I was coma for 3 weeks.. Being lifeless for 3 weeks the doctors thought that I wasn't going to wake up again.. Isang malaking himala nga ang nangyari saakin..
Ni hindi ko nga alam kung sino ang tumulong saakin. Tanging mga nurse at mga doctor lamang ang naglalabas masok dito sa aking kwarto....
Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakahiga kahit mahirap inalis no Ang dextrose na nasa aking kamay.. Nang makatayo kinuha ko ang jacket na nasa sofa.
Dahan-dahan akong naglalad palabas ng aking kwarto. Mabuti na lang walang masyadong nurse na nagrorounds ngayon kaya madali lang akong nakaalis ng ospital dahil mukhang ala una na ng madaling araw...Lakad dito lakad doon... Hanggang sa mapadpad ako may park tabi ni may isang ilog.. Nanuot sa aking balat ng lamig na hampas ng hangin...
Umupo ako at ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim...ng buksan ko ang aking mata ng makita ko ang lalaking nakatayo na medyo may kalayuan saakin... Nakatingin lamang ito sa may ilog. Nacurious ako dahil pamilyar ang likod at ang tangkad nito saakin...pero nakatayo pa lamang ako ng may nauna ng lumapit sa kanya at niyakap ito sa likod..
'ay may kasama pala siya...'
Mukhang girlfriend niya.. Ibinaling ko na lang sa ibang direksyon ang aking tingin..
'Kamusta na kaya si Mama? Si Jenny? Si Seokhoon? Sana okay lang sila'
Pumikit akong muli...pero naka dalawang minuto pa lang ako ng narinig kong sinigaw ang pangalan ko..kaya bigla akong napamulat.
Dumiretso agad ang tingin ko doon sa lalaki kanina. S-seokhoon?
Tumayo ako at dahan-dahang lumapit dito,mag-isa na lamang ito wala na ang babaeng kasama nito. Bago pa ako tuluyang makalapit dito ay nanlambot ang aking mga paa dahil rinig na rinig ko ang kanyang paghikbi....
"Seokhoon" mabilis itong napalingon at tila gulat na gulat at ito sa kanyang nakikita.
"R-rona" hindi makapaniwala niyang sambit..
Kasabay ng pagpatak ng aking mga luha at siyang pagpatak din ng akin.
Mabilis niya akong linapitan at niyakap ng mahigit na animo'y parang muli akong mawawala sa kanyang buhay.
"Rona" mas lalo itong umiyak. "Totoo ba ito? Ikaw ba talaga 'to?" Dahan-dahan akong tumango... "Miss na miss kita, akala ko...akala ko hindi na kita makikita ulit..." Niyakap ko ito ng mahigit.
"Miss na miss kita... Akala ko rin. Maswerte ako dahil binigyan pa ako ng isa pang paglakataong mabuhay..."
Inalis ko ang kanyang pagkakayakap saakin... Nginitian ko siya.
"Miss na miss kita.." Buong puso kong sabi..
Naramdaman kong medyo nahilo ako kaya inupo muna niya sa isang bench... Ng medyo naging okay ang aking pakiramdam at humupa na rin ng bahagya ang aming mga emosyong.. ay nagsimula na akong magkuwento..
"3 weeks akong coma... Akala ng mag doctor hindi na ako magigising pa...dahil sa lalim ng sugat na natamo ko sa aking ulo. At sa loob daw by 3 weeks na iyon ay ang isang beses ko ring pagseizure...they tried everything to make me stay alive. Akalain mo iyon may mga tao pa palang may mabubuting puso. And maybe my fate was to stay alive para sa kha taong nagmamahal sa akin."
"Thank you for coming back,Rona" niyakap niya akong muli.
Ibinalik niya ako sa ospital at mula sa araw na magkita kami hindi na niya ako iniwan pa kulang nalang dito siya sa hospital matulog. He's always there. Daig pa niya yung nanay ko.
Tahimik napangiti na lamang ako.
****
Bae Rona x Seokhoon.
This one shot is based on Penthouse SeokRona..this is just for fun...kay! 😊
Ps. Watch Penthouse, best k drama ever. Yung mga character nakakairita pero they're always on point.
SeokRona shipper here! Hahaha hahaha