni Tim, pero di ko sya pinansin. Tumingin ako sa audience para hanapin sya. Sure enough, nakatingin din sya sa akin. Grabe para akong babae na kinikilig. Paano ba naman kasi, hindi lang sya nakatingin, kundi nakangiti na rin sya sa akin. Shutanginames naman oh! At heto naman ako, nakangiti na rin sa kanya.


Tinapik ako ni Tim sa balikat. "Hoy pare, baka langgamin ka dyan eh hindi pa kayo ah. Gusto mo mamaya, yayain natin sila sa Winner's Party?" 


"Ewan ko sayo, bro. Kanina ka pa nangaasar ah. Lagot ka pa sa akin," sabi ko naman sabay tawa. Kinuha ko na ang mga gamit ko, habang iniisip parin ang sinabi ni Timothy.


Should I invite her? Pano?

=====

A/N:

Ano? Musta ang POV ni Caspian sa Game Day? Ayos ba? Sana nagustuhan nyo ha :D

-Shai

Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon