KGETC:18

86 6 1
                                    

Maririnig ang malakas na pagtunog ng tamboli.

Nabahala ang mga sang'gre.

Pinaglalaruan pala iyon ng mga Etherian.

Upang sila ay takutin.

"Hindi magandang senyales ito. Sino ang nagpapatunog ng tamboli?" sabi ni Alena

"Narito si Muros at Aquil, kaya sino?" -Danaya

Nagkatinginan lang silang lahat dahil lahat naman sila ay naroon na sa bulwagan.

"Muros, puntahan mo ang tamboli. Tingnan mo kung sino ang nagpatunog nito" utos ni Alena kay Muros.

"Masusunod, Hara"

Agad na nagtungo si Muros sa silid kung nasaan ang tamboli ay nakalagay.

May kasama siyang dalawang kawal.

Pagtalikod niya ay patay na ang mga ito.

Napadaan roon si Cassie at Marga.

Humihiyaw ito. At nakita ni Muros na may humahabol na Etherian kay Marga at Cassie.

Bago pa man masundan ni Muros si Marga at Cassie ay napasailalim na ito sa kapangyarihan ni Andorra.

Kaya hindi ito agad nakagalaw.

Dinala nina Avria si Muros sa bulwagan.

Maging si Marga at Cassie.

Umurong silang lahat na nasa bulwagan dahil sila ay nagulat.

"Tutal wala akong mapapala sa punong kawal ninyong ito, mamili kayo, papatayin ko'to? O itong dalawang bata? O kaya naman, ibibigay niyo sa akin ang mga brilyante ninyo"

"Hindi ko na hihingin ang Lireo. Maging ang sapiro at ang iba pang kaharian. Malaya kayong makakatira rito. Basta't ibigay lamang ninyo sa akin ang aking hinihiling"

"At bakit naman namin ibibigay ang mga brilyante na aming hawak saiyo?" -Alena

"Mahina man akong tingnan, ngunit hindi na muli mawawala sa akin ang aking brilyante"-Alena

"HA HA HA HA , wag kang pakasiguro alena. Mahina ka pa rin HA HA HA HA"

"Bitawan mo ang anak ko!" sigaw ni Romina

"Let her go!" Sigaw ni Daniela.

"Pagbibigyan ko kayong mag isip. Brilyante o itong dalawang paslit na ito."

"Kung tutuusin, napakadali nilang patayin, hmm?!"

Tinutok ni Avria ang kanyang sandata sa dalawang bata.

"WAG!!!"

"O gusto niyo, dagdagan natin HA HA HA HA"

"Kawal!"

Inilabas ng dalawang kawal ang mga diwani. Sina Mithra, Cassandra, Adamus at Daleya.

"Pakawalan mo ang mga diwani!"

"Yung anak ko" sabi ni Lira at nagtangkang tumakbo.

"Lira"

"Ano? Tutunganga nalang tayo rito?! Ate Romina! Yung anak mo andon rin? Hindi na ba siya mahalaga para sa'yo? Hindi mo man lang sya mailigtas!"

"Tandaan ninyo. Brilyante kapalit ng mga paslit na ito"

"Lima lamang ang mga brilyante ngunit anim silang binihag mo!"

"Edi ibig sabihin noon, lima lamang sa mga paslit na ito ang makukuha niyo. Ang isa ay maaring gawin kong alipin, o papatayin ko nalang siguro?"

"Kaya mag-isip kayo mga diwata! Wala ng panahon. Hinahamon ko kayo sa isang digmaan"

"Alena, hindi natin pwedeng basta bastang ibigay dun sa warkang iyon ang ating mga brilyante!"-Pirena

"Pirena, buhay nilang lahat ang nakasalalay rito. Kapag hindi natin binigay ang mga brilyante, hindi lamang ang mga bata ang mamamatay, pati narin ang mga natitirang Encantado"

"Tama siya, Pirena. Sundin nalamang natin si Alena"

"Kung magkagayon, hindi ko parin isusuko ang aking brilyante"

"Pirena!"

"Mamamatay lahat ng ating mga kasapi kung magkakaroon ng digmaan"-Danaya

"Naniniwala ka ba kay Avria? Sa tingin mo ba Alena, kapag binigay natin ang mga brilyante natin, bubuhayin pa nya tayo? Maging ang mga bata? Alena hindi. Kapag hawak na nya lahat ng brilyante at nabuo nang muli ang inang brilyante, wala na tayong magagawa kundi maging alipin niya."-Pirena

"Kailangan nating gumawa ng paraan, para maayos ito"-Danaya

"Mukhang nagkakagulo na ang magkakapatid na sang'gre"

"Magsipaghanda kayo bukas, pagsapit ng dilim, humanda na kayo sa inyong kamatayan"

"AVRIA YUNG ANAK KO!"

(sarreh guys, medyo maikli siya today. Malapit na kasi siyang matapos, thankyou po! -kyutauthor♡)

Kadenang Ginto X Encantadia (The Crossover)Where stories live. Discover now