Unit D (Parts 4 & 5)

32 3 2
                                    


Part 4

All set. Nakahanda na ang mga mga gamit ko sa paglipat. Dalawang araw nalang ay sa wakas, makakaalis na din ako dito. YUN ANG AKALA KO. Dalawang araw nalang meron ako dito sa bahay pero doon na mas lalong nagpaparamdam si Sheena. Ang lakas na ng iyak niya, pero hindi siya nagdadabog. Hinayaan ko lang siya. Sabi ko kasi sa sarili ko, tutal aalis na ako, wala ng dahilan para kausapin ko siya o mag-usap kami. Ff. Natulog ako ng mga 9pm, kailangan kong pilitin na makatulog dahil may pasok ako kinabukasan at ayoko ng ma-late. Maya-maya pa, ramdam ko na parang naninigas ang katawan ko, tapos may naririnig na din akong ingay sa sala. Sounds ng tv, halakhak ng mga bata, mga nag uusap. Yung normal na maririnig mo sa isang bahay na kumpleto ang pamilya. Parang ang saya-saya nila. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Naririnig ko pa din sila, tumayo ako para sana tignan kung anong meron sa labas at akmang bubuksan na sana ang pinto ng kwarto ko para lumabas, nang bigla akong napatingin sa kama ko at nakita kong nakahiga pa ako. "Patay na ba ko?!" Tanong ko sa sarili. Sa di ko alam kung anong rason at bakit mas pinili ko pa din lumabas sa kwarto ko kesa humiga ulit at subukang bumalik sa katawan ko, binuksan ko na ang pinto. Ang aliwalas! Tinignan ko ang paligid. Yung mga taong nakita ko sa unang panaginip ko ay sila pa din ang nakikita ko ngayon. "Nananaginip na naman nga ako." Bulong ko. Nang biglang may pumasok na babae sa main door at binati ako, "Gandang umaga! Kain na!" Bati sakin ng babae. Lumapit ako sa babaeng nakita ko, "Uh? Teka nakikita mo ko?" Sabi ko sa kanya. "Oo" at nginitian lang ako nito. Pumunta ito sa kusina, agad ko namang sinundan, "Teka, sino ka? Sino kayo? Bakit ko kayo nakikita?" Muling sabi ko. "Wag ka munang umalis." Huling sinabi sa akin ng babae bago ako magising. Ang tagal kong tulala sa kama. Iniisip ko yung mga nangyari sa panaginip ko. Bakit parang totoo? "Ito na naman ako, aalis ba ako o hindi? Ahhhh, Lord please tulungan niyo po akong mag decide." bulong ko habang nakahiga.Ff. Okay! Hindi ako aalis! Titiisin ko ang mga nangyayari sakin ngayon dahil alam kong matatapos din ito. At alam kong hindi ako ilalagay sa sitwasyon na ito ng walang rason. *sabi ko sa sarili.*Pumunta ako sa bahay ng caretaker. Ako: Hindi na po muna ako aalis, wala pa po kasi akong nakikitang malilipatan hanggang ngayon. Ito po ang bayad ko para po sa susunod na month. *inabot ko na ang bayad ko para sa renta, nagdahilan nalang din ako na wala pa kong mahanap na lilipatan*Caretaker: Ah ganun ba. Sige ne. Pagtapos kong pumunta sa bahay ng caretaker, dumaan ako sa tapsilogan, ilang hakbang lang sa compound. May nakatambay na tatlong lalaki.Tambay 1: Ikaw yung nakatira dun sa malaking bahay ano? Ako: Bakit ho? Tambay 1: Matagal ka na naming nakikita jan pero ngayon ka lang bumili dito sa tapsilogan. Nagtataka lang ako dahil ikaw lang ang nakatagal sa bahay na iyan. Ako: *sa isip-isip ko, mukang may alam tong si manong ah* Ganun po ba, bakit po hindi nagtatagal yung ibang nag renta dun? Tambay 2: E ang sabi may multo daw, di naman namin alam ang totoo dahil di pa naman kami napatira doon, totoo bang may multo dun sa bahay? Sa tagal mo ng nagrerenta dun, panigurado nagparamdam o nagpakita na sayo yun kung sakaling totoo nga. Ako: Nako kuya, wala ho. Di naman po ako magtatagal doon kung meron. *fake smile* sige ho, mauna na po ako. Naku, kung alam lang sana nila. Pag-uwi ko, sa kwarto ako kumain. Habang kumakain ako tulala ako, tapa at isang rice lang ang kinakain ko pero napakatagal kong kainin kakaisip. Naririnig kong nagsasalita na naman si Sheena sa kabilang kwarto, pero as usual, malabo ito at di maintindihan. Natawa nalang ako ng naobserve ko na kinakausap ko na pala ang sarili ko, "Mukang marami nang nakausap ang mga tambay na yun sa mga nakaraang nagrenta dito ah. Makakakuha kaya ako ng sagot sa kanila? Hmm, totropahin ko sila para mas mapakwento pa sila tungkol sa kung anong meron dito." Ff. Ewan ba pero dumadating sa point na nagmumuka na akong tanga. Naghahanap ako ng isang bagay na hindi ko naman alam kung ano yung bagay na hinahanap ko, basta. Para akong nagbubuo ng puzzle na sobrang hirap hanapin ng mga pira-piraso. Gabi na naman, kailangan kong magpaantok kaya nag inom ako ng Gilbeys mag isa sa kwarto at ginawang pulutan ang manok ng Andoks habang nanunuod ng series na Outlander sa netflix. Isang oras pa lang akong nag iinom at nanunuod...Nang biglang mawalan ng kuryente! "Anak nga naman talaga ng pating oo." sabi ko. Itinigil ko na ang panunuod ko tutal mejo hilo na din ako, buti nalang bago nawalan ng kuryente ay bukas ang aircon kaya malamig pa sa kwarto kahit walang kuryente. Sapat na 'to para makatulog ako. Bago ako matulog, tinitignan ko na ang oras, at pagkagising ko naman ay ganun din, lagi na din akong tumitingin sa oras. 8:48pm. Nag set ako ng alarm ng 6am para pumasok. Ff. "A*****." (tinawag ang tunay kong pangalan) May tumawag sa pangalan ko kaya ako nagising. Akala ko guni-guni ko lang kaya natulog ako ulit pero tinawag ako ulit nito. Tumihaya ako, wala pa ako sa ulirat ng biglang may tumawag ulit sakin at narinig ko to mula sa kwarto ko na parang ang lapit lang sa tenga ko. Ang lamig ng boses. Karipas akong kumilos at kinuha ang cellphone ko para gawing flashlight. Lumabas ako papuntang main door at tumambay sa veranda. Pagtingin ko sa oras, 10:21 palang ng gabi. "Pucha naman talaga!" sabay sindi ng yosi. Habang nagyoyosi ako, naisipan kong pumasok ng bahagya sa main door at ilawan ang dating kwarto ni April. Nakita ko itong bukas at may siwang ng kaunti. "Binuksan na niya ang pinto, pagkakataon ko na para pasukin 'to" sabi ko sa isip ko. Pinatay ko ang yosi ko sa ashtray at pumasok sa loob, akmang hahawakan ko na ang door knob sa kwarto kung saan nandun si Sheena, nang bigla itong kumalabog papasara. May tumulak sa pinto para isara ito. Pinihit ko ang door knob at nakalock na naman. "Lakas ng amats mo, Sheena!" sigaw ko sa kanya habang nasa harap ng pinto ng kwarto. Bigla itong tumawa, hindi naman tawa na nakakatakot. Yung giggle lang, yung parang mahinhin na tawa lang. Ff. May meeting ang boss ko at ang Engineer na kaibigan nito, kasama ng Engineer ang anak niyang si Paulo. Habang nag uusap sila, nakaupo si Paulo sa gilid at nakatingin sakin. Binalikan ko naman siya ng tingin na masama dahil hindi ako makapag focus sa trabaho ko dahil naiilang ako kakatingin niya. Maya-maya, lumapit ito sakin at umupo sa harap ko. Tinigil ko ang pagtatype ko sa computer, at kinausap siya.Ako: Ano bang kailangan mo? Bakit mo ko tinigtignan sa bawat galaw ko? Paulo: Kanina ko pa kasi gusto makita yung ID mo para malaman ang pangalan mo. Ako: Bakit mo naman gusto malaman pangalan ko? Paulo: Nahihiwagaan lang ako sayo. Ako: A*****. Paulo: Nice name ah. Bagay sayo. Ff. Madalas ng napapabisita si Paulo sa office kasama ang tatay niya. May business na gagawin kasi ang tatay niya at ang boss ko kaya palagi sila may meeting. Ilang months ang nagdaan, nagkapalagayan kami ng loob ni Paulo. Pumayag na din akong ligawan niya. 6 months na halos na nanliligaw si Paulo at may balak na akong sagutin siya. Umuwi ako samin at pinakilala ko siya sa mama ko at sa mga kapatid ko, pinakilala ko din siya sa mga kaibigan ko, kila Eka. Araw ng birthday ko, ininvite ko ang mga kaibigan ko. Mga high school friends na nag overnight dito sa unit, iilan sa mga friends ko ng college ay pumunta din, si Paulo, mga friends ko sa work. Si Eka ay pumunta na bago pa ang birthday ko para samahan ako mag grocery at tulungan magluto. Ito rin ang araw na balak ko ng sagutin si Paulo. Masaya ako na nakilala ng mga kaibigan ko si Paulo. Yung mga friends ko sa work ay nagpasya ng umuwi bandang 7pm dahil may pasok pa kinabukasan. 9pm, nagdecide na din umuwi ang mga natitira kong bisita sinabi ko kay Paulo na sabay-sabay na sila para di rin siya masyadong gabihin. Bali sumabay nalang ang high school at college friends ko sa sasakyan ni Paulo. Habang hinahatid ko sila papuntang parking, sinagot ko na din si Pau. Ang happy ko lang nung araw na yun, himala ding hindi nagparamdam si Sheena buong araw, pero di bale na basta ang alam ko masaya ako ngayon. 2018Ff. Ilang months lang after namin mag celebrate ni Pau ng 1st anniv, napapansin kong parang cold na siya. Dati sa work hatid-sundo niya ako, nagagamit ko nalang ang sasakyan ko pag may personal nalang akong lakad. Pero ngayon, pag nagpapasundo ako sa kanya ang dami na niyang dahilan. Paminsan pag sinusundo niya ako, ang tahimik lang niya. Walang umiimik samin parehas. Yung mga ginagawa niya noon, hindi na siya ganun ngayon. Ibang Paulo na yata ang kasama ko. Sunday, rest day ko, pinapunta ko si Paulo sa unit. Ako: Pau, okay pa ba tayo? Pau: Siguro?Ako: Kung may problema ka sabihin mo.Pau: Sa susunod nalang natin pag usapan to. Biglang nag walk out si Pau at nilayasan ako. Dumagdag pa to sa stress ko, habang iniisip ko yung tungkol kay Sheena at iniisip ko din yung samin ni Paulo. Dito na talaga ako as in nanghina na, dahil wala na akong tulog halos at di na rin masyado makakain. Ff. Kay Eka lang ako nag oopen ng lahat. Sinabi ko sa kanya na sobrang naiistress na ako. Pinuntahan ako ni Eka at nag stay siya sa unit ng ilang araw. Hanggang sa nagsusuka na ako. Konting kain ko lang ay isinusuka ko din agad ito kaya nag decide akong magpacheck up kinabukasan. Ff. Sa hospital, kasama ko si Eka na nagpacheck up. Ang tagal ng pila, nanlalamig na ako. Mabuti nalang at tinawag na kami. Lahat ng nakasulat sa papel na binigay ng doctor ay ginawa ko. Pumunta kami sa lab para magpa lab test. Nang lumabas ang resulta agad kaming bumalik sa doctor, hindi ko naman na inalis sa pagkakafold yung result dahil di naman ako marunong magbasa ng mga findings tulad nito. Habang binabasa ng doctor ang papel na ibinigay ko ay bigla itong napatingin sa akin. Doctor: Hija, buntis ka. Ako: *nanlaki ang mata ko sa sinabi ng doctor, wala akong nasabi dahil nashock talaga ako.*Inexplain sakin ng doctor lahat tungkol sa result ng mga lab test na pinagawa pero hindi ko na po ilalahad. Ff. Matapos ang check up, habang nagdadrive ako nakatulala lang ako. Iniisip ko, "bakit ngayon pa kung kailan nagkakalabuan kami ni Paulo." Eka: Ano ng plano mo? Ako: Sasabihin ko kay Paulo lahat. May choice ba ko, siya ang tatay nito. Baka sakali maging okay ulit kami pag nalaman niyang buntis ako. Dumaan muna kami sa botika para bumili ng dalawang pt, ng makatarating kami sa bahay nagbihis lang ako at agad ng ginamit ito para maipakita kay Pau. Nagpositive ang dalawang pt na binili namin. Tinawagan ko agad si Paulo, sabi