-5-

334 16 6
                                    

-5-

Napasapo sa ulo si Suho habang patuloy na iniisip kung ano ang pwedeng gawin para sa nalalapit na mahalagang araw para sa kanila ni Lay. Kung bakit ba naman kasi kulang-kulang tatlong araw na lang bago ang monthsary nila saka niya iyon naalala. Malalim siyang napabuntong-hininga.

Oo nga pala. Pagkatapos ng araw na iyon, kailangan na din niyang bigyan ito ng sagot.

Nang araw kasi na pumayag siya bilang maging rebound boyfriend ang binata, binigyan din niya iyon ng kaukulang oras. Isang buwan. Matapos ang isang buwan at hindi pa din nagbabago ang tingin niya dito, kailangan na nilang maghiwalay sa ayaw o sa gusto man ng isa sa kanila. Ginawa niya ang kondisyong iyon upang hindi matali sa kanya si Lay kung sakali mang masaktan niya ito at agad na makahanap ng panibagong maaaring paglaanan ng puso nito.

Pero habang iniisip niya ang posibilidad ng pangyayaring iyon ay hindi mapigilang kumuyom ng kamao niya. Siguro nga noon, iyon pa ang gusto niya. Pero ngayon, matapos makasama ang binata at mapatunayan na malaki na nga ang parte nito sa puso niya, hinding-hindi na siya makakapayag na may makapaghiwalay pa sa kanila.

Kaya nga gusto ni Suho na maging espesyal hindi lang para sa kanya kundi para na din dito ang araw na iyon. Ang kaso, wala naman siyang maisip na paraan kung paano.

Sakto namang bigla na namang sumulpot sa tabi niya sina Xiumin, Chen, Chanyeol at Baekhyun. Sabay-sabay na napailing ang mga ito nang makita siya sa kasalukuyang ayos.

"Tsk, tsk, tsk. Sabi na eh! Sabi na eh, epic fail ang pag-iisip mo ng plano para sa monthsary niyo ni Yixing gege noh, Suho hyung?!"pang-aasar na bungad sa kanya ni Chen.

Napapalatak na lamang siya, "Tss! Kung manggugulo lang din naman kayo, maluwag ang pinto. Pwedeng-pwede na kayong lumabas."

"Yah, Suho hyung! Ganyan na ba ang tumatanda? Nagiging bugnutin?"cross-arms na sabi ni Baek.

Malalim na napabuntong-hininga naman si Suho saka idinantay ang ulo sa ibabaw ng grand piano,"Mianhae, guys. Hindi ko kasi maiwasang mag-panic. Ilang araw na lang at monthsary na namin pero hanggang ngayon, wala pa din akong naiisip. Gusto ko pa namang maging espesyal para samin ang araw na yun."

"Kaya nga kami nandito, Suho hyung to the rescue!"

Kunot noong napabaling si Suho kay Chanyeol, "A---anong ibig niyong sabihin?!"

"Dahil sadyang fab kami at expected na naming mangyayari ito, kami na ang naghanda ng special monthsary gift namin para sa inyo!"nakangiting sabi ni Baekhyun saka inilabas ang dalawang ticket at inilapag iyon sa ibabaw ng grand piano kung saan kasalukuyang nag-iisip si Suho.

"Dapat talaga para kina Sehunnie at Xi yang mga yan kaso sila na ang nagsabi na ibigay na lang daw namin para sa inyo. Reservation tickets yan para sa kabubukas lang na bagong exclusive Italian resto. San ka, Suho?! Ang hirap makakuha ng tickets para diyan ah!" Paliwanag ni Xiumin.

Tila kumikinang ang mga matang kinuha ni Suho ang dalawang tickets. Hindi makapaniwalang napabaling siya sa mga kaibigan, "Gi---ginawa niyo ito para samin?! Kamsa!"

"Kami pa, solid SuLay shippers kaya kami!"

Tumango naman si Chen sa sinabi ni Baekhyun, "At dahil gusto mo namang maging espesyal ito para sa inyo ni Yixing gege, naisip namin na gawin natin itong sorpresa para sa kanya! Magpanggap ka lang hyung na talagang hindi mo naalala na monthsary niyo---na hindi naman mahirap para sayo dahil nakalimutan mo nga talaga...."

Angel: Into Your World [A SuLay FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon