[Dahil si unnie ang unang nag-push ng SuLay sa "My Turn To Cry" noon at ang adviser ko (luh, teacher lang ang peg?)ng tungkol sa SuLay, dedicated po sa kanya ang first chap! Thanks for the help, unnie! Sensya na din medyo natagalan ito! Pero ipupush ko itong SuLay! Haha! Di ko nga lang sure kung kasing drama ito ng mga nauna. Naawa na ko sa EXO OTPs eh! Lagi ko na lang pinapaiyak sa stories ko,haha!]
-1-
"Leader-nim, ang sadista mo din talaga noh?"
Agad na napabaling si Suho kay Lay na biglang naupo sa tabi niya. Naroroon sila ngayon ngayon sa kanilang studio at kasalukuyang nagpapahinga matapos ng isang dibdibang page-ensayo para sa nalalapit nilang comeback concert. Nagtatakang bumaling siya dito.
"Anong ibig mong sabihin, Yixing? Don't tell me, naguulyanin ka na naman?"natatawang tanong niya. Makakalimutin kasi ang binata kaya palagi nilang inaasar na nagu-ulyanin.
Pumalatak lang ito saka saglit na uminom mula sa hawak nitong bottled water, "Ikaw yata itong nag-uulyanin sa ating dalawa eh. Akala ko ba sabi mo, tapos ka na? Ba't tumitingin ka pa?"
Natigilan na lamang si Suho saka agad na nag-iwas ng tingin. Mukhang nahuli na naman siya nito. Oo, naiinis na nga din siya sa sarili niya pero hindi niya pa din mapigilan na balingan ng tingin si Kyungsoo habang masayang nakikipagtawanan kay Kai. Alam naman niyang sarili lang din niya ang sinasaktan niya pero hindi niya pa din magawang alisin ang tingin dito.
Dahil aminin man niya o hindi, hindi pa din niya tuluyang nakakalimutan ang binata.
Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago isinandal ang ulo sa pader ng kanilang studio, "Ewan ko ba, Yixing. Nakakainis na nga din eh! Pinipilit ko naman eh. Pinipilit ko namang kalimutan siya. Na alisin ang tingin ko sa kanya. Na hindi na masaktan pero pakyeol lang, ang hirap! Ang hirap-hirap. Hindi naman kasi ganun kadali na kalimutan agad iyon lahat. At ang mas lalong hindi madali, yung magparaya kahit na alam mong hawak mo na yung bagay na tanging inaasam mong makuha."
"Pero leader-nim, nagparaya ka na di ba? Ikaw na ang bumitaw."
"At yun nga ang mas masakit tanggapin para sakin. Para akong batang nabigyan ng candy na gustung-gusto ko pero ibinigay ko pa sa iba. Kung ganun lang sana kadali makalimutan ang lahat, hindi ko na sana kailangan pang pagdaanan ito."tila sumusukong sambit niya.
"Leader-nim..."
Nagulat na lamang si Lay nang biglang tumayo si Suho mula sa pagkakaupo nito saka pilit na pinapasaya ang tinig, "Pero wala eh. Sabi mo nga, tapos na. Nasasaktan man ako, hindi ibig sabihin nun na kailangan ko nang magpabaya sa grupo di ba? Geh, una na muna ako sayo, Yixing. Kakausapin ko pa nga pala si manager hyung tungkol dun sa bagong design ng logo ng album natin."
BINABASA MO ANG
Angel: Into Your World [A SuLay FanFic]
FanfictionWhen Kim Joonmyeon aka Suho got his heart broken, he swore that he would never take a chance on love again...that is until an angel came into his world. The question that remains, will he also let this angel into his heart or will the angel be a fal...