Chapter 4

378 9 7
                                    

Isang boses ng lalaki ang umalingawngaw sa lobby.

“Abby!” Galit na sabi ng boses

Napalingon si Sarah sa bata. Lumuhod siya sa harap nito at mahinahong kinausap ang bata, “Baby girl, tahan ka na. Wag ka ng umiyak, hindi maganda tingnan sa isang cute na bata na katulad mo ang umiyak. Smile ka na, please?”

Napayakap lang ng mahigpit ang bata kay Sarah kaya binuhat niya na lang ito. Hindi naman namalayan ng dalaga na nasa tabi niya na ang lalaking sumisigaw sa may lobby.

“Uhmm, miss, excuse me. Pagpasensyahan mo na tong anak ko. I’m really sorry.” Pagkasabi nito ay pilit ihihiwalay ng lalaki ang bata kay Sarah. Ngunit ayaw talagang bumitaw ng bata kay Sarah.

“Ahh, sir, wait lang po. Nasasakal po ako sa ginagawa niyo. Wait lang po ah.” Pag-awat na sabi ni Sarah sa lalaki.

Binaba ni Sarah ang bata, “Ikaw ba si Abby?” Hindi ito sumagot pero tumango lang ito.

“Siya ba ang daddy mo?” Tanong ulit ni Sarah. Tumango lang ulit ang bata.

“Baby girl, sama ka na sa daddy mo. Hindi mo ba nakitang nag-aalala siya kanina, hinahanap ka nga niya dito sa lobby eh.” Umiling ang bata at tinuro lang siya ng paulit-ulit. Bakas sa mukha ni Sarah ang pagkalito.

“Pasensya na miss, hindi kasi nakakapagsalita yung anak ko.” Pagkasabi nito ay hahawakan ng lalaki sa kamay ang bata sinabi, “Let’s go Abby! Nakakaistorbo ka lang ng ibang tao!”

Nagulat si Sarah sa tono ng pakikipag-usap ng lalaki sa bata. “Uhmm, sir, mawalang galang na po, pero kung ganyan niyo po palagi kinakausap yung anak niyo eh talagang hindi sasama yan sa inyo. Talo niyo pa ang tigre kung magalit eh. Saka dahan-dahan naman po kayo sa paghawak ng bata, parang gusto niyong baliin yung braso niya sa sobrang higpit ng kapit niyo eh.” Pangangatwiran ni Sarah

Nagulat ang lalaki sa sinabi ni Sarah. “And who are you to tell me what to do?” Halos pasigaw na tanong ng lalaki.

Sasagot sana si Sarah pero naunahan siyang magsalita ni James, “Excuse me Mr.Lim, pero I don’t think that is the right way of speaking to a woman. And I apologize to how my friend reacted, I see that she is only concerned about the child.”

Nagulat ang lalaki ng makitang kasama ni Sarah si James, “Oh Mr.Yap, she is your friend?” Nagtatakang tanong ng lalaki.

“Yes, she is my friend. My best friend to be exact.” Nagmamalaking sagot ni James

Take A Chance On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon