KGETC:10

131 11 11
                                    

"Alena, nasaan sila?" Tanong ni Pirena

"Danaya, ikaw na lamang ang magpaliwanag kay Pirena. May pupuntahan lamang ako saglit" -Alena

"Ano Danaya?"

"Pinapunta ni Alena yung apat sa Adamya para subukin. Ngunit sa tingin ko'y di kakayanin ng mga iyon ang ipagagawa ni Alena"

"Ano?"

"Di mo naintindihan? Tanong mo na lamang kay Nunong Imaw na ibalik ang nakaraan sa balintataw niya. Para maintindihan mo, dahil diko na iyon uulitin" -Danaya

"Pashneya"

Mapapa-PASHNEYA ka nalang talaga.

"Mira? Anong ginagawa mo rito?"

"Yna, nasaan sina Cassie? Totoo bang nasa Adamya sila?" Nag aalalang tanong ni Mira

"Oo, bakit?"

"Yna, delikado ngayon roon. Narinig ko na, may mga ravena na naroon at naghihimagsik sila at malamang ay patayin nila sina Cassie" sbi ni Mira

"Mga Ravena? Bakit hindi nalang mga mulawin? Mira bumalik kana, sigurado akong ang lulusob sila sa lahat ng kaharian. Pupunta ako sa Adamya pagkatapos kong magtungo sa Hathoria"

Umalis na si Pirena at nagtungo ng Hathoria. Sinabi ni Pirena sa mga punong kawal at mga mashna na maghanda at proteksyunan ang Hathoria

At nagtungo naman siya sa Adamya.

Nagtago siya sa isang puno.

"Mama!"

"Mom!"

-
"Cassie!!!"
"Marga!!!"

Kinuha ng mga Ravena si Cassie at Marga.

Inilipad ito ng mga Ravena patungo sa isang kaharian.

(nilalamig tuloy ako, charot)

"Romina, Daniela?"-Pirena

"Hara Pirena? Bakit kayo narito?"

Inilabas ni Pirena ang brilyante at pinaulanan ng apoy si tuka na nagtatangkang kuhanin din sina Romina.

"Ashtadi"

"Cindy?" -Romina

"Ayan ka na naman Romina. Hindi si Cindy yan wala namang pakpak si Cindy, yan, meron tara na" sabi ni Daniela

Hinila na ni Pirena si Daniela at hinila naman ni Daniela si Romina. At nagtago.

"Kailangan na nating umalis ngayon rito, kung hindi. Mamamatay kayo" -Pirena

"No, No! Si Marga at Cassie, nakuha ng mga taong ibon na yun" -Daniela

"Mga ravena sila, at hindi sila tao. Kaya tara na" -Pirena

"Yung anak namin" -Romina

"Di natin alam kung saan nila dinala ang mga paslit kaya tara na"

"Puslit? OMG" -Daniela

Kumunot ang noo ni Pirena sa sinabi ni Daniela

At sila ay nakabalik na sa Lireo.

Naroon sina Cassie at Marga. Maging ang mga.. Mulawin.

"Cassie!"

"Marga"

Niyakap nila ang isa't isa.

Nainis si Alena ng makita na si Pirena ang nagdala kina Romina sa Lireo.

"Kayo? Ang sasama niyo! Bakit niyo kinuha ang anak namin? Ha?"-Daniela

"Ah, poltre ngunit kami ay mga mulawin. Hindi Ravena. Nag ibang anyo lamang kami dahil sa utos ni Hara Alena, ngunit ang ilan sa amin ay Ravena talaga. Gaya ng aking inang si Tuka" -Lawiswis

"Ikaw?!" Ani Pirena

"Oo. Ako. Ako yung pinaulanan niyo ng apoy, Sanggre Pirena" sabay ngiti ni Tuka.

"Poltre"

"Alam ko na sasabihin mo Romina, ha. Pero di siya si Cindy, okay?" Sabi ni Daniela.

Kumunot ang noo ni Romina habang nakatingin at nakaharap kay Daniela.

--

"Alena, ito ba ang ibig sabihin ni Danaya kanina?"

"Oo, ngunit dapat dimo iniligtas sina Romina at daniela. Dahil wala naman talagang mangyayari sa kanila na masama. Maliban kung manlaban sila"-Alena

"Unang pagsubok palang sana iyon Pirena. Ngunit sinira mo na"

"Kung gayon, ay pabalikin mo sila roon sa Adamya" -Pirena

"Sa tingin mo ba nanaisin pa nilang bumalik roon sa kabila ng mga nangyari?" -Danaya

"Gusto mo silang subukin? Nang di nila nalalaman? Bakit hindi mo nalang gawin rito sa Lireo. Nang sa gayon ay, di sila magisip ng mga masasamang mangyayari"-Pirena

"Paano kung umalis sila rito? Alam mo namang magagamit natin sila dahil sa lakas nila. Kaya di natin sila pinakakawalan. Dahil kung tayo ang kakawala sa kanila, maaari pa natin silang pabalikin. Ngunit kung sila ang kusang aalis dahil sa mga mangyayari? Paano? Sige nga?" -Danaya

"Wag na kayong magtalo. Sa ibang araw nalang ulit natin sila susubukin. Nang sa gayon ay makapagpahinga muna sila at makapaghanda" -Alena

"Mahal na Reyna. May nakita kaming isang kakaibang balahibo ng isang ibon sa labas ng Lireo"-Kawal

"Nasaan? Patingin"-Alena

Pinakita ng kawal ang balahibo na nagmula sa isang ibon na magara.

"Kakaiba nga ito. Ngunit saan naman ito manggagaling?" -Alena

"Imposible namang sa mga mulawin o sa mga ravena. Hindi ganyan ang kanilang balahibo, maging ang kanilang mga ugatpak" -Danaya

-- -- --

Kadenang Ginto X Encantadia (The Crossover)Where stories live. Discover now