Kabanata 14

10 1 7
                                    

Umbrella

"Ibalik mo iyan."

"Why would I?"

"I said give it back."

Tinignan lang ako ng lalaking kaharap ko at hindi pinansin ang sinabi ko.

If I only knew that this would happen, baka hindi ko na tinuloy ang ginawa ko.

Bakit nga ba ako napapunta rito?

(Flashback)

"Anong course mo?" Tanong ni Sandie.

"Psychology."

"Cinareer mo talaga pangalan mo, ah?" Sabat ni Liam.

Am I supposed to laugh?

"Naku, mukhang nacornyhan sa'yo!" Palo ni Mia kay Liam.

"Hindi naman."

"Why did you choose it?" Celeste.

Job interview lang?

"I want to understand human behaviors. Why they act a certain way and how they think." Why they chose to do such things. But is it really a choice?

"Oh, so balak mong maging pyschologist?" Interesadong tanong ni Mia.

"No, baka ako pa mismo mangailangan ng therapy kung itutuloy ko iyan."

Tahimik lang na nakikinig sa usapan sina Ilyiana at Yaxtir.

"Oh, Lia. Ang tahimik mo ata ngayon? Hindi man lang ba kayo magrereunion ng kababata mo?" Inosenteng tanong ni Sandie.

Nagkatinginan kami pero siya ang unang umiwas ng tingin.

"Oo nga. Bakit wala kang nakwento sa amin tungkol sa kaniya?" Dagdag ni Liam.

"Ah, I just thought that I'd never see her again." Peke siyang tumawa.

"Oh e 'di iyan, nagkita na—"

"Kia!" Hindi ko namalayang pinipigilan ko na pala ang hininga ko at nakahinga lang nang maluwag nang makita ang dalawang pinsan na kapwa nakashades at nakatayo sa gilid ko.

Bodyguard lang?

Hinila ako nang marahan ni Solice patayo.

"Hi! Sorry for the interruption but kailangan ko munang bawiin ang pinsan ko." Nakangiti niyang sabi.

Nasamid pa si Liam nang makita ang pinsan ko.

Hindi na hinintay pa ni Solice ang sagot nila at basta nalang akong sinama sa pag-alis nila.

"You owe me one. You looked uncomfortable kaya naman hinila na kita." Even her shades didn't fail to hide the rolling of her eyes.

"Us!" Masiglang pagtatama ni Willow sa sinabi ng kapatid.

"Thanks. You really saved my ass there. Pero bakit nakaganiyan kayo? Pacool lang? Bawal iyan, ah."

"Hehe, pinasuot lang ni Ate sa akin para raw mukhang legit pagdidisguise namin."

"Gago, mukha kayong tanga." Natatawa kong sabi.

"Sige na, sige na. Una na. May klase pa tayo."

.

Isang oras bago ang dismissal namin ay pinauwi na kami dahil sa malakas na ulan. Mukhang may bagyo.

Buti nalang sinuspinde na ang klase. Akala ko wala nang balak, kaninang ala una pa bumuhos ang ulan at pinauwi ang mga highschool students. Mga daycare to elementary naman ay hindi pinapasok.

Ruins of the PillarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon