Kabanata 9

10 1 12
                                    

Climax

Napatingin ako sa orasan ng kwarto ko at nakitang alas sais palang pala ng umaga. Pag-uwi ko kahapon ay naglugmok lang ako sa kwarto ko at nakatulog nalang sa pag-iyak kaya mugto tuloy ngayon ang mga mata ko. Naligo na rin ako.

I should talk to her later. Siguro naman ay hindi siya seryoso sa mga sinabi niya kahapon.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba na.

"Good morning, sweetheart. Oh, hindi ka ba magbbreakfast?" Tanong ni Mamà nang diretso kong ininom ang gatas na pinagtimpla ni Papa sa akin.

Umiling lang ako at hinalikan na silang dalawa bilang pamamaalam. Habang nagbbyahe ay hindi ko maiwasang mapatulala at maalala ang mga sinabi ni Lia. Wala sa sarili akong bumaba ng sasakyan nang makarating na at nagmartsa na papunta sa room namin nang makasabay ko si Hyre.

"Morning, Kia!" Masiglang bati niya na siyang tinanguan ko lang.

Napatingin siya sa kaliwang kamay ko at napangiti nang makita ang bangle.

"Wow naman! Hindi ko inaasahan na isusuot mo pa siya ngayon." Puna niya.

Dapat ba one time ko lang suotin 'to?

Nang hindi ako sumagot ay bumakas ang pag-aalala sa mukha niya at muling nagsalita.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya.

I don't know.

Tumango at ngumiti lang ako nang tipid at nauna nang pumasok sa room.

Naabutan ko si Lia na nakaupo sa ibang pwesto at nakikipagdaldalan sa iba pa naming kaklaseng babae nang magtagpo ang tingin namin. Kaagad niyang binawi ang tingin niya at may ibinulong sa kanila dahilan ng pag-tingin nila sa akin.

What's with the stares? Hindi ako naging kumportable sa tingin nila kaya naman umupo na ako sa pwesto ko at nagbasa nalang ng libro.

May nagbago. Hindi man kami close ng mga kaklase ko ay lagi naman nila akong binabati o nginingitian kapag nakikita ako. Pero ngayon iba ang tingin nila. Parang inis na may halong pandidiri.

Nagring na ang bell kaya nagsibalikan na sa kaniya kaniyang upuan ang mga kaninang nagkukumpulan. Isa na roon si Lia na parang pilit na pilit kung makabalik sa pwesto niya. Sinulyapan ko siya pero diretso lang ang tingin niya sa harapan.

"Pst." Tawag ko sa pansin niya pero parang hangin kung tratuhin niya 'ko. Kinalabit ko ang kamay niya dahilan ng pag-atras niya palayo sa akin.

"Lia."

"Shut up." Madiin niyang wika kaya naman natahimik ako dala ng gulat.

Pumasok na sa room si Ma'am Steph at mukhang galit pa ito kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang manahimik. Pagkalapag sa mga gamit ay hindi siya nagdiscuss kaagad na siyang pinagtaka ko. Hobby niya ang magsimula kaagad, eh.

"I heard from Ms. Dominguez that she caught someone cheating in their periodical exam." Pinasadahan niya kaming lahat ng tingin kaya naman natense kaming lahat. Sino naman kaya iyon?

"You all are well aware that I hate cheaters." She paused.

"Right, Ms. Sandoval? Is it true?" Tila bomba ang binitiwan niyang salita sa akin maski na rin sa mga kaklase ko. Nasa aking lahat ang tingin nila kaya nagsimulang manlamig ang kamay ko. Tanging pag-iling lang ang nagawa ko.

I never cheat.

"Are you saying that Ms. Dominguez isn't telling the truth? Lia, were you lying?" Tinignan niya ang katabi ko kaya naman napalingon din ako sa kaniya.

Ruins of the PillarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon