[Danielle]
"Jaime C. Zion," dahan-dahang binasa ni Rhyn mula sa Students List na ginamit namin noong una naming hinanap si Jay. "Kala ko 'Jay-mee' ang pagbasa neto eh kaya na-eliminate ko. Malay ko bang lalaki pala toh. Hindi ko rin naalala na hindi naman Caspian ang first name nun. Sorry," nagsisisi nyang sinabi.
"Okay lang," sabi ko. "Kailangan muna nating makasigurado."
"Ano balak mo?"
Tumingin ako sa huling text message ni Jay, or should I say Caspian, "Sa ngayon, ang naisip ko lang ay makuha natin ang phone number ni Caspian."
"Eh paano kung hindi nag-match ang phone number ni Caspian sa phone number ni Jay?"
"Edi tatanungin natin si Caspian kung bakit yung cellphone na nasa bulsa nya ang nag-ring noong sinubukan kong tawagan ang phone ni Jay."
*****
Katulad lang ng dati, si Rhyn ang nag-volunteer na gawin ang plano namin. May mga tao syang alam na may contact number ni Caspian. Pero syempre, hindi namin pwedeng tanungin si Timothy kasi sya ang pinaka-matalik na kaibigan ni Caspian, which means na malalaman nya agad na we're after him at yun ang huling pwedeng mangyari. As usual, alam ni Rhyn kung ano ang gagawin nya. Para makasigurado, iba't-ibang tao ang pinagtanungan nya, mostly, yung members ng fans club na nabuo ng mga babaeng patay na patay sa Star Player ng eskwelahang ito. Noong lunch time na, nagkita kaming dalawa sa library na, sa kasalukuyan, ay wala masyadong tao.
"Oh ano nang nangyari?" tanong ko kaagad kay Rhyn pagkaupo nya sa harap ko.
"Negative. Lahat sila parehas ang number na binigay pero hindi kaparehas sa binigay mong number ni Jay."
Paano nangyari yun?, tanong ko sa isip ko. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko at tinext si Jay.
12:17pm
To: Jay
Can we meet?
Nagulat naman ako sa bilis ng reply nya.
12:18pm
1 New Message Received:
From: Jay
Sure. Tell me when and where :)
Tinitigan ko ng ilang minuto yung reply ni Jay. Bigla namang nagsalita si Rhyn sa harap ko, "Huy. Anong tinitingin-tingin mo dyan?"
"Pumayag si Jay na makipagkita."
"Seryoso?" nung hindi ako sumagot, sabi nya, "Anong gagawin mo?"
"I'll play along."
*****
3:30 ang sinabi kong time na magkita kami ni Jay sa Sweet Treats Cafe na malapit sa school. Pero 4:10 na at walang kahit anino ni Caspian ang nakita ko. After 20 more minutes, nag-decide na akong umalis kasi kailangan ko pang mag-review para sa quiz ko bukas, pero may lumapit sa'kin na isang lalaki na hindi ko naman kilala. Mukang kasing edad ko naman sya, brown ang buhok, naka-polo sya na naka-roll up ang sleeves and with a vest on top. In short, naka semi-formal at ang pogi at respectable tignan. Hoy Danielle, wag kang madistract!