Pre-nup

54 1 0
                                    


Sorry kung medyo magulo ang kwento, 1st time lang po. Nangyari po ito last June 2019 sa isang Resort sa South.

Ikakasal ang ate ko ngayong December 2019, sa sobrang busy nila inagahan na ang pre-nup para hindi man magtugma ang busy sched nila tapos na ang pre-nup. Balak namin, after nilang mag-pre-nup mag-stay talaga sa resort na mapipili nila para mag-overnight. At eto na nga, napili ni ate ang isang resort sa south na kilalang-kilala dati, mayayaman lang ang nakaka-avail nito at super private ng resort. Kaso fully booked na yung rooms na malapit sa beach mismo kaya ang na-book nya ay yung medyo nasa gitnang parte ng resort, medyo magubat na sa part ng resort na yun kung titignan mo sa aerial shot at map nila, pero go pa rin dahil maganda naman talaga yung resort, walang tapon lalo pag tinignan mo ang photos ng mga nag-photoshoot na don, kahit na pansin na rin na may kalumaan na rin ito. So eto na, pre-nup na nila, we're 11 in a group, at may nauna ng 5 sa resort para mag-check-in, yung 6 nahuli dahil nanggaling pa silang Batangas para sa 1st location ng pre-nup, isang kotse at isang SUV ang gamit namin.

Around 12pm nung nakarating kami sa gate ng resort, 1st impression namin "creepy" para kaming nasa "wrong turn" na lugar lalo na yung village part kung nasaan ang unit na na-rent namin, mukha syang abandoned area, nasa bungad ka pa lang pakiramdam mo para kang nasa movie na 'Hills have eyes' or 'House of wax', feeling mo kasi ang daming nakatingin sayo pero wala namang tao, napakatahimik pa ng lugar.

Noong una di namin pinansin ang pakiramdam namin, nagbibiruan lang kami naisip namin tahimik lang talaga yung lugar at gusto rin namin yun para makapag-relax, kumbaga hindi crowded, solo namin ang resort. Gustong-gusto rin ng mga photographer ang resort kasi ang ganda raw, walang tapon na lugar at nanghihinayang pa sila na napabayaan ito.

Fast forward, around 5pm after ng photoshoot ni ate, sa dagat na naghugas sya ng katawan dahil sobrang daming buhangin nya sa katawan pero biglang wala pang 10 seconds na nasa dagat nakagat sya ng dikya from her tummy to her thigh, nagtataka kami kung paano sya nakagat gayung wala pa sa may tuhod ang tubig na pinaghuhugasan nya at nasa harapan naman nya ang BF nya na kanina pa nakababad sa tubig at naliligo. Ilang segundo lang namula na ang hita ni ate pati na rin sa may tummy nya kya nag-panic na kami, naghanap agad kami ng suka sa pinakamalapit na resto ng resort pero wala kaming makita ni isang crew, kahit yung mga guest na naliligo sa pool wala na which is sobrang nakakapagtaka din, nagpa-panic na ang lahat kasi walang mahingan ng tulong pero after a few minutes ay may lumbas from nowhere na isa crew na lumapit kya nakahingi kami ng suka. In-assist naman nya kami, hanggang sa dumating na rin ang Operating Manager ng resort. Nung pumunta ako sa parking lot para kumuha ng damit na pampalit ni ate, I noticed na wala na lahat ng sasakyan ng guest, nakakapagtaka kasi maaga pa naman (5:30pm). Around 5pm din nag-change outfit sina ate para sa last shoot nila sa beach at marami pa namang guest na naliligo sa pool at marami pang naka-park sa parking area.

Hindi ko na lang pinansin kasi ang nasa isip ko ay kumuha na ng pamalit na damit, after nyang makapagpalit sinabi ko sa BF ni ate na maglalakad na lang kami pauwi at daraan kami sa shortcut area dahil basa pa rin si ate dahil walang tubig na pangbanlaw sa cr. Sobrang creepy na ng pakiramdam ko kasi yung shorcut ay abandonado na talaga and sobrang taas na ng talahib, good thing, sinamahan kami ng isang guard na tumulong din maghanap ng suka.

Ayun na nga nadaanan namin lahat ng bahay sa village part ng resort, halos lahat ay abandonado na raw sabi ng kasama naming guard, may 2 units na occupied daw pero sa dulo pa ito at lahat na raw ay walang nakatira. Sinabihan nya rin kami na sana sa beach front na lang daw kami kumuha ng unit at hindi na sa village part.

Nung makarating na kami ng unit namin, 2 lang kami ng sister ko don dahil nauna na nga kami sa mga kasama namin, pumunta sya agad sa 2nd floor dahil nandon ung cr. Nagpaiwan ako sa baba para i-prepare ang pagkain para sa ibang kasama namin at para ma-sure na wala ring ibang papasok. Tinawag ako ni ate sa taas para tulungan syang magtanggal ng damit kaya ni-lock ko muna ang pinto sa baba para na rin sa safety naming dalawa. Pagpasok ko ng cr, sabi ni ate wala daw tumutulong tubig sa gripo kaya pina-check nya kung may tumutulo daw ba sa baba ng unit, pero pagbukas ko ng pinto ng cr bumungad sa akin yung bag ng BF ko, gulat na gulat ako at parang tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan dahil nasa gitna talaga sya ng pinto at nakaharang sa daraanan, napakaimposibleng mapunta yun don kasi pumasok ako na wala sya don at sure akong walang ibang tao sa unit kasi ini-lock ko ang pinto sa baba, walang ibang daan sa unit kundi ang pinto sa baba. Dahil 2 nga lang kami di ko na lang pinansin at di ko na pinaramdam kay ate na natatakot na ko dahil kailangan nya ring mahugasan yung katawan nya, dinampot ko na lang yung bag at pinatong ko ulit sa kama, naglakas loob akong bumaba para i-check kung may tubig sa lababo, merong tumutulo pero mahina kaya naisip kong lumabas ng unit at tignan kung may tumutulong tubig sa gripo malapit sa pool dahil bago mag-start ang shoot nila ate ay may nakita kaming matandang gumagamit noon at nagdidilig pa. Pagdating ko sa may pool wala ring tulo ang gripo at napansin ko rin na parang sira yung gripo (loss thread) saka mukha na syang luma at malumot, parang pag ginamit mo ay may tatagas na tubig na don sa gripo pero tuyo naman ang lupa sa may gripo, nag-antay ako ng 30 secs baka my lumabas pero wala talaga kaya bumlik na ako sa unit dahil medyo madilim na rin ang paligid.

Haunted Houses 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon