Chapter 6

1 0 0
                                        

Dedicated po kay Irish(ᗒᗩᗕ)

Chapter 6

Inilista nanamin ang mga sasali sa pageant, singing and dancing. May mga sumali sa singing na at dancing na pambato ng stem. Sa pageant ay si Yana at Clark na nga.

Agad na kaming nagsi ayos. Sabado ngayon at sa lunes na ang pinaka hihintay namin. Sobrang daming gagawin. Tatlong araw ang fest at bukas ay may ensayo sila Yana at Clark. Magkasama ulit kami ni Yana ngayon.

Naupo kami sa isang bench. Nilantakan na nga namin ang mga pagkain na kakabili lang namin sa canteen.

"Alam mo..." Ani ni Yana kaya napatingin ako sa kanya.

"Parang ayaw ko na sumali sa pageant" kumunot ang noo ko. "Why?"

She shrugged. Saka sumubo na ulit. Hindi na inungkat pa ang nisasabi niya. Natuon ang atensyon namin sa mga soccer player na nag p-practice ngayon. Malapit lapit na den kasi ang Sport Fest den. Isasabay yun sa Fest na darating. Basketball, Volleyball, soccer at marami pang iba.

Madaming gustong sumali sa basketball. Sa soccer naman si Eduardo lang ang napili sa STEM. Sigurado ako sa Fest na mangyayare ay dudumugin kami ng iba't ibang school lalo na't dito palagi nagaganap iyon.

Nakita ko si Eduardo na nagp- practice. Sa unang tingin mo palang sa kanya makikitaan mo na ng mussel ang binti niya. I wonder kung kailan siya nagsimula mag laro ng ganyan. Gusto ko siyang tanungin pero nahihiya ako dahil na den sa hindj Naman talaga kami close at nitong mga nakaraang araw lang kami nagkikita ng ganito. Salamat Practical Research.

Namiss ko siyang tignan ng ganito parang dati lang naabutan niya ako ng kasungitan. Kailan kaya ako mag aabot ng tubig para sa kanya. I sighed.

"Laway mo." Napatingin ako kay Yana. Kumakain paden siya habang inaabot ang tissue sakin. Inirapan ko siya.

"Gwapo ni Eduardo noh?" Tumingin ulit ako sa chinitong yun. Hindi ko mapagkakailang gwapo talaga.

"Kung di mo lang crush, crush ko na den yan" napabaling agad ako sa sinabi niya saka kunot noo na tumingin sa kanya.

"Badtrip ka." Tanging ani ko. Agad kong narinig ang halakhak niya.

"Selosa" umirap ulit ako. Napatingin ulit kami sa mga nag eensayo. Ngunit agad den akong napaiwas ng bumaling si Eduardo sa gawi namin.

Minsan talaga makapal ang mukha ko. Pero simpleng tingin niya lang nag iinit ang pisngi ko.

Agad akong napayuko ng may umakbay sakin. Medyo sumakit pa yung leeg ko at mukhang naipit yata taba ko.

"Huy!" Agad tinampal ni Yana ang kamay ni Clark. "Taena ka! Bat mo ginanon si Aya!" Binitawan naman na agad ako ni Clark. Agad akong napahawak sa batok ko.


Agad yumuko si Clark at tinignan mukha ko saka umismid. Tinignan ko siya ng masama saka niya ako inakbayan ulit.

"Okay lang toh si Aya! Malakas ba toh sa baboy!" Agad siyang sinapak ni Yana. Nagulat ako ng ginawa niya yun. Tinignan ko si Clark na namumula ang pisngi.

"Wag mo ngang tawagin si Aya ng ganon!" Agad akong lumapit kay Yana. "Hey! Ano ka ba Yana okay lang noh!haha di naman ako na offend e..." Agad akong ngumiti sa kanya pero siya umirap lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hearts Of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon