Emotion----LESS!

50 4 1
                                    

February 28, 2015

How can you be so sure if you don't even know yourself anymore?
Did you ever think that you're acting the other ways?
Ni naisip mo man lang bang, ibang-iba kana sa pagkakakilala ng iba sayo noon pa?

And, is there any way of changing... or in short, making myself back to normal?

Yeah. I'll be honest sainyong lahat. I'm a good scriptor that can play and act my own script. Ako yung tipong, di masyadong socialize, tahimik, WEIRD, worst--I am a trying hard person.

I can say that I'm a plastic in a way na pinipilit kong maging perfect, echoss sa harap ng mga tao at kaibigan ko para lang maiwasan ko ang judgements. But I was wrong.. Narealize ko, mas mabuti pa palang ilabas ko ang totoong ako kesa naman pilitin ko ang sarili kong magbago eh mas nagiging masama pa ang image ko.

My dream is really simple. Maging tahimik ang buhay ko. Gusto ko "nobody" lang ako. Yun bang, sa school walang makakapansin sayo. Walang magbabantay ng bawat kilos mo. Nang sa ganun, walang manghuhusga sayo.

I'm trying to be perfect. Pero lintikan na this! Wala nga palang perfect sa mundo. Lahat may baho. Lahat tayo may kanya-kanyang pag-iisip na hindi natin mako-control. I was even thinking. Bakit parang may nag-iba sakin? Itwas like hindi ko na kilala ang sarili ko.

The way I communicate with people, parang hindi ako. The way sa pagkilos ko at bawat galaw ko. Bakit parang, hindi naaayon sa bugso ng damdamin ko?

Way back then, I was just a simple girl. Though hindi normal ang buhay ko, pero atleast ang tanging iniisip ko lang noon, e kung ano ang gagawin ko sa school, Ano ang dapat kong gawin para hindi ako mapahiya sa school. Ganyan. ALWAYS school problems. Well, nakaka experience din naman ako na ma-bully. Pero atleast, ang problema sa school, sa school lang talaga. Ang problema sa bahay sa bahay lang talaga.

Wierd ako in a way na, nakakaramdam ako ng sakit pero bakit parang baliwala lang sakin ang lahat pagkatapos? I even remember nung inaway ako ng friend ko (elem. days) I was crying the whole period that time. Feel ko alone ako palagi, wala akong kakampi, at walang may gustong maging kaibigan ako. Yeah, iyakin ako. Pero lahat naman ng sakit nayun that time, nawala nalang bigla.

I was like emotionless. Go with the flow, etc. Yun bang tipong, tawang-tawa na siya sa sinasabi niya kaya napapatawa kanarin ng pilit? Yung may shine-share sayo ang isang tao. Pero di ka naman interested? Yun bang parang wala kang nararamdaman sa mga sinasabi niya pero pinilit mong makisama? Ang hirap diba?

Earlier, nagkayayaan ang ibang classmates ko na pumunta kami sa isang place. Actually, pumunta kaming school for elementaries. (Central Elem. School) Para narin sana makapagpractice kami ng play namin sa Romeo and Juliet at Noli me Tangere. Almost nine na kami nakarating sa lugar but sad to say, hindi dumating ang ibang classmates namin due to several reasons. Kaya naman umuwi muna ako sa bahay with two of my classmates/friends para kumain na muna ng tanghalian. Bumalik kami sa school I think 1:00pm na. And the same persons parin ang nandun tsaka nadagdagan lang ng isa kaya nagdecide nalang kaming umuwi. Oh diba? Wala kaming nagawa?

Before kami umuwi, nagpunta muna kami ng mga friends ko sa isang boutique at nagtitingin nang mga damit. After that, napagdesisyunan naming bumili ng "shake" dahil narin sa init ng panahon. Uuwin na sana kami sa bahay that time when we saw this certain girl. One of my classmates na tinuring ko naring kaibigan. Matalino siya, at totoo sa sarili. Niyaya namin siya na sumama samin sa bahay kaya pumayag naman siya.

At first, chill lang kami na paupo-upo sa bahay. Kwentuhan ng kung ano-ano dyan. Hanggang sa nagkaseryosohan kami ng topic. Kumbaga naging open forum at naglabas kami ng sama ng loob sa classmates namin. Actually, parang prangkahan narin ang mga nangyari. Nagsasabihan ng negatives about us na tinanggap naman talaga namin. Kaya that time, I was like--nagising ako sa pagkakatulog. I mean, narealize ko na ang lampa ko. Ang cheap ko. Ang dami kong drama. Kaya napatanong tuloy ako sa sarili ko.

Sino ba talaga ako?

Ano ba talaga ang pagkatao ko?

Kilala ko pa ba ang sarili ko?

There's this feeling na di ko maexplain. At di ko maintindihan. Basta naisip ko nalang, ang cheap ko at ang duwag ko. Nang dahil lang sa takot ko na ma judge ako ng mga tao eh naging trying hard ako at pinilit ang sarili kong maging ganito.

Naisip ko rin na parang ang sama kong tao. Kasi parang wala akong pakialam sa paligid ko. Ni hindi ko nga tinatatak sa isip ko ang mga pangyayari sa buhay ko. Dati ang gusto ko lang naman, magkaroon ng maraming kaibigan. Pero ngayon? Okay lang kahit isa lang ang matira, basta ang hinihiling ko lang, marunong siyang umintindi sa ugali ko. Maging sensitive at wag nalang pakialaman ang bawat kilos ko.

Siguro mas gusto ko pa kasing ugali ko yung magiging true friend ko. Yung tahimik lang din. Na kapag busy ako sa isang bagay hindi ako guguluhin. Yung maiintindihan ang estado ng buhay ko. Yung totoo. Yung kaibigan na hindi sisirain ang tiwala ko. And lastly, yung kaibigan na hindi ako iiwan kahit ano pang ups and downs ang pagdadaanan ng friendships namin.

Narealize ko lang kasi, bakit pa ako nangangarap ng isang group of friends kung hindi ko din naman sila makakasama ng pangmatagalan? Tsaka, hindi naman kasi maiiwasan ang misunderstandings eh. Swerte mo nalang kung may kaibigan kang kulang nalang pakpak para matawag na anghel.

I have this big problems and issue about friends kaya narin siguro parang hindi totoo ang pinapakita ko sa kanila. Takot lang din naman kasi akong maulit yung nangyari dati. Yun bang tipong, hindi mo alam kung totoo pa ba ang isang yan sayo?

Right now, ayoko muna mag expect na may true friend na ako. Hindi rin naman kasi constant ang mundo. Pagdating ng panahon, may mawawala, may darating. Siguro ang kelangan ko nalang ihanda ang sarili ko at hanapin ang totoong ako.

Mas matuturing ko pa nga sigurong totoong kaibigan ang mga nakakausap ko dito sa wattpad eh. Alam niyo bakit? Kasi sila, hindi ko man nakakausap sa personal, alam ko namang totoo ang mga sinasabi nila sakin. Kasi nga, getting to know each other pa kami. Nasa friend stage na kami pero atleast, walang backstabbing na mangyayari dahil hanggang chat lang naman kami.

Siguro marami narin sainyo ang nawe-weirduhan sakin ngayon ano? hahaha. Wag kayong mag-alala. Hindi ko man totoong kilala ang sarili ko, atleast totoo naman ako sa nararamdaman ko. Di ko nga pang nilalabas :P iniipon ko lang lahat.

HAHA. Dami kong drama ang gusto ko lang naman talaga sabihin ayyyyy...

Sana makakahanap ako ng tao na maiintindihan ako. At mamahalin ako bilang kapatid, o kapamilya :))

Sana dumating kana ano? Siguro dumating kana rin naman, di ko lang siguro napansin XD.

Sana rin, tulungan niyo akong mahanap ang sarili ko. Gusto ko lang talaga magpapakatotoo. Nakakapagod kasing i-push ang perfection, Eh wala naman talagang ganun. Tanga lang kasi ako. HAHAHA.

#MissingSomeOtherPartOfMyself

#BeYourselfLangAnj.AJA!

P.S There's this certain persons with the "s" ha. Na gusto ko talagang maka-close poreber *pout* Sana di kayo mang-iiwan XD. Di man tayo ganun ka close pero atleast, mehel ke keyo XD.

#NakakahiyaAko!

#ILoveYouTwin

#Xoxo

ATLEAST (About ME!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon