Chapter 6

71 7 0
                                    

Idinilat niya ang mga mata niya matapos ang kanta. Batid ko na nalulungkot pa din siya pero pinilit niyang ngumiti sa harap namin.

"Grabe naman Dark, ang sakit naman ng kinanta mo. Pwede naman yung masaya eh." Bungad ni Chantelle kay Dark ng makalapit siya. Tumawa sita sa sinabi ng kaibigan ko. 'Alam ko na nasasaktan ka Dark. You can fool my friends but not me.'

"Oo nga Dark, para naman ma- in love na sayo itong kaibigan namin." Napalingon ako sa sinabi ni Carmela. Aba'y kagaling.

"Kailangan pa ba ng nakakakilig na kanta kung kaya ko namang paibigin si Altaira ng wala akong ginagawa." Kinilig ang mga gaga sa sinabi ni Dark.

"Tangina niyo. Kilig na kilig ha? Sa inyo bumanat? Ang galing tatlo pala tayong Altaira dito." Inis na sabi ko sa kanila.

"Di ka kasi marunong kiligin kaya kami na lang mag rereact para sayo." Natatawang sabi ni Carmela.

"Ah ganon, sige ganto na lang pag ako hinold up kayo sumigaw tas ako chill lang para pag may hawak siyang baril sa puso niyo unang babaon yung bala. Ayos ba yon?"

"Oh no, no, no bitch. Ayokong mabaril. Masasaktan ang meow meow ko." Napatulala kami sa sinabi ni Chantelle.

"Meow meow? You mean your pus---" Chantelle cut me off.

"Punyeta hindi yon! I mean yung heart ko! Masasaktan yung heart ko! Gosh ang bastos ng isip mo Altaira."

"Eh kasi meow meow is cat and other term sa cat is pussycat. Kaya akala ko yung ano mo yung masasaktan." Paliwanag ko.

"Ewan ko sa inyo. Ang bastos ng utak niyo!"

"Anong bastos? Wala lang talagang connect yung sinabi mo tanga!" At binatukan siya ni Carmela.

"Anong wala? Meron!"

"Oh sige na saan?"

"Sa pechay ko, gusto niyong hanapin?"Ngising tanong sa amin ni Chantelle at bumukaka sa harap naming dalawa.

"Kadiri amputcha. Umayos ka nga!" Inis na tugon ko.

Pekeng umubo si Dark na namumula ang tainga at halatang niilang na sa topic naming tatlo. Napaayos bigla ng upo si Chantelle. Nakalimutan atang may kasama kaming lalaki kaya ang dumi ng bunganga.

"Uh, sorry Dark. Hehe" hingi ng tawad ni Chantelle. 'Yan sige. Shunga shunga'

Hilaw na ngumisi si Dark bago binaling ang tingin sa akin. "Gusto mong mag lakad-lakad?" Tila kinuryenta ang dalawa kong kaibigan ng marinig ang tanong ni Dark.

"Ha? Sige, para makapag usap na tayo tungkol sa plano natin."

"Uy Chan, diba masakit ulo mo? Tara una na tayo sa room."

"Ha? Hindi naman--" hindi na hinayaan ni Carmela na matapos ang sasabihin ni Chantelle at dali dali itong kinaladkad paalis.

"Hoy, bumalik kayo dito hindi pa kayo bayad sa kinain niyo!" Sigaw ko sa kanila pero hindi na nila ako nadinig.

"Hayaan mo na. Libre ko na lang." Natatawang sabi ni Dark at binayadan na ang bill namin. "Tara na Altaira."

Tumango ako sa kanya at sinundan siya palabas. Naglakad kami sa gilid ng dalampasigan habang nakatingin ako sa kalangitan.

"Ang ganda talaga ng mga stars no? Ang kinang kinang nila ang sarap pag masdan." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa langit at bahagyang tumango. "Oo nga. Sana naging star na lang din ako."

"Bakit naman?"

"Para naman may silbi ako sa mundo." Ibinaba niya ang tingin niya sa buhangin.

"May silbi ka naman ah?"

"Meron ba? Kasi lahat ng tao sa paligid ko iniiwan ako because I bring them bad luck and negativity. Ang dilim ng buhay ko, sino ba naman ang gugustuhing tanggapin ang dilim sa buhay nila?" Tumawa siya ng bahagya pero kita ko ang sakit sa mata niya.

"Ako." Nag angat siya ng tingin sa akin. "So stop saying na wala kang silbi. Look at the stars, kikinang ba sila at magiging visible sa lahat ng tao kung hindi mababalot ng dilim ang paligid natin?"

Umiling siya. "You know what Altaira,  the first time we met, I envy you for having a perfect family and now I envy you for being so positive." He chuckled.

"Kaya mo naman maging positive sa buhay eh. Just learn how to embrace your flaws and imperfections. Kapag natanggap mo na at natutunan mahalin ang sarili mo the positive vibes will come out naturally."

"I don't know if I can do it but I'll try my best."

"Hihintayin ko yung araw na yun Dark." I said and smiled to him and he do the same. Ipinagpatuloy namin ang pag lalakad hanggang sa mag desisyon kaming bumalik na sa room.

"Altaira, thank you." Nag angat ako ng tingin kay Dark.

"For what?"

"Wala lang. Gusto ko lang mag thank you sayo."

Natawa ako sa sinabi niya at mahinang hinampas ang braso niya. "Ang weird mo. So paano? Good night na."

"Yeah, good night Altaira. Sweetdreams."

"Sweetdreams." Pinihit ko ang doorknob at laking gulat ko ng makitang nakatayo at nakangisi ng malaki ang nga kaibigan ko sa tapat ng pintuan.

"Punyeta ang creep niyo!" Dinampot ko ang sapatos na nakatabi sa gilid at ibinato sa kanila.

Natatawang inilagan nila iyon at tumakbo palapit sakin."So anong nangyari? Sa date niyo?" Kinikilig na tanong ni Carmela.

"Anong date? Hindi yun date duh!"

"Talaga ba? Sige ano na lang nangyari sa pag lalakad niyo?"

"Wala nag lakad lang tapos nag usap." Paliwanag ko.

"Yun lang? Talaga?"- Chantelle.

"Yun lang!"

"Eh bat narinig namin kanina na nag Thank you siya sayo?" Tanong ni Chantelle sa akin habang naniningkit ang mata.

"Aba ewan ko." Tinuro ko sila. "Kayo ang lakas talaga ng signal ng tainga niyo noh? May antena ba yan ha? Mga chismosa"

"Luh, nakikibalita lang sa nangyari eh. Chismosa agad?"

"Ewan ko sa inyo. Matutulog na lang ako."

"Oy mamaya na! Panoodin muna natin itong midnight sun! Bilis na bumangon ka dyan!" Pilit nilang hinihila ang kumot ko. Pag to napunit may babayaran pa kami.

"Punyeta eto na. Di niyo ba kayang panoodin yan ng wala ako ha? Inaantok na ko eh."

"Hindi pwede. Kailangan sabay sabay tayong masasaktan sa ending nito." Sabi ni Carmela sakin sabay hila sa akin paupo sa gitna nila.

After we watched that movie nag play ulit sila ng panibago hanggang sa unti unti na akong nilamon ng antok.

Under The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon