March 14, 2015 (Saturday)
Alam niyo yung feeling na merong kapatid?
Akala niyo siguro masaya no? Lol. Alin naman ang masaya don? Bukod sa palaging binu-bwesit ang araw mo. Wala pang sensitivity sa katawan.
Nagjo-joke lang naman ako eh. (Kahit half meant naman yun) Nanghihingi kasi siya ng pera kay mama, tapos I remember, one day, humingi ako ng pera kay mama para sa projects namin tapos sabi niya. "Lagi ka nalang humihingi ng pera" tapos sinabihan niya rin si mama na: "Masyado naman yang malaki, bawasan mo" syempre, hindi binawasan ni mama. Alam niya naman kasi na pang project ko yun, sinabihan niya pa si kuya na angal daw ng angal eh siya nga daw gabi-gabi humihingi ng pera, winawaldas lang naman sa pagsusugal kuno niya, o di kaya sa lakad nila ng mga kaibigan niya. Ang hirap kasi kung bakla yung kuya eh. Dinaig pa kamalditahan ko. So ayun nga, dahil na remember ko yun, sinabi ko sa kanya.. "Uy! Kita mo na! Noon ako ang sinisita mo kasi laging humihingi ng pera tapos ikaw pala.. yung saakin mas mabuti pa kasi pang project."
Biro lang naman yun eh. But know what he said? Ah. Nakakasakit lang. Sabi niya aral-aral daw wala naman daw akong patutunguhan. I said seryoso naman ako, pero anong sabi niya? Marami nadin daw ang ganito. Seryoso kunwari sa pag-aaral pero wala namang mararating kasi wala dawng alam na trabaho. Wala parin daw akong future.
Like, gaguhan ba?! Oo, alam ko namang "lazy girl" ako. Pero tama bang e-judge ako? I guess not. Kasi, wala naman siyang alam. Kapatid ko nga siya pero di niya ako gaano ka kilala.
Ang sakit lang kasing isiping parang nakikita nila ang future ko na wala parin akong mararating. Second time na to nangyari eh. At eto parin ako, walang laban at iiyak nalang at magatago. Minsan, nakakainggit yung mga palaban at 100% mataray at maldita. Kasi sila, kaya nilang ipaglaban ang sarili nila. Pero ako, ano? Iyak talo. Yan naman talaga eh.
Akala siguro ng ibang nakakakilala sakin, wala akong problema, okay lang kami ng kuya ko. Pero di nila alam, may hinanakit ako sa kanya, matagal na. Kung kaya ko lang siyang sagut-sagotin ginawa ko na. Pero madaya talaga. Kasi walang-wala ako sa kanya. Marami siyang kaibigan. Maraming naniniwala na mabait siya. Oo mabait naman talaga siya. Pero sa ibang tao lang. Hindi saakin. Magkakasundo lang naman kami, niyan pag may kaylangan siya. Ang taray lang.
Ha-Ha-Ha! Andito na naman ako sa Ka-OA-han 101 ko. Sorry naman, gusto ko lang mag share. Wala akong ibang nalalabasan ng problema kundi dito lang. Pasensya na ha?
Share niyo nga rin saakin kong paano maging certified maldita. Nakakapagod nang umiyak sa sulok eh. Gusto ko ring maging palaban naman kahit minsan.
-Anj
BINABASA MO ANG
ATLEAST (About ME!)
No FicciónHiyeeers! Ginagawa ko pong diary ito. Kaya po, wag pong manghusga. Kung curious kayo sakin, feel free to read this. Kung ayaw nyo naman ng ka-OA-han ko, hoho~ Okay lang kung di niy babasahin. Just READ if you want.... Give ADVICE if you LIKE and ha...