Chapter 9 Girlfriend

41 3 2
                                        

Naglalakad nako sa hallway papunta sa room ko. Mejo maaga pa kaya wala pang masyadong tao. Sila Jhannen at Cass hindi ko sila kasabay kase iba iba kame ng schedules.

Biglang may limang babaeng libag na tinubuan ng katawan ang humarang sakin.

"Hey!You!You are so--" Hindi nya natuloy yung sinasabe nya sakin kase may binulong sya sa kasama nya

"Ano nga bang english ng malande?bilis!"bulong nya sa kasama nya pero sapat lang para marinig ko,natataranta ring nag isip ng sagot yung kaibigan nya.

"Flirt yun diba?Oo yun,yon." sagot naman nung kaibigan nya. Nakatingin lang ako sakanila.Psh! Mga trying hard maging mean girls mga bobita naman!Tch.Pwes! Di ko sila uurungan!

"You are so flirt!" sigaw nya sakin. Akmang sasampalin nya ko ng mag salita ako.

"Sige,subukan mong idikit yan sa muka ko."sabi ko natigilan naman sya at ibinaba nya yung kamay nya.

"Hmmp!You are so flirt!Inaagaw mo samin si Paulo!!" sigaw nung babaeng maliit sa likod kasam rin nila.

"Tama!Nakita namin kayo kahapon sa BlackSwan Cafe!"

At ang dami dami pa nilang sinasabi. Yawa!Si paulo lang pala ikanakagalit nila!?

"Okay na kayo?Tapos na ba? Sana tapos na kase bahong baho nako sa mga bunganga nyo." sabi ko at bored ko silang tiningnan. Bigla akong hinila nung babae sa buhok ko. Pero bago nya pako masaktan biglang may humawak sa wrist ko. Bigla naman akong binitwan nung babae at umayos sya ng tayo saka yumuko na parang kabadong kabado.

Ay!Anu ba yan nag eenjoy pa nga ko ee tapos eeksena to bigla.Lumingon ako sa lalaking may hawak ng wrist ko. Si Paulo?Ay pucha! Ano nanaman pinaglalaban neto!?

Bago pa ako makapag salita, hinila nya ko papalapit sa kanya tapos inakbayan nya ko!?

"Dont you dare touch my girlfriend again or else.--" sabi ni Paulo. Bigla naman nag salita yung pinaka leader nila yung sumabunot sakin kanina.

"Ahm,Paulo and Xanex. Were sorry diba girls?Sorry ahm sige we are leaving na. He-he." sabi nya at kanya kanya silang takbo.

Hala?Anu bang nangyayare? Ang kapal ng muka neto,girlfriend nya daw ako!? WTF! Never! Baka mas lalo pakong guluhin ng mga fan girl nya ngayon dahil sinabi nya na mag on kame! Aish! Bwiset talaga!

Pinitik nya ko sa noo dahilan para makabalik ako sa katinuan,natulala ako sa mga kaganapan ee tsk!

"Tsk.I just said it para tigilan nila ako. ASA ka namang patulan kita ee maliit kana nga flat chested ka pa." sabi nya at nag smirk pa sya! at inilagay nya yung mga kamay nya sa bulsa,nauna narin syang maglakad sakin.

Napahawak ako sa dibdib ko. Oo nga flat chested ako bakit ngayon ko lang na realize? Ay!Bwisit sya,napaka manyak nyang gunggung sya! Urgh!

Dinampot ko yung nalaglag kong libro kanina.Bumwelo ako at tinantcha ko yung tatamaan talaga sya. Ibinato ko yung libre then shoot!

"Yes!" sigaw ko.Natamaan ko sya! Yehey!

Dahan dahan syang lumingon habang hawak nya yung part ng ulo nya na natamaan ng libro ko. Napatigil ako sa pagdidiwang ng naramdaman kong masama syang naka titig sakin.

Lumapit ako sakanya at dahan dahan akong yumuko para madampot ko yung libro ko.Nakatitig parin sya sakin.

"Eh?Ano ee, dumulas sa kamay ko? He-he sige una nako." sabi ko sakanya habang umaatras nako dahan dahan. Nung lumalayo nako sakanya konti, nanakbo na agad ako papunta sa room. Baka mamaya batuhin pako ng sapatos nun ee. Naalala nyo yung nag bato sakin sa rooftop?Pati yung naka away ko sa mall tapos binato ako ng may takong? Walang iba kung hindi si Paulo Sanchez lang walang iba!*note my sarcasm* Pogi sana ansama naman ng ugali.

My Opposite PartnerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora