Part 2

66 6 0
                                    

At dahil ikaw yong unang nagcomment ^___^ edidiacte ko sayo ang chappy na to. And to my surprise ikaw pala to sis!!!!! naku! i miss you na !!! ^____^

_________________________

“Naku may crush pala siya sa HS? Haha, xD swerte nong crush pag nagkataon diba Mau?” tanong ko sa kanya. Kapag may nahagip ako na balita tungkol sa mga college students na nagkakagusto ng HS  napapangiti ako at natatawa. Sino ba naman ang hindi? College student magkakacrush ng isang HS. Kinikilig ako haha. Pero may parte rin sa akin na hindi masaya sa ganoong sitwasyon kasi may ibang mga lalaki na pinapakita na may gusto sila ngunit hindi naman pala. Sarap iuntog sa pader noh?. Kung makapaglaro wagas. Sabagay, hindi ko naman mahuhusgahan agad ang isang tao kasi bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang attitudes, at mga incite tungkol sa mga bagay-bagay.

“Oo, nga eh. Swerte kasi mabait siya. Tapos matulungin pa sa mga magulang. Though hindi naman sila mayaman yong sapat lang ang estado ng buhay nila. At naku! Alam mo ba kung ilan silang magkakapatid?.” Makahulugang sagot ni Mau sa akin.

“Hindi.” Matipid kong sagot.

“15 LANG naman sila lahat.” Omo! 15? Hala ang dami naman nila.

“ Grabe? Totoo? Naku naman ang dami! Kung ako yong nanay nila hindi ko makakaya yata yan. Magiging losyang na ako niyan. Waaaaahhh!! May gooddddiiiiineessss! D keri ng berhen ko magpalabas ng ganyan ka dami.” Ahhhh!!!!!! Nong makakita nga ako ng babaeng nanganganak pero sa video lang ah. Kitang-kita kung paano mamilipit sa sakit yong nanay. Tapos…tapos…. Ahhh basta kung paano pinalabas yong bata at kung ano-ano pang kaek-ekan. Kinakabahan tuloy ako. Parang ayoko  na tuloy mag-asawa.

“ Haha!! Malakas siguro yong tatay. Hahaha.” Tawa pa rin ng tawa si Mau habang ako rito problemado sa sinabi niya.

“Hoy! Jedah wag ka ngang mangalumbaba dyan. Hindi naman ikaw yong nanay nila eh tsaka kapag ka magkaka-asawa ka I know na pag-uusapan niyo talaga yong tungkol sa bagay na    yan.”  Dagdag niya pa.

“Oo naman. Ano siya sinuswerte? Dami-dami lang? Choss wag lang talaga yong ganun ka dami, okay na sa akin ang 2 o kaya 3 basta wag lang humigit  isang dosena. Losyang na ako non.”

“Haha oo naman. Tara na nga kung saan-saan na napupunta itong usapan natin. Maka-uwi na nga lang para makapagpahinga naman tayo. Kapagod yong practice natin kanina.” Hinatak na niya ako sa room namin para kunin yong mga gamit namin at saka pumuntang gate pagkatapos.

My Officer and My CadeteWhere stories live. Discover now