Chapter 15

695 4 1
                                    

Umuwi na ang ibang staff at cre pati na din ang mga artistang nandoon kanina. Sila Elmo, Julie at Direk Mark nalang ang natitira. Di alam nila Elmo at Julie kung pano nila kakausapin si Direk pero sinubukan pa din nila.

"oh SECRET LOVERS bat andito pa kayo?"

"direk naman eh...." napakamot si elmo sa ulo niya.

"ehh kasi direk may sasabihin talaga po kami sainyo." pagpapatuloy ni elmo.

Tumingin si Elmo kay Julie at hinawakan nito ang kamay niya.

"what's up to you lovers?? ah este JuliElmo."

At natawa sila sa pagbibiro at pangaasar ni Direk sakanila.

"Direk kasi ano eh... uhmmm.."

"hmm??" 

"Ayaw po kasi muna naming sabihin sa iba yung tungkol sa kung anong meron samin ni julie ngayon..."

Ngumiti si direk sakanila.

"Ofcourse but promise you should be good in hiding it too. Pero pag may pumilit sakin baka mapilitan ako."

"direk naman eh.."

"joke lang.."

"hahahaha." 

Natawa nanaman sila Elmo at Julie.

"thank you po direk.."

"wala yon.. ay lalo na nga pala sa set ng Party P.ha?"

"opo direk atska di pa nga po ako sinasagot ni julie eh sa gwapo kong toh."

"elmo!!" 

Pinalo ni Julie sa braso si elmo.

"hahaha angkyut niyong dalawa. oops and one more thing ayokong nakakaapekto ito sa performance niyong dalawa especially you julie."

"oo naman po direk makakaasa po kayo."

"sige direk una na po kami ni Julie medyo masama po kasi yung pakiramdam ko eh."

"osige magingat kayo na hindi makita ah??"

"hahaha osige po direk 

=====

Nasa kotse na si Elmo at si julie. Gabi na noon at medyo nagugutom na din si Elmo.

"Julie kain muna tayo nagugutom na ko eh."

"Moe umuwi na tayo.. May sakit ka eh."

"okay lang ako Juls. lalo akong magkakasakit kapag nagutom ako."

Nagpaawa ng mukha si Elmo at ng tumingin sakanya si Julie...

"okay Fine.. pero uwi agad ahh."

"Yes. ma'am san tayo kakain??"

Biglang nagring ang cellphone ni Julie.

"Hello MA?"

"nak pauwi ka na ba??"

"opo mama."

"kasama mo ba si Elmo?"

"opo."

"ahh sabihin mo dito nalang siya mag dinner.. At madami kaming niluto. akala ko kasi makakapunta yung mga pinsan mo dito eh."

"osige po ma."

Pagkababa ng phone...

"Elmo hindi na natin kailangan maghanap pa ng kakainan dun na tayo samin sabi daw ni mama."

"okay!!! tara na. gutom na talaga ako."

To be continued...

My feelings behind the camTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon