[A/N: *Dedicated to her. Natuwa kasi ako sa SuLay one shot niya, haha! Pati title eh! "LOVE ME LIKE MONEY" Suho na Suho talaga! Nung naghahanap kasi ako ng reference for SuLay sa watty (na kakaunti lang yung nakita ko)ito yung unang nakakuha ng atensyon ko. Kaya, thumbs up sa one shot! More power!
*Isa lang ang tanging masasabi ko habang nagtatype nento *ehem* ANG LANDE NI SUHO! LUMELEBEL KAY BAEK! HAHA!]
-2-
Tuliro at nalilitong nagpaikot-ikot sa kama niya si Suho nang gabing iyon. Akala niya hindi siya makakatulog nang gabing iyon dahil na naman kay Kyungsoo pero hindi niya lubos akalain na ibang tao ang gugulo ngayon sa isipan niya.
At iyon ay walang iba kundi si Lay.
Inis na napabalikwas ng bangon si Suho saka ginulo ang buhok niya. Mabuti na lang at mag-isa lang siya ngayon sa kwarto dahil pansamantalang lumipat si Lay sa kwarto ni Tao para samahan ito mula nang umalis si Kris. Malalim na napabuntong-hininga na lamang siya.
Yixing na naman! Aish!
Hindi na napigilan pa ni Suho ang frustrations sa mga nangyayari sa kanya kaya naman naisipan niyang pumunta ng kusina upang uminom ng gatas at baka sakaling kumalma siya at tuluyang tangayin ng antok. Agad siyang bumangon mula sa kama at pumuntang kusina nila.
Napangiti naman si Suho nang makitang may natitira pa palang walang bawas na karton ng gatas sa ref nila. Kinakabahan kasi siya na baka naubos na naman agad ito ng grupo at kinakailangan na naman niyang mamili ng stocks nila. Lingid kasi sa kaalaman ng lahat, ang black ATM na hawak niya ay ipinaubaya sa kanya ng kanilang head na si Lee Soo Man bilang panggastos. At dahil alam nitong gastador ang ibang miyembro ng EXO, sa kanya lang iyon pinahawak.
Napangiti naman si Suho habang umiinom ng gatas. Hindi nga siya nagkamali. Tila kumakalma ang isip niya sa pag-inom nito kung hindi nga lang...
"Lea---Leader-nim?! Ba't gising ka pa?"
"PFFFFFFFFFFTTTTTTTTT-----!"biglang naibuga ni Suho ang iniinom nang pagkaharap niya sa pinanggalingan ng boses ay bumungad sa kanya ang taong gumugulo ngayon ng isipan niya, "YI---YIXING! I---ikaw pala yan! Ikaw? Ba---Ba't gising ka pa?"
Mali yata ang naging desisyon niyang uminom ng gatas dahil imbes yata na kumalma siya, mas lalong nagugulo ngayon ang isip niya habang tanging silang dalawa lang ang magkasama ng binata sa kusina ngayon. Pinipilit niyang ikalma ang sarili at ang tibok ng puso sa mabilis na pagrigodon nito sa kanyang dibdib.
Nagkakamot ng ulo at nakangiting bumaling naman sa kanya si Lay, "Ahhhh, nauhaw kasi ako bigla. Mukhang pareho lang pala tayo."lumapit ito sa lamesa at may kinuha doon bago unti-unting lumapit sa kanya.
Hindi maintindihan ni Suho kung bakit tila mas lalong bumibilis ang kabog ng puso niya habang lumalapit ito. Tila pinagpapawisan din siya at nanghihina ang kanyang mga tuhod. Oo, alam niyang isa siya sa pinakamatanda sa grupo pero ibang panghihina ng tuhod ang nararanasan niya ngayon. Habang binabawasan ni Lay ang distansya sa pgitan nila ay mas lalo lang siyang nanghihina. Buti na nga lang at medyo malapit yung lamesa sa kanya kaya nakakahawak siya dito para pang-suporta.
BINABASA MO ANG
Angel: Into Your World [A SuLay FanFic]
FanfictionWhen Kim Joonmyeon aka Suho got his heart broken, he swore that he would never take a chance on love again...that is until an angel came into his world. The question that remains, will he also let this angel into his heart or will the angel be a fal...