ko may mahalaga akong sasabihin. Pagdating niya, pinaupo ko muna siya sa sofa at inabot ang dalawang pt ang ang result ng lab test. Hindi nga ako nagkamali, sobrang saya ni Paulo. Niyakap niya ako ng mahigpit at tuwang tuwa siya. Ff. Pinili na din ni Eka na sa unit na siya titira, para daw may kasama ako. Sinabi ko kay Paulo ang tungkol dito pero sabi niya ay wag na. Sinabi ni Paulo na sa kanila na ako mag stay pero sabi ko hindi pa ako pwede umalis dito, kahit anong pilit ni Paulo ay hindi ako pumayag na sa kanila tumira dahil iniisip ko pa si Sheena. Napilit ko din naman siya na pumayag na dito tumira si Eka, sinabi ko nalang na para may kasama ako. Okay naman ang lahat. Magkatabi kami ni Eka matulog sa kwarto. Ff.Nanaginip na naman ako tungkol sa babaeng nakita ko sa huli kong panaginip. Wala sa paligid namin ang ibang tao na kasama niya at wala din ang mga bata. Babae: Layuan mo na sila. Ipapahamak ka lang nila. Ako: Ikaw si Sheena, hindi ba? Babae: *tumingin lang ito sa mga mata ko na parang sinasabi na, oo* binabalaan kita. Nagising na ako dahil tumunog ang cellphone ko. Tumatawag pala si Pau. Pagtapos naming mag usap, iniisip ko kung sinong "sila" ang binabanggit ng babae, or should I say, ni Sheena. Napapadalas na din na andito si Paulo sa unit. Lagi siyang may dalang mga pagkain. Pag magpapacheck up madalas ko ng kasama si Eka at si Paulo. Paminsan pag busy sa trabaho si Pau, ay kami lang dalawa ulit ni Eka ang magkasama para sa check up ko. Ff. 5 months na ang baby ko, at excited na akong malaman ang gender niya. Naka schedule ako ng check up ngayong araw. Hindi makakasama si Paulo ngayon. Bago pa man kami umalis ni Eka, sinabi na niyang kumain muna kami. Habang kumakain ako, sumasakit ang tyan ko at hindi rin ako makahinga. Uminom agad ako ng maraming tubig, inabot sakin ni Eka ang gamot at agad ko itong ininom. Bigla nalang akong nag blackout, nagising nalang ako na nakahiga sa kama at nasa tabi ko si Paulo at si Eka. Hindi ko pa maigalaw ang katawan ko kaya, nanghihina pa ako.Paulo: *hinimas ang buhok ko* magpahinga ka lang muna. Dito lang ako hindi muna ako uuwi hangga't di ka pa okay. Nakatulog naman ako ulit. Isang panaginip na naman ang nangyari."Lumayo ka na sa kaibigan mo bago pa mahuli ang lahat!" Sigaw ng babae na madalas kong kausap sa panaginip. Biglang dumilim ang paligid ko at nakikita ko sa itsura ng babae ang galit sa mukha niya. Nagising ako na hingal na hingal at pawisan, nakita kong wala din si Paulo sa tabi ko. Tatayo na sana ako ng biglang naninigas ang tyan ko, nakita ko ding may dugong lumalabas sa akin kaya sumigaw ako, tinatawag ko ang pangalan nina Paulo at Eka. Natataranta na ako pero hindi ako makakilos ng maayos. Ilang minuto na ang lumipas pero di pa rin nila ako pinupuntahan, pinilit kong tumayo at makalabas ng kwarto para hanapin sila, lalo na si Paulo. Paglabas ko ng kwarto, nahuli ko silang naglalampungan sa sala. Natigil sila at nagulat, agad naman kinuha ni Eka ang damit niya at agad din sinuot ni Paulo ang pang ibaba niya. Nakita din nila na dinudugo na ako, agad namang tumakbo papalapit sakin si Paulo, pero si Eka ay nakaupo lang at di ako pinuntahan.Isinantabi ko muna ang galit ko sa kanilang dalawa at sinabi ko kay Paulo na dalhin na ako agad sa ospital. Umiiyak na ako nito, dahil sama sama na ang sakit na nararamdaman ko. Biglang may nagdadabog na naman sa bakanteng kwarto. Alam kong galit si Sheena. Gustong gusto ko silang saktan parehas pero mas inuna kong inisip na isurvive ang pinagbubuntis ko. Ff. Hindi ko na alam ang nangyari basta