Part 1

115 8 8
                                    

Date: 02-27-15

Time: 3:18 PM

Day: Friday

Jedah POV

“Jedah! Halika na! Masta-start na yong practice natin. Ano ka ba naman. Halika ka na nga rito. Wag ka nga magmukmok dyan. Hindi bagay sayo.” Kakasimula pa nga lang dakdak na ng dakdak itong kaibigan ko. Siya si Maureen Fuentes Arina ang kaibigan kong malaki ang bigbig.

“Oo na andyan na po Aling Mau. Dakdak ka ng dakdak dyan eh. Ang pangit pa man din ng boses mo.” Nagpagpag muna ako bago tuluyang sumunod sa kanya. Kanina pa kami don sa school ground ng bigla na lang siyang manermon.

“Wow naman nagsalita ang maganda ang boses.Ay maganda naman talaga yong boses mo ikaw nga yong kinikilala ng lahat ditto na “SINGER” eh. Ikaw na Jedah, ganda mo talaga.” Lakad parin siya ng lakad papunta sa hall, doon kasi gaganapin yong practice hindi ang actual venue ng graduation. Outdoor graduation yong  samin at sa hapon pa 5:00 pm magsisimula. 2 weeks na lang graduate na ako. Makakalayo na rin ako sa malaDEMONYO kong buhay HIGH SCHOOL. Katulad nga ng sinabi ni Maureen na sikat ako dito sa school namin pero hindi ibig sabihin nun Masaya ang buhay HS ko. Isa rin ako sa mga studyante na biktima ng bullying.

Masaya nga ako’t nagkaroon na sa wakas ng Law tungkol sa Bullying. To tell you honestly, hindi madali ang maging biktima ng bully. Kahit na wala kang ginagawang masama, ikaw at ikaw pa rin talaga ang itutulak nila na may sala. Ang saklap diba? Sa apat na taon ko sa paaralang ito, walang buwan at taon akong hindi nasaktan. Lahat iyan naranasan ko, kinaya ko, kahit na ba mapait at walang humpay ang pang-aasar at back-stab nila sa akin.

May mga panahon na kapag di ko na kinaya iniiyak ko lahat mag-isa. Oo nga’t may mga kaibigan ako pero hindi naman katulad ng iba na bff na talaga. Sinabi naman nila sa akin na hindi sila masyadong makakalapit kasi kapag nangyari yon madadamay lang sila. Ibubully rin sila pagnagkataon. Kaya tinatanggap ko lahat ng mga lait nila.

Hindi naman ako madamot saka kapag may kailangan sila ibibigay at tutulungan ko naman sila sa abot ng aking makakaya pero hindi yong kahit imposible mabibigay ko. No. Pero sa panahong kailangan ko ng tulong nila wala talaga akong maaasahan. Okay lang. Kahit muntik na akong magtransfer sa ibang school dahil lang sa mga ginagawa nila kasi naniniwala ako sa salitang KARMA. Hindi man susulpot ang karma agad pero alam ko sa sarili ko na dadating at dadating ang panahon na ibabalik sa kanila lahat ng mga kahayopang ginawa nila. Ipinapaubaya ko lahat sa panginoong Diyos ang mga taong nanakit sa akin. Alam kong hindi niya ako papabayaan.

Okay so much for my miserable experience. Papunta ka kami sa hall.

“Hoy! Jedah! Tulala ka na naman. Naku bayaan mo na yong mga taong walang magawa sa buhay at pinakekealaman nila ang buhay ng may buhay. Saka mabubusog ba tayo sa kanila? Hindi diba? Kaya wag ka na mag-emote dyan at tayo’y magsisimula na. 2 weeks na lang. 2 weeks makakaalis na rin tayo sa puder nila.” Nakarating nap ala kami. Di ko na tuloy namanlayan.

My Officer and My CadeteDonde viven las historias. Descúbrelo ahora