chapter 13

777 9 5
                                    

Si Julie na ang unang kumawala sa yakap ni elmo.

Tumingin siya sa orasan niya at nakita niyang malapit na siyang malate.

"Hala malalate na pala ko."

"Tara na. Kukunin ko lang yung kotse magbihis ka na. Dadalhin ko na din yung ibang gamit mo."

"Sige salamat talaga elmo ah."

"Wala yun julie" nagsmile si elmo sakanya.

Pumunta na sa parking lot si elmo at kinuha na ang kotse niya inantay niya si julie sa may gate. Hindi naman siya katagalan nagantay pero nung nakita niya si julie ay sobrang sexy nito at napakasimple pa.

Nakapusod lang ito. Nakasando at maikling shorts. Sobrang ganda ni julie at napatitig lang si elmo ng matagal sakanya.

Nahanap nanaman ni julie agad ang kotse ni elmo.

"Oh elmo andito ka lang pala tara na"

Nakatitig pa din si elmo kay julie.

"Uy!!"

"Ahh o...oo san ba tayo??"

Tinuro naman ni julie kung san sila magtataping.

Habang nagdridrive ay sinusulyapsulyapan ni elmo si julie.

"Alam mo elmo kung ice cream lang ako kanina pa ko tunaw."

"Ahahaha sorry julie ang ganda mo kasi talaga eh."

"Nako wag mo kong binobola dyan elmo."

"Hindi kita binobola pramis totoo."

"Haaay nako magdrive ka na nga lang dyan."

Pagtapos ng ilang oras ay nakadating nadin sila julie sa pupuntahan nila.

"Elmo okay ka lang??" 

Tinapik ni julie ang noo ni elmo upang malaman kung maiinti pa ito.

"Oo naman"

"Elmo ang init mo atsaka mukha kang matamlay umuwi ka na papasundo nalang ako kila papa mamaya."

"Ahh hindi julie okay lang ako. Aantayin nalang kitang matapos."

"Bumaba ka na baka hinahanap ka na nila direk."

"Osige elmo mauna na ko."

Bago pa tuluyang makababa si julie ay hinawakan ni elmo ang wrist ni julie.

"Julie aantayin kita ah."

Nakita ni julie sa mga mata ni elmo kung gano talaga siya nito kamahal.

Nagsmile si julie "sige elmo just wait."

Sumilay naman kay julie ang ngiti ni elmo na never niya pang nakita kahit kailan ngayon lang niya nakitang magsmile ng ganun si elmo.

"Atsaka elmo wag kang magpapakapagod habang inaantay mo ko ah magpahinga ka lang."

"Osige julie para sayo. Yung mga gamit mo isusunod ko nalang ha."

"Osige elmo thank you."

At umalis na si julie.

pagkababa naman ni julie ay mula sa kotse ay nakita niyang sinalubong agad ni alden si julie. Nagyakapan at nagbeso ang dalawa.

Nakaramdam si elmo ng matinding selos kahit alam niyang mahal din siya ni julie pero di niya talaga maiwasang magselos.

Tumulo ang luha ni elmo. Unang beses siyang umiyak ng ganun ng dahil kay julie.

Ng medyo nahimasmasan na si elmo ay dinala niya na ang gamit ni julie sa may set at nakita niyang naguusap si alden pati si julie.

"Julie."

Napalingon si julie ng tawagin siya ni elmo.

"Bakit moe?"

"Eto na yung gamit mo."

"Oh elmo andito ka pala kasama ka ba sa shoot??" Tanong ni alden sakanya at tumayo ito.

"Ahh hindi sinamahan ko lang si julie."

"Ahh okay sige."

Lumapit naman sakanya si julie.

"Elmo okay ka na?"

"Julie...." nakita ni julie ang lungkot sa mata ni elmo.

"Bakit??"

"Julie tawag na tayo ni direk." Tawag naman ni alden kay julie.

"Mamaya nalang moe ah. Magpahinga ka na muna."

Habang nanunuod si elmo sa taping nila julie ay sobrang selos na talaga ang nararamdaman niya. Dahil ang role nila dito ay magbf at gf sila kaya laging nakaakbay si alden kay julie. At kung anu anu pang sweetness

Naglaro nalang si elmo sa cellphone niya para di na siya magselos dahil baka maiyak nanaman siya at lalo lang madagdagan ang hinanakit na nararamdaman niya.

Ng may biglang tumawag kay elmo. 

"Elmo."

Napalingon naman si elmo at nakita ang kaibigang si rocco.

"Oh rocco andito ka pala."

"Ahh oo ako yung magsisilbing kuya ni julie sa short film. Eh ikaw bat ka andito."

"Sinasamahan ko si julie."

"Nays dude bat kayo na ba? Elmo nagiimprove dati tinatago tago mo lang yan ah. Alam na ba niya??"

"Hahaha hindi pa. Pero alam niya na."

"Did she feel the same way??"

"I don't know." Hindi alam ni elmo kung tama ba yung isinagot niya dahil di niya maintindihan si julie.

"Elmo impossibleng di mo alam. andami niyong spotted na pictures. Tapos di mo pa din alam na may gusto siya sayo?"

"Weh?? Totoo. Where??"

Kinuha ni rocco ang cellphone niya at pinakita niya ang pictures kay elmo na magkasama sila ni julie yung sa arcade yung party ni maxx nung kumain sila sa labas everything ay nakuhaan. Maliban lang yung nagtapat si elmo kay julie.

"San nakuha toh?? Grabeh di namin naisip toh ni julie. Ambilis naman kahapon lang toh eh. Did she know?"

"Yes. Syempre alam mo naman ang media. At sinabi niya sakin na totoong gusto ka din niya moe pero hindi pa daw dapat ngayon kasi madami pa kayong dapat pag daanan."

"Oo alam ko yun. At ready akong antayin siya pag ready na siya."

"Wow elmo. pero eto pa isa may gusto din pala yang si alden kay julie."

"Alam ko din yun. Sinabi sakin ni alden."

Tumingin si elmo kina julie at alden.

Nakita naman ni rocco ang selos sa mga mata ni elmo. Kaya ramdam din niya na mahal na talaga ni elmo si julie.

Kaya umisip nalang si rocco ng trip para kay elmo "Elmo you know what..."

"What?" Tumingin si elmo sa side ni rocco.

"May kissing scene pa yan hahahaha." Natatawang sabi ni rocco.

"Ano?!" Nagulat si elmo sa biglang sinabi ni rocco.

(To be continued...)

My feelings behind the camTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon