Chapter 40

69 5 0
                                    

"Dark, ano ba?" Nag pumiglas ako. "Bitawan mo ko! Saan mo ba ako dadalhin?"

"No. Kailangan natin mag usap." May diin niyang sabi.

"If this is about our children wag kang mag alala, hindi ko ipagkakait ang karapatan mo sa mga bata." I said.

"This is not just about them, Altaira. We need to talk about us."

"Dark, wala na tayong dapat pag usapan. We're done, right? Ikaw na mismo ang tumapos but now you're here in front of me? Now that I'm trying to move on? Really, Dark? " I scoffed.

"Altaira, let me explain." He begged. "I-i have my reason."

"Then tell me." I said. "Baka mapatawad pa kita kung malalaman ko ang dahilan mo."

"I can't tell you my reason as of now, but I promise to tell you once we get back to the Philippines."

"Tangina, Dark anong klaseng paliwanag yan?"

"Just please, forgive me." Naluluha siyang tumingin sa akin. "I love you. What I said before is not true. Mahal kita at alam ng Diyos yan."

Umiling ako. "Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa sinasabi mo. Hindi ko alam kung sinasabi mo lang yan dahil buntis ako at kailangan mong panindigan ako. Hindi ko alam, Dark."

"Mahal kita kahit wala ang kambal. Mahal na mahal kita at patuloy kitang mamahalin kahit sa kabilang buhay." He said. "Can you give me another chance to prove it?"

"You're a jerk." Pinahid ko ang luha sa pisnge ko. "Pagkatapos mo akong palayuin pupuntahan mo ko dito to win me back. Alam mo kasing hindi kita kayang tiisin. You know how much I love you kaya hindi kita matitiis."

"Bati na tayo?" He offered me his hand.

"For the sake of our babies, yes." Tinanggap ko ang kamay niya. "Don't you ever hurt me again. Promise me, sasabihin mo ang reason pag uwi natin ng Pilipinas."

He gives me a weak smile. "Promise. For now, let's have some fun muna. I love you so much, love."

"I love you too." Inilapit niya ang mukha niya sa akin at binigyan ako ng isang marahan na halik.

Hawak kamay kaming bumalik sa pinagtayuan namin ng tent. Malayo pa lang tanaw ko na ang mga nag papanic ko na kaibigan. Hindi ko dala ang phone ko kaya siguro hindi nila ako matawagan. Binitawan ko ang kamay ni Dark at mabilis na lumakad papalapit sa kanila.

"Sinong hinahanap niyo?" Painosente ko na tanong.

Gulat silang tumingin sa akin at binato ako ng scarf. Mabilis akong nilapitan ni Carmela at tinignan ako mula ulo hanggang paa."Saan ka galing? Hindi ka man lang nag paalam para nasamahan ka namin! Jusko Altaira, ikaw ata mag cacause ng maaga kong pagkamatay."

"Letse kang buntis ka sa susunod lalagyan ko ng GPS tracker yang panty mo para hindi ka nawawala." Inis na sabi ni Chan.

"Kaya naman pala nawala may kumuhang kadiliman." Tumagos ang masamang tingin ni Ally sa likod ko. "Anong ginagawa mo ditong dilim ka? Sasaktan mo nanaman ba ang kaibigan namin? Pag yan talaga natuluyan ng makunan, lagot ka sa akin."

"Muntik ka ng makunan, love?" He asked me.

"Love love-in mo mukha mo. Lumayas ka nga dito!" Tinulak siya ni Chan. "Gumastos kami para lumayo ka tapos susunod ka din pala!"

"Chan, stop. We're good." I smiled at her.

"Marupok amputa." Sabay sabay nilang sabi at inirapan ako.

"Uhm oo-"

"Oo, muntik na yan makunan nung araw na pinaalis mo siya sa office mo isinugod siya sa ospital because she's bleeding." Galit na sabini Carmela.

Under The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon