Kabanata 5

31 5 0
                                    

"Ang unfair naman, sina Dad at Mom lang ang umalis..." Buntong hininga ni Ate Ezikiah habang magkakatabi kaming tatlo sa couch, ako ang nasa gitna at nasa kanan ko si Ate Riana samantalang si Ate Ezikiah ay nasa kaliwang bahagi ko.

I want to see my Lolo. I want to check if he is okay, if he's stable. Kaming magkakapatid ay naging malapit na kay Lolo. Sina Lola at Lolo kasi ang nag-aalaga sa aming tatlo magmula bata kami dahil wala sila Mom at Dad para gumawa ng bagay na iyon, ang Lolo ko kay Mom ay hindi namin alam kung nasaan na dahil ang tagal na noong huli kaming nagkita-kita.

Kahapon lang nang mabalitaan namin na nasa hospital si Lolo. Maaga ngayon at hindi mapakali ang mga kapatid ko, gusto na nilang makita si Lolo maging ako ay gusto na ring makita si Lolo. Hindi kami pinayagan ni Dad na sumama sa kanila kaya hindi kami mapakali.

"Liana, marunong ka naman siguro magmaneho ng motor, noh? Tinuruan tayo ni Lolo Cesar 'di ba? Kaya mo pa ba ngayon? Ngayon lang naman para makita si Lolo. Mabilis lang tayo para makauwi agad tayo rito nang hindi nalalaman nina Dad." Napatingin si Ate Ezikiah kay Ate Riana na seryosong nakatingin sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip.

I can't. Matagal na akong hindi nagmamaneho ng motor kaya hindi na ako marunong n'on. Hindi naman ako mahilig magmaneho ng motor o kahit anong klase ng sasakyan kaya kahit na gusto kong makasama sa kanila ay ayoko. Wala ring maiiwan dito sa mansyon para magbantay, ang sabi ni Dad at Mom ay dito kami para magbantay ng mansyon dahil minsan ay mayroong pumupunta rito sa mansyon at kinakausap sina Dad.

"Kayo na lang ni Ate Ezikiah, hindi pwede na iwanan itong mansyon. Ayoko rin namang umalis lalo na't motor ang gagamitin." Sabi ko saka tumayo, tinignan ko sila na nakasunod ang tingin sa akin.

"Baka ma-boring ka rito. Wala ang mga pinsan natin dito, walang tao rito pati ang mga katulong ay wala rin." Sabi ni Ate Ezikiah.

Day-off ng mga kasambahay namin ngayon at ang mga pinsan ko ay umuwi sa mga bahay nila dito lamang sa probinsya, kasabay umalis nina Dad at Mom ang mga pinsan ko kahapon. Ngayon ay wala kaming kasamang tatlo sa mansyon. Kung aalis silang dalawa ay masaya dahil wala akong makakasama sa loob ng isang araw. Masaya iyon.

Sanay na akong walang kasama kaya masasabi kong mas masaya kung wala akong makakasama sa loob ng isang araw. Para sa iba ay ayaw nilang walang kasama ngunit ako ay gustong gusto ko ng walang kasama sa bahay, mas relaxing at mas makakagalaw ka, hindi katulad kapag may kasama ka.

"Okay lang. Mag-asikaso na kayo at ako naman ay papasyal sa bayan o 'di kaya ay sa mga parke rito sa lugar natin. See you later!" Ngiti ko saka umalis sa harapan nila. 

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko para magpalit ng damit ko. Nag-dress na lang ako dahil wala naman akong ibang maisusuot puro dress na iba't iba ang disensyo at estilo, nagdala na rin ako ng slingbag na puti at katerno ng suot kong dress. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. 

Ang tagal na rin pala noong nakita ko ang sarili kong walang mabigat na problemang dinadala.

Tahimik at payapang buhay ang gusto ko magmula dati, ang akala ko ay hindi iyon matutupad pero ngayon ay hindi ako makapaniwala na natupad kahit paunti-unti ang buhay na ninanais ko.

"Liana, aalis na kaming dalawa ni Ezikiah! Ikaw na ang bahala sa mansyon." Biglang pumasok si Ate Riana na nakasuot na ng pang-alis. Sumunod na pumasok sa kanya ay si Ate Ezikiah na ganoon din ang suot katulad ng kay Ate Riana. 

I smiled at them.

"Sige, ingat kayo. Mamamasyal muna ako sa labas, mauuna na ako." Nilagpasan ko na sila. Nagmamadali akong bumaba sa hagdanan habang nakangiti.

Tumakbo ako palabas ng mansyon at gate namin. Napatigil ako sa pagtakbo nang muntikan ko nang mabangga ang isang batang babae. Nakalayo na ako sa mansyon, nasa gilid ako ng pasukan ng hacienda namin pero hindi ako roon pupunta doon dahil gusto ko sa bayan. Bibili na rin ako ng ilang gamit at mga damit ko.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon