Part 4

57 2 0
                                    

Time Check!


Date: 04/17/15


Time:11:45 pm



Jedah's POV



Lumipas ang mga araw at ganun din ang samahan naming naming ni Mr. Blue at sinabi niya na rin sa akin na siya si Jader yong naging textmate ko. Hehe. Hindi na rin ako naiilang sa kanya mabait naman siya tsaka mapagkakatiwalaan.


"Hey Jedah!" tinawag ako ni Jader. Kung tutuusin mas matanda siya sa akin ng 3 taon. He's 19 and I'm still 16, pero siya na rin ang may sabi na huwag ko raw siyang tawaging kuya baka mapagkamalan raw siyang matanda samantalang bata pa raw siya. Tama siya BATA pa siya sa edad nayan -_-!



"Hey." Sagot ko sa kanya ng makalapit na siya sa akin. Nagsimula na ulit akong maglakad at ganoon rin siya sabay na kaming pumunta sa hall for our practice total sila naman rin yong magiging instructor namin.



"Malapit na graduation niyo." Nakangiti niyang sabi.




"Oo nga eh. Ilang araw na lang graduate na ako. BTW gift mo sakin? Hihihi." Napahagikik ako habang sinasabi ko sa kanya iyon.




"Sa graduation mo na lang." nahihiya niyang tugon. Tumango naman ako at ng makarating na kami sa mismong hall ay naghiwalay na kami. Pumunta siya sa mga kabarkada niya na kapwa mga nagtuturo samin.




"Mau good morning." Napatingin naman siya sakin matapos ko siyang batiin. Tanging pukol ng tingin lamang ang kanyang binigay sa akin at nag-iwas ng tingin. Ay drama lang mamaya ka lang Aling Mau -_- tinamaan na naman ang utak nito panigurado.




Balik ulit ang atensyon namin sa apat na lalaki na nasa harapan kasama na si Jader na siyang tumatayong pinuno ng grupo. Ginawa namin lahat ng mga bagay na sinasabi niya sa amin. Makalipas ng 2 oras ay sa wakas break na.




"Hoy matandang huklubang bruha ka! At ano iyong nakita ko kanina at nasaksihan? Baki snob ka na ngayon ha?!." Sinumbatan ko agad ng mapadaan siya sa harapan ko. Ganito kami niyan lagi kapag wala masyadong magawa. Nag-aaway kami para naman Makita ng ibang tao na nag-aaway talaga kami kahit hindi naman.





"Paanong hindi?! Eh kasama mo yong pinsan kop o at wala man lang pong naikwento sa akin tungkol sa inyo po. Naiintindihan niyo na po ba ako?." Habang nagsasalita siya ng ganun ay panay naman ang paggaya niya sa boses ng isang matandang babae na halos na walang ngipin. Humagalpak na talaga ako ng tawa lalo na nung ginagaya niya ang postura ng isang matanda na naninermon ng kanyang apo habang nakahawak ang kaliwang kamay sa may beywang at ang kanang kamay naman ay nakahawak sa tungkod na dala nito na taga-alalay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Officer and My CadeteWhere stories live. Discover now