KGETC:13

115 9 11
                                    

Naghahanda na ang magkabilang partido sa gagawin nilang digmaan.

Pero..

"Mahal na Reyna, nalaman na namin kung saan nagmula ang kakaibang balahibo ng isang ibon" sabi ni Abog

"Ano ito? At saan matatagpuan ang ibong iyon?" Tanong ni Alena

"Nagmanman kami sa may kaparangan, nakita namin na may nagmamanman sa labas ng Lireo. At lumipad ito. Nakita namin na sa isang nagyeyelong kaharian ito nagtungo" -Abog

"Ano? May bago tayong kalaban?"-Pirena

"Marahil nga ay bagong kalaban ito. Ngunit nawa ay di magsanib pwersa ang Etheria at ang nasabing bagong kaharian" -Alena

"Abog, nais kong ipaalam mo ang ating gagawing digmaan at nais ko ring paalalahanan mo ang kanilang Rama na maghanda sa ating bagong kalaban at siguraduhin ninyong makakabalik kayo rito bago sumapit ang gabi" utos ni Alena

Umalis na ang grupo ni Abog upang magtungo sa Sapiro.

"At ikaw, kawal. Nais kong puntahan mo sina Lira at Mira. Paalalahanan mo sila na huwag aalis doon aa kinaroroonan nila. At sabihin mo rin na wag lalabas o babalik dito sa Lireo dahil may digmaan. At sabihin mo rin na mag iingat sila huwag magpadalos dalos sa mga desisyon" -Alena

"Romina, Daniela, Cassie. Sumama muna kayo sa mga kawal papunta kina Lira, mas magiging ligtas kayo roon. At babawiin namin si Marga sa abot ng aming makakaya" -Alena

"Kailangan kong bawiin ang anak ko" pagmamatigas ni Daniela

"Ngunit lubhang mapanganib" -Alena

"Aanhin pa po namin ang lakas at yung pagsasanay namin kung di rin naman namin ito magagamit?" -Romina

"Digmaan ang ating haharapin, Romina. At tuso si Avria, di siya papayag hangga't di nya nakukuha ang gusto niya. Di birong kalaban ang mga Etherian, maging ang mga Heran, makapangyarihan sila. Oo may kapangyarihan kaming mga sanggre ngunit, iba pa rin ang lakas nila. Kaya sumama nalang kayo patungo kina Lira" paliwanag ni Alena

"Cassie, sumama ka na sa kanila" -Romina

"Pero ma" -Cassie

"Sige na Cassie sumama kana" -Romina

Niyakap ni Cassie si Romina at Daniela. "Mag iingat po kayong lahat"

"Mahal na Mahal kita anak, Cassie" at niyakap ni Romina si Cassie

"Mahal na Mahal ko din po kayo Mama" -cassie

Tuluyan ng sumama si Cassie sa mga kawal patungo kina Lira

At sina Romina at Daniela ay naiwan roon.

"Sigurado na ba kayo? Di biro ang digmaang ito" -Alena

Tumango sina Romina at Daniela


"Alam mo, Mira. Bored na bored na ako dito. Gusto ko na umalis" reklamo ni Lira

"Oo nga e, ako din. Naboboar na rin ako" sabi ni Mira

"Anong naboboar? Naboboard di naboboar" -Lira

"May kawal bessy, ipasusundo na yata tayo" -Lira

"Si cassie yun diba?"

Kumumpas si lira at nakita na ng mga kawal ang tagong-kuta

"Salamat po" -Cassie

"Nais ipahatid sainyo ng Hara Alena na wag kayong lalabas o aalis diyan sapagkat mapanganib. Dahil may digmaan mamaya pagsapit ng dilim. At mag ingat daw kayo at wag magpadalos dalos sa mga desisyon ninyong gagawin" pagkasabi ng kawal na ito ay umalis na rin ito agad.

"Ano ba yan, ano ba tayo? Nakalock down? Naextend pa" -Lira

"'May digmaan daw po kasing magaganap'"-Cassie

"As in ngayon na? Di ba pwedeng i re-schedule? Inip na inip na kami dito tsaka nasaan nga pala si Marga?" Sabi ni lira

"Nabihag po siya ni Avria. Ngayon po gagamitin nila si Marga laban sa mga diwata. Di niya nga po kami nakikilala e" -Sabi ni Cassie habang nakayuko ang kanyang mga ulo.

"Alam naming gagawin lahat nina Ashti pati narin ni Rama Ybrahim
ang lahat para maipanalo ang Lireo" - Mira

"Kung maipanalo man ng mga Sanggre ang mga Etherian, alam kong dipa matatapos ang kaguluhan rito" -Cassie

"Ha? Bakit naman? Ang hirap talaga kapag malayo ka sa Lireo. Walang balitang nakakarating buti nalang andito kana Cassie. Sige na sabihin mo na" -Lira

"Narinig ko po kasi ang usapan kanina sa Lireo. Na, may bagong kalaban daw, dahil may kakaibang balahibong nakita sa labas ng Lireo ang mga kawal" -Cassie

"Talaga ba? Dahil lang sa balahibo, may bago ng kalaban?"

"Nakita raw po kasi ng mga kawal habang sila ay nagmamanman na, lumipad yung ibon papunta sa isang kaharian na nagyeyelo" -paliwanag ni cassie

Gulat na gulat sina Mira at Lira at nagkatinginan na lamang sila.

"Ate Lira, nagugutom po ako" -Adamus

"Saglit lamang Adamus"

"Dama, nasaan ang mga paneya?"

"Wala na bang ibang makakain dyan? Araw araw nalang po natin kinakain yan" -Adamus

"Wala naman tayong ibang pagkain e, oo may ginto tayo rito ngunit wala tayong mabibilhan ng pagkain mapwera nalang kung nasa mundo tayo ng mga tao at isa pa, bawal tayo lumabas kaya tiis muna tayo sa paneya ha?" Paliwanag ni Lira kay Adamus

"Ah, may brownies pa po ako dito tsaka mamon, di pa po siya expired" alok ni cassie

"Sakto madami po ito"

"Pagkasyahin niyo nalang"

"Salamat Cassie ha" -Lira

———

Kadenang Ginto X Encantadia (The Crossover)Where stories live. Discover now