nalang nagising ako na nasa ospital na ako. Nakaupo sa tabi ko si Paulo. Tulala lang ako pag gising ko, naghahalo halo na lahat sa utak ko. Nung nakita ni Paulo na gising na ako hinawakan niya ang kamay ko pero agad kong tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak. Paulo: Patawarin mo ko. Ako: Anong sabi ng doctor? Kamusta daw ang lagay ng anak ko? Paulo: W-wala na. Wala na anak natin. Ako: *nagsimula na akong umiyak ng malakas* Napakawalang kwenta niyo! Lalo ka na! Kung ayaw mo na sakin, sana noon pa sinabi mo na! Umalis ka na dito, Paulo! Wag na wag na kayong magpapakita sakin ni Eka! Patuloy kong tinaboy si Paulo hanggang sa umalis na siya. Ff. Humingi ako ng tulong sa nurse para iabot sa akin ang gamit ko. Tinawagan ko si April. Sinabi ko ang nangyari at agad naman ako nito pinuntahan sa ospital. Inihatid lang ako ni April sa bahay kasama ang asawa niya. Hindi ko na sila pinapasok at agad ko din naman silang pinauwi para balikan ang anak nila dahil iniwan lang nila ito sa kapitbahay na kakilala nila para mapuntahan ako. Ako: Ayos na ako dito, sige na. Baka hinahanap na kayo ng anak niyo. April: Sure ka ba? Gusto mo mag stay muna ako ng ilang oras para may kasama ka. Nakakamiss din tong bahay na to ha. Ako: *smile* okay na ako. Bisitahin mo nalang ako pag pwede ng isama ang anak mo. Salamat sa inyo ha. Pumasok na ako sa bahay. Humiga ako at nakatulog. "Nalulungkot din ako sa nangyari sayo." ani ng babae. Ako: Huli na bago ko naintindihan mga pahiwatig mo. Babae: Ayan ang itinakda para sayo. Hindi pa natatapos ang lahat. Ako: Meron pa? Pagod na ako. Parang hindi ko kakayanin lahat, Sheena. Ff. Ilang linggo na ang nakakalipas matapos mangyari ang lahat ng ito, pumunta ako sa office. Hindi para mag-duty, kundi para magpasa ng resignation. Pagtapos namin mag usap ng boss ko, nagpaalam na ko sa mga kasamahan ko at umalis na. Nagpahinga muna ako ng isang buwan bago ulit maghanap ng trabaho. Dito pa din ako sa unit nagsstay, wala akong pinapapunta ni isa sa kahit na sinong mga kaibigan ko. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na tinraydor ako ng isa sa pinaka inaasahan kong kaibigan. Lunch time, lumabas ako para bumili ng pagkain dahil tinatamad akong magluto. Nakita ko ulit yung mga tambay na nakausap ko, nginitian ko naman sila kahit na pilit. Nag decide ako na dito nalang sa tapsilogan kumain. Habang kumakain ako, kinausap ako ng mga tambay na kumakain din. Yung isa pala doon ay may ari nitong tapsilogan at ang tindera ay ang asawa niya. Tambay 1: Aba, himala at dito ka kumain. Ako: Opo, para wala na po akong huhugasan na pinagkainan sa bahay *biro kong pagkakasabi*Oo nga pala kuya, dun po ba sa nirerentahan ko ngayon, eh may nakilala po kayo sa mga nakaraang nag renta dun? Tambay 1: Marami na ang tumira jan eh. Pero yun nga, mga hindi nagtatagal. May pamilyang tumira, may mga estudyante, ginawa na nga ding staff house yan noon kaso mga nagsialisan din. Ako: Ah. May mga kilala po ba kayo dun? Tambay 1: Hindi ko alam ang pangalan nung iba eh, pero sa muka oo. At yung iba dun ay nabili rin dito kaya nakakausap ko din. Parang hindi ko kaya na magtanong sa kanya tungkol kay Sheena. *sa susunod nalang ako magtatanong kung kilala niya si Sheena* sabi ko sa sarili. Tapos na akong kumain kaya nagpaalam na din ako kay manong. Ako: Sige po kuya. Mauna na po ako, salamat po.Wait for last part. Habang tinatype ko 'to umiiyak ako kasi nagf-flashback lahat. Masakit pa din pala kahit ilang taon na ang nakalipas.

Haunted Houses 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon