KGETC : 17

100 5 7
                                    

Daniela's Point of View

Thank Goodness nakabalik na si Marga.

I don't know what to do kung mawawala si Marga sa tabi ko.

Siya nalang ang natitirang ala-ala sa akin ni Carlos.

Dahil kung mawawala pa si Marga, sino pa makakasama ko? Sino mag aalaga sa akin kung sakaling makabalik na kami sa bahay.

Or kung pagkaalis namin rito, baka bumalik ako sa kulungan.

Good thing na nandyan sina Romina at Cassie. If ever na, mawala ako sa tabi ni Marga.

Yan ang mga nasa isip ko ngayon. Na parati kong iniisip tuwing gabi na kung sana hindi ako nagpadala sa galit ko noon, at tinanggap ang mga pagkakamali ko, hindi siguro ako aabot sa ganung kalagayan.

Mag isa, nakakulong. At minsan ko lang makasama ang pinakamamahal kong anak.

Dahil busy siya sa pag-aaral niya.

Dahil nangako naman si Romina na aalagaan nya si Marga, kampante na ako dun. Dahil alam kong nasa mabuting kamay siya.

Pero dahil nandito pa ako, at nakakasama ko si Marga. Ako muna ulit mag-aalaga sa kanya.

Gusto ko talagang magkape. Or tsaa? Puro wine kasi dito eh.

Kahit kumembot ka nang paulit-ulit, wala kang makikitang coffee maker. O kape man lang or tea.

Tapos tamang tinapay lang sa umaga, tanghali, meryenda at hapunan. Depende ang sarap sa pag-kain ng monay depende sa maiimagine mo sa tinapay.

Minsan chicken, tapa, hotdog at iba pa.

Ma-aachieve na ulit ni Romina yung goal weight niya.

Syempre ako din.

Lumabas ako saglit sa kwarto dahil tulog na naman silang lahat.

Nakita kong dadaan si Cassandra, ang anak ni Lira sa kwarto kung saan kami nandoon.

"Cassandra? Bakit gising kapa? Gabi na"

"Hindi ako makatulog"

"Bakit naman?"

"Sapagkat ako ay pinatulog ni Yna kaninang tanghali. Sabi niya, sa mundo daw ng mga tao, kapag natulog daw ang mga bata sa tanghali, madali daw silang lalaki at tatangkad. At pag lumaki na raw ako, matuturuan na daw ako ni Yna na humawak ng sandata"

"Ngunit, totoo ba ang mga tao? Sabi ni Yna, kayo raw ay mga tao? Totoo ba iyon?"

"Na tao kayo at hindi kayo mga Encantado?"

"Yes"

Napatitig lang si Cassandra sa akin at naalala kong hindi siya nakakaintindi ng english.

Kaya agad ko itong nilinaw.

"Ah, ibig kong sabihin ay, Oo. Mga tao kami. At totoo ang mga taong kagaya namin"

"Talaga po?"

"Oo"

"Maari niyo ba akong kwentuhan, tungkol sa inyong mundo? Maganda ba doon?"

Tanong ni Cassandra.

Sinubukan ko siyang tanggihan at umiling ako.

Nagtangka akong bumalik sa loob ng kwarto. Ngunit hinihila ni Cassandra yung red dress ko palabas ng kwarto.

"Sige na po ate Daniela, please"

"Nakakaintindi ka naman pala ng english, hindi mo sinabi. Masyado mo akong pinepressure sa pag tatagalog"

"Please lamang ang aking alam. Na ang ibig sabihin ay ako ay namimilit. Tama ba?"

"Oo"

"Tara sa iyong silid. At ika'y aking kukwentuhan"

Halos magkatabi lamang ang aming mga silid.

Kinuwentuhan ko si Cassandra tungkol sa mga nangyari sa pamilya namin.

Sinabi ko sa kanya kung ano ang ginawa ko noon kina Romina, Cassie.

At nasabi ko rin na ako yung nagpa"rape" kay romina.

Di naman nya naiintindihan yung rape. So, sige lang.

Pero nafi-feel ko na palalim na ng palalim yung kwento ko. Halata naman dahil tulog na siya.

Kahit alam kong naiintindihan nya yung ilan sa mga sinasabi ko, hindi niya pa rin ako sinabihan ng masama.

Kahit alam ko sa sarili ko na naging masama talaga ako dahil sa galit.

Nasa kalagitnaan palang ako ng aking pagkukwento, omg. She's already asleep.

Nang tumayo na ako, naramdaman ko yung bigat ng mata ko. Parang may malalaglag.

Luha pala.

Dahil naalala ko kung paanong nawala sa akin si Dad, si Carlos. At si Carlitos.

At minsan na ring nawala sa tabi ko si Marga.

(Sumilip si Romina)

Napaupo ako sa may upuan sa may kwarto ni Cassandra.

Pumasok si Lira.

Siguro para icheck si Cassy kung tulog na ba.

"Tulog na siya, Lira" sabay pahid ko ng luha ko.

Lumingon si Lira sa akin habang ako'y nagpupunas ng luha ko.

Inhale, Exhale.

"Okay ka lang po ate Daniela?"

"Oo okay lang ako. Sige aalis na ako. Paalam"

Nung palabas na ako, napalingon ulit ako. At nakita ko kung paano haplusin ni Lira ang buhok ni Cassy at halikan ito sa noo.

Na kahit kailan ay hindi ko nagawa kay Marga.

Wala pala akong panyo pashnea.

"Eto Daniela, panyo" pag abot sa akin ni Romina.

"Okay kalang?"

"Okay lang ako Romina. Thankyou"

"Nandito lang ako. Sabihan mo ako kapag may kailangan ka"

"Sige. Thankyou"

Humihinga pa rin ako ng malalim. At di maalis sa dibdib ko yung habag ko. Na kung sana ay inalagaan ko si Marga noon kagaya ng pag aalaga ni Lira kay Cassy, hindi siya makakaisip ng masama sa ibang tao gaya ng ipinapakita ko sa kanya.

Nakakaiyak. Sobra.

Nakakahiya. Sobra.

Na sa akin nagmana ang aking unica hija.

Kadenang Ginto X Encantadia (The Crossover)Where stories live. Discover now