Chapter 20

801 8 2
                                    

Simula noon ay lagi ng tinatawagan ni Elmo si Julie na iisue na sila pero hinahayaan lang nila ito minsan ay si Elmo na ang naghahatid sundo kay Julie sa school at maraming nakakakita nito. madami na ding spotted pictures na lumlabas Kaya ang mga fans nila ay kilig na kilig. pero hindi maiiwasang magkaroon ng mga haters..

Sa tech reh ng party pilipinas ay magkausap si maqui at Julie...

"Uy Julie anyareh na sainyo ni magalona?? grabeh kung ano anong lumalabas na ppictures naloloka ako sainyo.. kulang nalang interviewhin kayo eh."

"ha? anong pinagsasabi mo?"

"may gaaawd Julie hindi ka ba aware?"

"hindi ano ba yun?" umiling iling si Julie.

"hayy nako Julie minsan manuod nga ng TV sa sobrang kabusyhan mo hahaha."

"hahaha."

"so kamusta na kayo ni magalona?? kwento ka nga Ja."

"uhmm ano ayun nagpaalam siya kila papa ta---"

"ay nako sinasabi ko na eh oh tapos?"

biglang hampas ni maqui sa braso ni Julie.

"teka friend eto na nga eh."

"oh game game."

"yun lagi siyang tumatawag then nanliligaw siya ganun tapos siya na naghahatid sundo minsan sakin sa school tas minsan naman nagugulat ako nasa labas siya ng bahay namin nagaantay tapos nagdadala siya ng pagkain sa bahay."

"teka teka Julie pwede siyang pumasok sa bahay niyo eh akala ko ba bawal lalaki?"

"ehh yun nga yung nakakapagtaka eh ano pumayag sina mama at papa na manligaw siya sakin di ko din alam sakanila."

"baka naman gusto talaga nila si Elmo para sayo.."

"hmmm---"

"speaking of which you're prince charming is coming see yah later."

"huh?!?!"

takang taka si Julie sa sinabi ni maqui atsaka niya lang nagets ito ng dumating si Elmo.

"Julie!" makikita ang lungkot sa mata ni Elmo pero nakangiti pa din ito.

"Elmo. bat anlungkot mo?"

"hindi ah ako malungkot di noh." tanggi ni Elmo.

"moe wag ka ng magkunwari alam kong malungkot ka." hinawakan ni Julie si Elmo sa cheeks.

"kasi ano eh....." napakamot ng ulo si Elmo.

"ano??"

napayuko si Elmo.

"may prod kayo ni Alden pero tayo wala."

"moe.... "

iniangat ni Elmo ang ulo niya at tumingin kay Julie.

"Julie I admit it nagseselos ako.. yung paghawak niya sa bewang mo yung tinginan niyo gusto ko ako lang gumagawa sayo nun gusto ko ako lang Julie.."

Napasmile si Julie at nakahawak pa din siya sa cheeks ni Elmo.

"Elmo alam mo naman diba??"

"ang alin Julie??"

"na ikaw lang." at sabay biglang kiss ni Julie sa cheeks ni Elmo.

ikinagulat naman yun ni Elmo at biglang nagbago ang aura nito at naging masya.

Napansin ng mga kasma nitong lalaki na biglang nagbago ang aura nito kasi kanina ay sobrang halos di mo na makakausap si Elmo pero ngayon ay siya na  mismo ang bumabati sakanila.

Nagrereherse na si Alden at si Julie. Nakatingin lang si Elmo kay Julie at naiinis siya sa tuwing hahawakan ni alden ang bewan ni Julie kaya naglaro nalang siya sa cellphone niya.

"Elmo!" bigla siyang tinawag ni sef.

"oh bro!"

"kita mo yun!" sabay nguso ni sef sa direksyon nila Julie at Alden.

"hahaha ahh yun ba oo."

"pagkababa ni Julie agad mong punatahan ah makakaiskor nanaman yan si alden."

"hahaha loko ka talaga pre."

"joke lang. haha" at umalis na si sef dahil may tumawag sakanya.

Ng mapansin ni elmo na tapos na si Julie at alden magreherse at pababa na sila ng stage ay agad niyang nilapitan si Julie.

kakausapin na sana ni Alden si Julie kaso biglang dumating si Elmo.

"Julie!'

"oh elmo ikaw pala."

"napagod ka ba? oh eto tubig oh,"

at iniabot niya kay Julie ang tubig at napatingin si Elmo kay maqui at nag thumbs up ito sakanya nagwink naman si elmo kay maqui at nagthumbs up din.

Pagtapos ng rehersals.....

"Julie."

"po?"

"uuwi ka na?"

"oo pagod na ko eh."

"ahhh ganun ba?? osige pahinga ka ng mabuti tapos magtext ka sakin pag nakauwi ka na ah.

"osige." nagsmile si Julie kay Elmo.

Habang bitbit ni Julie ang gamit niya ay nagpresenta na si Elmo na dalhin yung iba.

"Julie yung sasakyan niyo asan na?"

"ah hindi moe magtataaxi lang  ako malapit lang naman wala kasi sila papa."

"ano?!?!?! bat di mo sinabi kaagad?"

"eh di ka naman nagtanong eh."

"wait here kukunin ko lang yung gamit ko. ako na maguuwi sayo."

tumango nalang si Julie. Natuwa naman si Julie dahil pinanindigan talaga ni Elmo ang sinabi niya kay Julie na aalagaan niya ito sobrang gentleman ni Elmo sakanya at talagang pinapatunayan ni Elmo ang sarili niya kay Julie.

Habang pauwi na sila ay nakatulog na si Julie sa sasakyan alam ni moe na pagod ito dahil madami itong prods.

Ginising ni Elmo si Julie ngunit di ito nagising kaya binuhat niya nalang ito papasok sa loob ng bahay nila Julie.

 "oh sir Elmo kayo po pala." sabi ng katulong nila Julie sakanya.

"oo manang pabukas naman po ng pinto ipapasok ko lang po sa kwarto si Julie."

Binuksan ng katulong nila Julie ang pintuan at iniakyat na ni Elmo si julie sas kwarto nito.

Hiniga nani Elmo si Julie sa kama at pinagmasdan niya ang magandang mukha ni Julie.

Npasmile siya at naisipang buksan ang loptop nito. nakita niyang di pa pinapalitan ni Julie ang background nito na silang dalawa ni Elmo na nakawacky kaya natuwa si Elmo. Muling nagiwan ng sulat si Elmo kay Julie...

Bago siya umalis ay kinumutan muna niya si Julie at kiniss sa noo.

"goodnight baby I Love you." bulong nito kay Julie at umalis na siya at pinatay ang ilaw.

Pagkababa ni Elmo.

"sir kinuha ko na po yung gamit ni ma'am sa kotse niyo para di na kayo mahirapan pa."

"ay thank you po manang sige po una na po ako pagod na din ako eh."

"sige po sir."

At umalis na si Elmo at Umuwi na sakanila....

To Be Continued.....

My feelings behind the camTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon