Kabanata 6

5 1 1
                                    

White Lie

"Lia, I'm sorry. May biglaang family occasion kami kaya hindi muna ako makasasama sa inyo ni Raile. Pakisabi nalang sa kaniya." Pasigaw kong sabi sa telepono kong nakapatong sa mesa habang nililigpit ang higaan ko.

"Wait, but then it will only be the two of us. Kinakabahan na tuloy ako, Kia." Natatarantang sagot ni Lia sa kabilang linya.

"Don't be. Better grab the opportunity, paraan na iyan para mas makilala at  makausap mo siya. I already sent you the details kaya ikaw nang bahala." Napahikab ako.

"Alas onse pa lang naman iyon, may limang oras ka pa." Dagdag ko.

"Okay. But I'm starting to get excited! Wish me luck, Kia. Enjoy your family occasion din!" Masaya niyang sambit. Hanggang dito ay nakikita ko ang ngiti niya.

Napailing at napangiti ako sa sinabi niya. Her happiness is always contagious. When she's happy, I am happy.

"You too. Magkuwento ka pagkatapos, ah? I'll be waiting." Tumayo na ako at nagsimulang pumunta sa kabinet ko para kumuha ng damit.

"Of course! Sige, later Kia. Muah!" Tsaka niya pinatay ang tawag.

Dumiretso na ako sa banyo at naligo na.

Habang naliligo ay napaisip ako. Itext ko kaya si Solice?

Nagbihis na ako sa banyo at pinulupot sa tuwalya ang buhok ko habang naglalakad na palabas ng banyo. Simpleng plain white t shirt at black maong shorts na hanggang taas ng tuhod ang suot ko at white Outland sandals. Pagkuha sa telepono ay nagtipa na ako ng mensahe at kumportable akong umupo sa malambot kong sopa na nasa gilid ng kuwarto ko.

Kiya: Hey. Punta ako sa inyo mamaya.

Naghintay ako ng ilang minuto sa sagot niya pero wala pa akong natatanggap. Tulog pa siguro. Ang takaw pa naman sa tulog nun lalo na kapag bakasyon. Tumayo nalang ako at bumaba na. Sa hagdanan pa lang ay rinig ko na kaagad ang usapan nina Mama't Papa kaya binilisan ko ang pagbaba at dumiretso na sa hapag kainan.

"Good morning!" Nakangiti kong bati sa kanila.

"Good morning. Kumain ka na." Sabi ni Papa na abala sa pagsulat.

Umupo na ako at nagsimulang magsandok ng pagkain.

"Oh, nakabihis ka. Are you going somewhere?" Tanong ni Mama na kasalukuyang umiinom ng paborito niyang tsaa. Nang minsan ay pinatikim niya sa akin pero napangiwi lang ako dahil hindi ko gusto ang lasa. Lasang tubig na may bulaklak!

"Pupunta po ako kina Tita Santise." Sagot ko habang kumakain. Tocino at hotdog with rice! Sarap!

"Oh. Since pupunta ka naman sa kanila, pakisabi naman sa Tita mo na mamaya may pag-uusapan kami rito. Mamayang lunch pa lang naman." Sagot ni Mama. Binaba na niya ang tasa niya. Naubos na ata ang tsaa niyang kulay lila.

"Okay po." Sagot ko at inubos na ang pagkain ko. Uminom na rin ako ng malamig na gatas na tinimpla pa ni Papa.

Pagkatapos kumain ay umakyat ulit ako sa kwarto ko para magsuklay at magsipilyo. Kinuha ko ang telepono ko at patakbong bumaba.

"Mauna na po ako." Sabi ko sa mga magulang ko at hinalikan ko sila sa pisngi.

"Ingat, nak." Sabi ni Papa. Kumaway naman si Mama.

"Alis na po ako!" Pagpapaalam ko kay Aling Orka na kasambahay namin. Tumigil siya saglit sa pagdidilig ng mga halaman at kumaway.

Agad naman akong nakarating kina Tita Santise dahil magkatabi lang naman ang bahay namin sa subdivision. Siguro'y mga sampung hakbang ang agwat.

Kumatok ako mataas at itim nilang malaking gate. Sa tabi nito'y gate rin pero pintuan siya. Bumukas ang pintuan na gate at bumungad sa akin ang mukha ni Ate Rosa na siyang kasambahay nila. Anak siya ni Aling Orka na siyang kasambahay naman namin.

"Hello, Ate!" Masigla kong bati. Napangiti naman siya at pinapasok na ako.

"Ang aga mo naman ata, Kia?" Nakangiting sabi niya. Anim na taon ang tanda niya sa akin pero bata siyang tignan.

"Oo nga po, eh." Naglakad na ako papasok sa bahay nila na madalas kong puriin. Napakaganda kasi. Pagpasok mo bubungad sa iyo ang chandelier at hagdanan nilang gawa sa salamin na patungo sa ikalawang palapag. Sa kaliwa iyong sala habang iyong kusina, sa kanan naman. Una mong makikita ang hapagkainan at may counter top na naghihiwalay sa kusina nila kaya kita ka kapag nagluluto. Sa tabi ng hapagkainan ay mga pintuang kahoy na may mga salamin kaya kita mo ang labas na damuhan at mga tanim nilang puno. Puting-puti iyong mga pader at may mga kahoy na nagsilbing tagahiwalay ng foyer mula sa kusina. Mataas taas din ang kisame nila at gawa sa marmol ang tiles.

Pumunta kaagad ako sa kusina dahil dinig ko ang ingay doon. Pagpasok ay naabutan ko na silang kumakain.

"Hi po, Tito, Tita!" Lumapit ako sa kanila at nagmano.

"Oh, kumain ka na ba, Kia? Sabay ka na sa amin." Sabi ni Tito Wandrin.

"Ah, kumain na po ako." Sagot ko at lumapit kay Willow na sa sobrang pagkaabala sa pagkain ay mukhang hindi nakita ang pagdating ko. Kaagad namula ang pisngi niyang kinurot ko na siyang nagpakunot sa noo niya at bumakas sa mukha ang inis. Pagkaharap niya sa akin ay napalitan ng gulat ang mukha niya at agad niyakap ang bewang ko.

"Hala, Ate ikaw pala iyan." Natatawang sabi niya. Umupo naman ako sa tabi niya at nakiinom sa tubig niya. Napatingin naman ako sa kaharap naming si Savant na magulo ang bagsak at itim na buhok. Mukhang kagigising lang ng loko. Mukhang tulog pa si Solice dahil wala siya sa hapag.

"Oo nga po pala Tita. Sabi ni Mama may pag-uusapan daw po kayo mamaya sa bahay." Buti naalala kong sabihin.

"Oh? Anong oras daw?"

"Lunch time po." Sagot ko.

"Okie." Sagot niya na tinawanan ko.

"Sige puntahan ko lang po muna si Solice." Pagpapaalam ko at umakyat sa ikalawang palapag nila.

Kumatok muna ako bago pumasok. Bumungad sa akin ang kumot niyang nasa lapag na, malamng dahil sa kalikutan niyang matulog. Lumapit ako sa kama niya at sinimulan siyang gisingin.

"Hoy."

"Sol." Tinusok ko ang pisngi niya.

"Gising na!" Sigaw ko.

Niyugyog ko na ang buong katawan niya, binuksan ang kurtina at tinapik tapik na ang mukha niya pero wala pa rin.

"Solice, hoy!" Ilang minuto na akong nandito pero ayaw pa rin niyang magising. Lagi namang malalim ang tulog niya pero hindi naman ganito katagal kung gisingin.

Napakunoot ang noo ko at nagsimulang magtaka. Hindi kaya? Is she... dead?

Ruins of the PillarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon