[Danielle]
"Ang sabi mo, si Jay ang nag-text diba?" nalilitong tanong ni Rhyn habang back-and-forth na palakad-lakad dito sa kwarto ko. "Tapos ngayon, sabi mo parang walang idea si Caspian noong dumating sya. Sa katunayan, yung pinsan nya pala ang imi-meet nya?"
Ako rin nalilito. Tanging bugtong-hininga nalang ang sagot ko sa mga tanong ni Rhyn. Patuloy parin syang palakad-lakad dito sa loob ng kwarto ko. Pero bago pa ako tuluyang mahilo, tumigil sya at humarap sa akin. "So ano yun? Hindi si Caspian yung Jay na S.A mo? Tapos pumayag ka pa na samahan yung taong hindi mo naman kilala."
Inisip ko ulit yung mga pangyayari. Nung una kong nakita si James kanina, parang ang weird ng naramdaman ko. Para bang...
"Earth to Danielle?" tumingin ako kay Rhyn. "Anong iniisip mo?" tanong nya.
"Si James kasi."
Umupo sya sa tabi ko at sinabing, "yung pinsan ni Caspian?"
Tumungo ako. "Oo. Ang weird eh. Parang nakita ko na sya dati."
***
8:45 na nung makarating ako sa gate ng school. Hindi ko kasi nai-set yung alarm clock ko kaya late tuloy akong nagising. Bumaba ako ng kotse, hawak-hawak ang mga textbooks na ilalagay ko sa locker ko mamaya. Pero dahil sa dami nito at mabigat pa, hindi ko napansin na hindi ko pala naitali yung lace ng sapatos ko.
At dahil dun, alam nyo na, natapakan ko yung lace kaya na-unbalance ako.
Ayun, nahulog ako.
Well, muntikan na.
Kasi may humawak sa dalawang braso ko.
Si James.
"Ayos ka lang?" tanong nya. Wala naman akong masagot. Bakit ako speechless?
"Sandali," tuloy nya. Tapos lumuhod sya sa harapan ko para itali ang sapatos ko. Nung tumayo na sya, nakatitig parin ako sa kanya. Ngumiti sya tapos hinawakan yung mga libro ko. "Ako na maghahawak ng mga ito. Tara na?"
Nakatulala parin ako. "Danielle?"
"Ah! Oh...um...sige, salamat. Uhm...tara na!" nauutal kong sinabi. Ano bang nangyayari sa'kin?
Wait.
Wala akong maalala na sinabi ko yung pangalan ko sa kanya kahapon. Bigla kasi dumating si Caspian nung sasabihin palang nya yung pangalan nya. Oh baka naman sinabi ni Caspian? Siguro nga.
"Anong siguro?" sabi ni James.