Convo 010 - Basketball Game

58 1 2
                                    

Ilang araw nang hindi nagtetext si Jay simula nung nagsend sya ng isa pang clue sa FB. Nawala na din yung inis na naramdaman ko sa kanya pagkabasa ko nun. Pero hanggang ngayon, wala akong kahit isang clue kung ano ba yung ibig sabihin nya dun sa 'Fictional Prince'. Haaay. Bahala nalang sya sa buhay nya. I looked at my phone to check the time: 1:14pm

"Huy, ayan na naman. Tingin-sa-phone lang ang peg. Kakatingin mo lang mga 2 minutes ago ah." sabi ni Rhyn habang kumakain ng ensaymada na baon nya. Andito kasi kami ngayon sa bench na lagi naming kinakainan...yung sa harapan ng basketball court.

"Tinitignan ko lang naman kung anong oras na. Diba manonood tayo ng laro nung crush mong yun?" depensa ko naman. Agad namang tinakpan ni Rhyn ang bibig ko gamit ang kamay nya. "SHHHH, huwag ka ngang maingay. Baka may makarinig sayo dyan. Malaman pa ni Timothy ng di oras."

I raised my hands in surrender, tapos inalis na nya yung kamay nya. Gusto ko ulit tignan ang phone ko pero baka asarin ulit ako ni Rhyn, kaya linagay ko nalang sa bag ko.

2:30 palang ng hapon eh nasa school gym na kami ni Rhyn. Yep, trip ng school namin magkaroon ng outside and inside court eh. So yun nga, gusto ni Rhyn na 1 hour early kami bago magsimula ang game para daw maganda ang pwestong makuha namin. Grabe talaga, 1 hour early na nga kami, medyo madami na ang tao. Mostly, mga babae.

"Dun tayo sa taas para kita natin ang buong view ng court," sabi ni Rhyn habang hila-hila ako paakyat sa upper seats. Eh ano pa bang magagawa ko. Maya-maya lang ay nagsimula ng magtilian ang mga babae, dahil dumating na sa court ang basketball team ng Arcadia Institute. "Oh-My-Gee!!!!!," kinikilig na sabi ni Rhyn sa tabi ko. "Ang cute ni Timothy, grabe!!" Pinagmasdan ko ang mga members ng team. May mukhang kinakabahan, merong kumakaway sa direksyon ng mga babae, meron namang dumeretso sa benches para ilapag ang mga gamit, at merong katulad ni Timothy na confident lang ang dating.

Mas lalong lumakas ang sigaw ng mga fangirls nung pumasok na ang huling member ng team. Ano nga ulit pangalan nun? Hindi ko kilala eh. Inakbayan sya ni Timothy at sabay na silang pumunta sa benches with their other teammates. Kung si Timothy, nakangiti, yung kaibigan nya naman, seryosong-seryoso.

"GWAPO MO CASPIAN!!!! GO EAGLES! Kyahhhhhh~"

"GALINGAN MO TIMOTHY! Wooooooh~"

So sya pala si Caspian. Naalala ko na nung una syang kinuwento ni Rhyn. Sya yung laging kasama ni Timothy. Bestfriends ata yung dalawang yun.

3:15 na nung nagsidatingan na ang mga tao. 3:30 kasi ang start ng game. Mabilis napuno ang gym ng mga estudyante, mga magulang, faculty, at syempre, karamihan, mga babae parin. Pero since sa school namin ang laro ngayon, ang majority ng audience ay syempre galing sa school namin. Sa mga napapanood kong basketball game, kapag sa homecourt ka maglalaro, may chance na ikaw ang mananalo. Kaya, malaki ang chance na ang Arcadia Eagles ang mananalo ngayong hapon.

3:30pm na. Nagsalita na yung host and he introduced the two teams. Hindi ko nga masyado marinig kasi ang daming sumisigaw na tao. Ang narinig ko lang ay yung "Arcadia Eagles vs. Willford Panthers" na sinabi ni kuya host.

Tumunog na yung whistle. Eagles ang nakakuha ng bola. Pasa dito, pasa doon...Shoot! Yes! Talagang lahat eh nakaconcentrate sa laban. Di hamak naman na mas matatangkad ng konti yung opposing team na Panthers. Pero, kahit ganon, lamang parin ang Eagles. Naeenjoy ko rin kase manuod ng basketball kahit di naman ako marunong maglaro, kaya todo concentrate din ako sa pinapanood ko. Minsan napapahampas ako sa railing na nasa harap ko ngayon kapag naaagaw ng kalaban ang bola or kapag hindi toh na-shoot sa basket. Si Rhyn naman, well, kayo na magimagine. Kanina pa sya sigaw ng sigaw eh. At mas lalong mas malakas ang sigaw nya kapag na kay Timothy yung bola.

Napansin ko namang nasa bench lang yung si Caspian on the first half of the game. Diba star player din yun? Eh bakit nasa bench lang sya? Tinignan ko sya at seryoso nyang pinanood ang laro. Sinusundan ng tingin nya ang galaw ng bawat players na para bang pinagaaralan nya ang bawat kilos ng mga ito. Hindi kaya...

Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon