Time Check!
Date: 04/03/15
Time: 1:06 pm
Papasok na sana ako ng gate ng school ng may humarang sa dinadaanan ko. Nandito na naman ang bungangera kong kaibigan.
“Hoy babae! Good morning.” Singhal na bati ni Aling Mau sa akin.
“Hoy din babaita!. Good morning din.” Binate ko rin siya pabalik para hindi magskandalo dito sa kadahilanang hindi ko siya nabati. Niyakap ko si Mau ng sobrang higpit, pampa-goodvibes ba.
“Tara na, baka ma-late pa tayo. Ang kupad mo pa man din maglakad.” At hinigit niya ako ng malakas. Lakad-takbo na nga itong ginagawa namin eh. Sabagay, baka magkakaisyu na naman na si GERMS malapit na sanang grumaduate pero late pa rin. Ako kasi talaga ang top 1 LATE sa klase namin. -_- Ipinatawag na nga yong mama ko dahil lang sa halos late na ako araw-araw. Paminsan-minsan hindi ako nalelate pero 1 minute after akong makarating ay naku baka late uli. Sayang ang points na binibigay ni ma’am. May deduction pa man din pag-late. Tsk tsk.
Hindi pa kami nakarating sa room kung saan magchechecking muna sa attendance bago pumunta sa ground para sa morning rituals sa paaralan, eh hinarangan na ako ng isa kong kaklase. Mayaman, maganda, at sexy, nasa kanya na ang lahat pero naku naman turn off ako kung ako yong lalaki. Her attitude should not be tolerated. Kaya lang wala naman akong magagawa kasi sila yong may ari ng school.
“Hi, germs.” Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang buhok ko pero bawat hawak niya sa mga hibla ng mga buhok ko ay talagang napakasakit. Kahit di halata ng ibang tao pero iba parin talaga kapag ikaw yong hinilahan ng buhok. Binitawan niya naman agad yong buhok ko. Ang mga alipores niyang kasama ayon nandun na sa ground. Hindi ko na lang inalintana ang sakit ng aking ulo at nagpatatuloy na lamang sa paglalakad.
“Okay ka lang ba Jedah?.” Nag-aalangang tanong ni Mau sakin.
“Okay lang naman ako Mau. Napahigpit lang talaga yong pagkakahawak niya sa buhok ko kaya medyo masakit pero okay naman na ako.” Inunahan ko na siyang maglakad baka kasi magtanong pa at maiyak ako hindi dahil masakit ang ulo kundi ang unti-unting pagdurog ng puso ko. Cliché but this is my life.
“Good morning Ladies and Gentlemen. Good morning Freshmen, Sophomores, Juniors, and our seniors a pleasant morning to all of us.” – MC1 and MC2 Then nagstart na yong flag ceremony.
ESTÁS LEYENDO
My Officer and My Cadete
Novela JuvenilI am an ROTC Officer. Assigned to look at and teach the new enrolled ROTC college students all about military. I am not perfect. I commend mistakes. Being their Higher Officer is one of a hell’a difficult duty. I acknowledged the assignment/duty gi...