Ang Sikreto ng aming tahanan (Parts 1 & 2)

21 0 0
                                    



Part 1

Hi, admin! This is PeeJay again. I hope this story will be posted.

So nangyari ito taong 2012. Noon kasi wala kaming permanent address kaya palipat-lipat kami ng bahay. Ito yung pangalawang beses na lumipat kami ng bahay at malapit ito sa Ruins, parang nasa boundary ng Bacolod and Talisay. Nag decide sina mama at papa na mag rent sa ganitong bahay dahil sa mura na, maganda at malinis pa ang bahay. Pag pasok mo pa lng sa pinto, naka bungad agad yung sala. Ang dalawang kwarto naman ay makikita sa magkabilang side ng bahay kaya nagsisilbing parang hallway ang gitna ng dalawang kwarto papunta sa kusina. Unang araw namin sa bahay, kapansin-pansin na walang mga gamit rito. Tanging lumang salamin lng ang makikita na nakasabit sa dingding. Luma pero napakagandang salamin. Sabi ng care taker ng bahay, huwag daw pakialaman at siguraduhing hindi mababasag ang salamin. Ito raw ang bilin sa kaniya nga may-ari talaga ng bahay.

Makalipas ang ilang buwan, naging maayos naman ang aming pagtira sa bahay na'to. Hanggang sa nangyari ang di inaasahan.

Isang araw, ang natira na lang sa bahay ay ako at si mama. Si papa kasi at ang aking kapatid ay umalis dahil bibili ng grocery at iba pang mga gamit. Si mama ay naliligo sa banyo at ako naman ay naglilinis. Napaharap ako sa lumang salaman at pinunasan ko ito. Kapansin-pansin din na ang salamin ay nakaharap pala sa pintuan ng bahay. Habang pinupunasan ko ito, may nakita ako sa repleksiyon ng salamin na may babaeng naka puti na naglalakad sa labas ng pintuan. Lumingon ako at tiningnan sa labas ngunit wala akong nakita. Inisip ko na lng na baka si mama yun. Baka tapos na siyang maligo at nag tuwalya ng puti. Ngunit may narinig ako sa loob ng banyo na parang may naliligo pa. Doon ko lng napagtanto na hindi si mama yung nakita ko. Hindi ko ito ikinuwento sa kanila dahil baka guni-guni ko lng yun.

Hanggang isang gabi, kami na lng ng kapatid ko ang gising. Nasa loob kami ng aming kwarto at naka bukas ang aming pinto. Pag silip mo sa aming pintuan, matatanaw mo ang mayor na pintuan ng aming bahay. Nang pinatay ko na yung ilaw, may naaaninag akong naka puti sa mayor na pintuan. Ngunit parang malabo kasi nga madilim. Kami kasi pag natutulog, patay talaga lahat ng ilaw. Kumuha ako ng flashlight at itinapat ito sa pintuan ngunit wala namang tao roon. Nang pinatay ko na ang flashlight, doon ko nakita na mayroon talagang nakatayo sa pintuan. Dali-dali akong umakyat sa kama at nagulat naman ang aking kapatid. Sinabai ko sa kaniya na may taong naka tayo sa pintuan. Nung tiningnan niya, wla naman daw siyang nakita. Sinara na ni kuya ang pinto ng kwarto. Habang nag uusap kami, may narinig kaming mga bakas ng paa na parang papalapit sa kwarto namin at parang huminto sa harap ng pintuan. Tumahimik lng kami at biglang may narinig kaming may umiiyak. Dinig na dinig namin dahil parang nasa harap lamang ito ng pinto. Nag tinginan kami ni kuya at sabay na pumailalim sa kumot. Naka tulog na lng kmi siguro dahil sa takot.

Kinabukasan, kinuwento namin kina mama at papa ang aming karanasan. Akala namin hindi sila maniniwala pero meron din palang katakot-takot na karanasan si mama.

Isang araw, mga 5pm na daw yun, umuwi si mama galing sa trabaho dahil si papa na lng dw ang susundo samin sa school dahil pagod siya. Grade 7 ako nun at grade 8 si kuya. So syempre, walang tao sa bahay. Pag bukas dw niya ng gate, biglang bumigat yung pakiramdam niya at parang lumamig yung hangin. Nung binuksan na niya yung pinto, siyempre napaka dilim. Kaya kinapa niya yung switch ng ilaw sa gilid. Habang kinakapa niya yung switch, hindi ito mahanap ng kanyang kamay. Hanggang sa may nahawakan siyang napakalamig daw. Sinubukan niyang alamin kung ano ito. Doon niya nalaman na mukha ng tao ang kaniyang nahawakan dahil may naramdaman siyang ilong at bibig. Sobrang lamig dw nito na parang bangkay. Agad niya itong binitawan at sumigaw dw sya. Lumapit dw ang aming mga kapit bahay para tulungan siya. Nung na switch on na yung ilaw, wla naman dw nakitang tao sa loob. Sinabi raw sa kaniya ng mga kapit bahay na walang nagtatagal sa bahay na ito. Lahat daw na nag rerenta sa bahay na ito ay lumilipat kaagad.

Si papa ay may kinuwento din. Gumising dw siya ng madaling araw para umihi. Pag on niya ng ilaw sa sala, nag patay-sindi dw ito. Hinayaan nya lang at aayusin na lng dw niya bukas. Pagkatapos niyang umihi, may nakita raw siyang nakatayo sa pintuan. Babaeng mahaba ang buhok at duguan. Nag patay-sindi ang ilaw at nawala raw ito. Hanggang sa pag sindi ulit ng ilaw, nakita niyang naka ngiti ang babae sa kaniya. Pero agad itong nawala. Dali-dali niya dw pinatay ang ilaw at pumasok sa kanilang kwarto.

Matapos ang aming mga karanasan, ipinatawag nina mama at papa ang care taker ng bahay. Dito namin nalaman ang buong katotohanan.

Part 2

Hi, admin! Thank you for posting my story again. Here's the continuation.

Nung pinatawag nina mama at papa ang care taker ng bahay. Dito na niya inilahad ang buong kuwento.

Ang tunay na may-ari daw ng bahay ay nasa labas na ng bansa. Umalis ito dahil may mga pangyayaring gusto na niyang kalimutan. Itago na lng natin siya sa pangalang "Mam Ana" at ang care taker ng bahay ay tawagin na lng nating "Mang Isko".

Si Mang Isko at si Mam Ana ay dating mag kapit-bahay. Si Mam Ana raw ay may kambal at silang dalawa lng ang nakatira noon sa bahay na aming nirentahan dahil ang bahay na ito raw ay pinatayo ng kanilang mga magulang para sa kanila. Tawagin na nating "Tesa" ang kaniyang kambal.

Isang gabi, naunang umuwi si Tesa galing trabaho. Mag-isa lng sya sa bahay at nag txt naman daw si Mam Ana sa kaniya na hindi siya ngayon makakauwi dahil nag over time ito sa work.

Ayun sa imbestigasyon ng mga pulis at mga impormasyon galing sa mga kapit-bahay, nung madaling araw ay pinasok raw ng dalawang lalaki ang kanilang. Pagnanakaw lng daw sana ang kanilang motibo ngunit nakita sila ni Tesa at sumigaw raw ito. Kaya napatay siya ng mga magnanakaw at may mga ibedensiyang ginahasa pa.

Kinaumagahan, pag-uwi ni Mam Ana ay nakita niya ang bangkay ni Tesa na naka handusay sa mayor na pintuan ng bahay. Matapos ang mga pangyayari, hindi umalis ng bahay si Mam Ana at doon pa rin siya tumitira. Napapanaginipan dw niya si Tesa. Sinasabi nito na dalhin niya raw sa labas ang malaking salamin sa kanilang kwarto at ilagay sa tapat ng pintuan dahil sa paraang yun lng dw sila magkikita muli. Sinunod ito ni Mam Ana dahil gusto niyang maka usap ang kambal at humingi ng tawad. Gabi-gabing umiiyak si Mam Ana dagil sinisisi nito ang sarili sa pagkamatay ng kaniyang kambal.

Isang gabi, nakita niya raw ang kambal sa repleksiyon ng salamin. Nakatayo ito sa pintuan at nagkausap raw cla. Pagkatapos nun, hindi niya na raw nakita pang muli ang kambal. Ngunit, nagpaparamdam na ito sa bahay. Ilang araw ang lumipas at patuloy pa rin itong nagpaparamdam. Sabi ni Mam Ana kay Mang Isko, parang hindi na daw normal dahil natatakot na siya. May pagkakataong may mga bakas raw ng dugo na hugis paa sa sahig. Meron din daw kumakatok sa kaniyang kwarto pag madaling araw na. Kaya napag desisyunan nitong umalis na lamang at iparenta na lng ang bahay. Binilin niya raw ito kay Mang Isko.

Marami na rin daw ang nag renta sa bahay na ito pero hindi nagtatagal. Parehong dahilan ang kanilang sinasabi. Mga ingay, may umiiyak, tumatawa at higit sa lahat nakikita raw nla ang nakaputing babae. Pero may binilin si Mam Ana kay Mang Isko bago ito umalis. Huwag na huwag daw galawin o basagin ang salamin dahil may hindi kanais-nais na mangyayari kapag ginalaw ito. Ito ang sabi ni Tesa sa kaniyang panaginip noon.

Matapos namin marinig ang lahat, agad kaming nag impake at nag hanap ng malilipatang bahay. Kina lola muna kami tumira habang nag hahanap sina mama at papa ng malilipatan. Nung naka hanap na cla, pinahakot na ulit sa truck ang mga gamit sa bahay at inilipat sa bago naming titirhan.

Sa ngayon, wla na kaming balita tungkol sa bahay na iyon. Kung patuloy pa rin bang pinarerentahan yun at nagpaparamdam pa ba yung babae sa mga taong nakatira dun. Sana lang, malagay na sa tahimik ang kaluluwa ng babaeng walang awang pinatay.

-PeeJay

Haunted Houses 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon