Xanex POV.
Alam kong late nako 15 minutes sa usapan namin ni Paulo. Pasalamat sya pupunta ko baka kase magbigti sya ee!Haha.Dumaan pa kase ako sa dating condo ni Phoenix,nagbabaka sakaling andun sya gusto ko kase sya makausap. Pero sabe sakin nung katabi nya ng unit matagal na daw ibinenta yun. San ko kaya sya makikita?Siguro naman magiging okay pa kame diba?
Naglalakad nako papapasok sa BlackSwan,tsk!Naalala ko na naman si Phoenix,bakit kase dito pa! Napalingon ako sa gilid ko, may naghahalikan sa labas ng kotse.Yak naman! Masyadong PDA! Didiretcho na sana ako sa loob kaso parang may nag sasabi sa utak ko na tumingin ako.
Lumingon ulit ako,yung feeling na nanlulumo ako. Nag simula ng uminit yung gilid ng mga mata ko.
Si Phoenix yung nakikipag halikan. Hindi ko maintindihan,hindi ko magalaw yung mga paa ko. Gusto ko sya yakapin at hilaiin. Damn! Nung naghiwalay kame naabutan ko syang nakikipag sex,tapos ngayon after 1 year babalik sya makikita ko syang nakikipag make out!Tang*na lang!
Pinilit kong igalaw ang mga paa ko. Tumalikod nako.Hindi ko kayang panuorin yung nangyayari.
Pumasok nako ng Cafe,hinanap ko agad kung asan si Paulo.Nakita ko naman sya sa gilid na naka headset at seryosong nakatingin sa labas.Nakita nya kaya? Sana hinde.
"Hoy!Tukmol ano ng problema mo?" umupo ako sa tapat ng upuan nya.I tried to sound normal.Tiningnan nya lang ako.
"Oo na,alam kong maganda ko pero nakaka gago yang tingin mo." sabi ko sakanya sabay irap sakanya.
"In your dreams." sabi nya habang nakataas yung kilay.Bakla ata to ee.
"Bakit ka late?" tanong nya pa saken.
"Kase nga maganda ako."sabi ko habang naka cross arms.
"Ginagago mo ba ko?"sabi naman nya habang naka titig sa mata ko. Hala? galit si kuya?
"Hindi.Kase gago kana."sabi ko sabay flip ng hair ko.Tinitigan naman nya ko ng masama.Akmang pipititikin nya yung noo ko ng harangin ko ang kamay nya.
"Eeps!Mamimitik ka na naman!Joke lang ee!Nalate ako kase traffic.Eh ano ba kaseng ginagawa naten dito?" pinagpagan naman nya yung kamay nya na hinawakan ko. Ay pusa! Napaka arte!
"MWFS lang ang schedule natin. Bukas ang start tuwing after class sa garden sa likod ng building naten." sabi nya habang naka poker face.
"Oo na!Oo na!Nakakainis naman oh!" sabi ko.
Bigla naman syang tumayo at naglakad na palabas.Yawa?Yun na yun? Seryoso talaga?Pusang gala,yun lang pala sasabihin nya? Urgh!Bwisit talaga yung lalaking yun!
Lumabas narin ako. Anong gusto nyo mangyare tumambay ako dun?Tsk. Letche talagang Paulo yun!
Didiretcho nako ng bar ni Neil.
Naglalakad ako papunta sa sakayan ng makita ko si Phoenix. Nakatayo sya sa gilid na parang may hinihintay.
Huminga ako ng malalim at inipon ko yung buong lakas ng loob ko. Malapit na ako sakanya ng may biglang sumulpot na babae sa likod nya at pumulupot sa braso ni Phoenix. Hindi ko yun pinansin nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kanilang dalawa.
"P-phoenix.." nanginginig ko syang tinawag.Agad naman syang napatingin saken.Halata sa muka nya yung gulat. Hindi ko alam kung bakit sya nagulat. Nagugulat ba sya dahil nandito ako at may kasama syang iba o nagulat sya dahil nagkita na kame after 1 year. Pero hindi na mahalaga yun.
"Xanex." sabi nya.Agad nyang nabago yung expression nya na happy sya.
"P-phoenix,how are you? Ahm, k-kailan kapa bumalik?" sabi ko. Shems nanginginig ako.
"Ahm,past few weeks pa.Sige una kame. Tara na babe."sabi nya na parang wala lang.Bago sila umalis agad ko syang hinatak tapos niyakap ko sya. Agad naman nyang tinanggal yung pag kakayakap ko sakanya. Tiningnan ko sya.
"Xanex,ano bang ginagawa mo?" sabi nya saken.
"P-phoenix,hindi naba tayo pwede ulit?Willing naman ako Phoenix ee." nag sisimula nakong umiyak.
"Xanex.Matagal na tayong tapos. Hindi na kita mahal tigilan mo na ako.Naka move on nako sana mag move on kana rin" sabi pa nya at tuluyan na silang tumalikod.
"Phoenix."tawag ko pa ulit sakanya pero hindi nya nako nilingon ulit.
Naiwan akong mag isa.Umupo ako dun sa gilid na puro damo.Iyak lang ako ng iyak.
"Ano bang mali kong nagawa? Wala naman diba? Mas masakit pala talaga kapag mismong galing sakanya na mag move on na ako. Ang sakit lang ee,tang ina ang sakit sakit." sabi ko sa sarili ko. Iyak lang ako ng iyak. Ganon naba ako katagal nag paka tanga at naka move on na sya?
Nang mapansin kong gabi na, nag taxi nalang ako pauwe. Pag ka dating ko naglinis lang ako ng katawan at natulog na.
Tapos naba talaga kame? Ititigil ko na rin ba ang pag aasume ko na babalik pa sya?
STAI LEGGENDO
My Opposite Partner
RandomDO OPPOSITE REALLY ATTRACT? Paano kung yung "opposite" na yun ang tumulong sayo nung panahon ng mga katangahan mo. Are you going to deal with it? Naks english yun ah!Haha
