Kabanata 3

21 3 5
                                    

Glance

"Break muna!" Sigaw ng senior ko na si Ate Ran, siya ang nagtuturo ng sayaw naming mga contestants para sa pageant, pati na rin sa formation ng introduction.

Isa rin siyang contestant dito pero pinili niyang ituro muna sa amin ang sayaw para sa opening ng UN pageant. Si Ate Ran ang kapareha ng pinsan kong si Savant na sa kabutihang palad ay hindi pa ako napapansin. Dahil na rin siguro sa marami-rami kaming nagpapractice ngayon sa gym dahil mula seventh grade hanggang tenth grade ang mga kasama sa pageant, each sections pa.

Limang pangkat mula sa ika-pito, tatlo sa ika-walo, at apat sa ika-siyam at sampung baitang. Bali nasa 32 na katao kaming nandito sa gym. Simula alas syete ng umaga ay nandito na kami. Hindi pa kasi nagsisimula ang klase ay pinatawag na kaagad kami para rito.

Madali lang naman ang mga steps dahil hindi naman ito ganoon katagal at para sa opening lang naman kaya madali kaming nakasusunod. Patapos na rin ang steps ayon kay Ate Ran kaya sa susunod na pag-ensayo ng sayaw ay kasama na namin siya at hindi na niya ituturo. Para na rin may kapareha na si Savant.

"Ang galing mo palang sumayaw, Kia. Hindi halata sa'yo." Napatingin ako sa katabi kong si Hyre.

"Madali lang naman kasi." Maikling sagot ko.

"Sabagay." Tumango siya sa sinabi ko at uminom ng tubig.

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa bleachers, katabi ng kung saan nakaupo sina Savant at ng kaniyang mga kaibigang kasama rin sa pageant. Nasa kaliwang banda ang bleachers nila at nasa kaliwa ko rin si Hyre kaya siya ang nagsilbi kong pangtakip. Sinimulan ko nalang itali ang buhok dahil nagiging sagabal ito sa mukha ko kapag sumasayaw kami.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtatali ng buhok nang may narinig akong sumipol at hindi ko sinasadyang mapalingon dito. Nakita kong si Savant ito na mukhang nagulat din sa biglaan kong pagharap. Oh, this boy! Sa sobrang kalandian nito'y pati sariling pinsan ay muntik pa yatang mapormahan! Mabilisan akong tumingin sa harapan at kinausap si Hyre para hindi ako mapansin ni Savant. Sana naman ay isipin ni Savant na namalik mata lang siya.

Ayaw kong malaman niyang kasali ako sa pageant dahil paniguradong aasarin niya ako tungkol dito at mas lalong kukulitin sa bahay. Hindi kami madalas magkita rito sa school dahil na rin sa ibang building ang tenth grade at diretso sa bahay lang naman ako pagkatapos mag-aral.

"Hi, miss." Napahigpit na lamang ang hawak ko sa bote ng inumin ko at dahan-dahang napaangat ng tingin sa pares ng mga paang nasa harapan namin ni Hyre.

"What do you want, Savant?" Pairap kong tanong sa kaniya.

"Chill, bakit ka nandito? Absent ba iyong napili sa inyo?" Ngumisi siya nang nakaloloko.

Tumayo naman ako at tumingala sa kaniya dahil 'di hamak na mas matangkad siya sa akin kahit isang taon lang ang agwat ng edad namin.

Tumingkayad ako at bumulong sa kaniya. "Want me to spill the beans to Hoseiana?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at tumawa.

"Ito naman hindi mabiro, wala namang duda na ikaw ang napili. Ang ganda ganda ng Kia namin." Kinurot niya ang magkabila kong pisngi na siya namang ikinahiya ko dahil baka ano nang hitsura ko ngayon. Agad kong hinampas ang mga kamay niya at agad naman siyang bumitiw.

"Sayang naman at hindi napili si Willow. Edi may kasama ka na ngayon." Pag-iiba niya ng usapan. Si Willow ang nakababata niyang kapatid na nasa eighth grade ngayon.

Umirap na lamang ako sa sinabi niya, at nang mapansin kong nakaupo at naririnig ni Hyre ang usapan namin ay dali-dali ko nalang itinaboy si Savant na nagrereklamo pa sa nasaktan niya raw na puso dahil sa pagtaboy ko sa kaniya. Umiling nalang ako at umupo na ulit sa tabi ni Hyre.

Ruins of the PillarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon