chapter 12

793 7 5
                                    

Kinaumagahan ay maagang nagising si elmo. Pero medyo masama ang pakiramdam niya. Kaya tinext niya nalang si julie.

"GOODMORNING JULIE :))"

Pagtapos nun ay humiga muna siya saglit upang antayin ang reply ni julie pero wala pa din itong reply. Naligo muna si elmo pagtapos nun ay tinignan niyang muli ang phone niya pero wala pa ding reply si julie. Inisip niya na baka busy lang yun kaya bumaba na siya para kumain.

Pagbaba niya ay nakita niyang andun si saab at maxx.

"Hi elmo goodmorning."

"Goodmorning din" matamlay na sagot ni elmo.

"How's yesterday??" Tanung ni maxx kay elmo.

"It's good she had so much fun. Btw bakit kayo nandito?"

"Masama??"

"Hindi naman nagtatanung lang." Umupo na si elmo sa tabi ni frank.

"Kuya elmo bat antamlay mo kagabi ansaya saya mo ah."

"Clara wag mo na ngang anuhin si kuya malay mo pagod."

Nagsmile nalang si elmo sa dalawang nakababatang kapatid niya.

"Moe anak. May plano ka ba for this day."

"Oo sana ma eh. Bakit po?"

"Wala naman I'm just askin eh ikaw frank?"

"Yes po ma." At nagsmile si frank kay pia.

"Saab??" Tumingin si pia kay saab

"Meron din ma magbobonding po kami ng highschool friends ko."

"Maxx?" Tumingin naman siya kay maxx.

"I'll take care of the shop."

"Ahh osige as long as nageenjoy kayo ituloy niyo lang yan."

Unang natapos si elmo kumain at pumunta muna siya sa sala upang manuod ng tv.

Habang nanunuod si elmo ay may nagtext sa kanya. At si julie yon.

"SORRY ELMO NGAYON LANG AKO NAKAPAGREPLY BUSY KASI AKO EHH GOODMORNING DIN PALA :))"

Ng mabasa niya ang text ni julie ay medyo sumigla ang pakiramdam ni elmo.

"SAN KA NGAYON JULIE?"

Akala niya ay magaantay siya ng matagal sa text back ni julie pero nakapagreply naman ito agad.

"MALAPIT NA SA GUESTING."

Bigla namang naalala ni elmo ang dapat na surpresa niya kay julie. Kaya nagmadali siyang magbihis.

Pagtapos nun.

"Ma alis muna ako." Paalam ni moe kay pia at nagbeso siya dito.

"Sige anak ingat ka."

At mabilis na nagdrive si elmo sa pupuntahan niya.

------

Habang nasa backstage si julie ay ipinaliwanag na sakanya ang mga gagawin niya.

"So julie ano ready ka na?"

"Opo." Nagsmile si julie.

Pagkailang saglit ay tinawag na si julie.

"Let's welcome our guest for today miss julie anne san jose."

Lumabas na si julie galing backstage at nagpalakpakan na ang madami.

Meron ding iba ay sinisigaw pa ang pangalan ni julie.

"Goodmorning everyone. Kamusta na kayo haha" masiglang bati ni julie sakanila.

My feelings behind the camTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon