"Gli, just eat. Please. You need to eat." Pamimilit pa rin sa akin nung guy na hindi ko naman kilala pero sabi niya ay kilala niya ako. Huh?
"Ayaw ko na nga."
"Gli, please." Batid kong pagod na ito dahil halata na sa boses at mukha niya pero kasi ayaw naman niyang tumigil sa kakapilit sa akin, eh, ayaw ko na nga. Ang pangit ng lasa kasi!
"Bakit ba ayaw mo na?" Mahinahon nitong tanong na umupo na sa gilid ng kamang kinahihigaan ko.
Tinungkod ko ang kamay ko sa side table at nilapit sa tainga niya ang bibig ko para bumulong.
"Ang pangit ng lasa. Hindi magaling chef nila." Saka ako bumalik sa pagkakaupo ko sa kama.
Nang makita ko iyong lalaking nagpakilala na siya raw si Frost ay nakangiti na ito. Kani-kanina lang ay kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya noong pagkagising ko ay hindi ko siya nakilala, pero ngayon ay nakangiti na siya.. 'yung totoong ngiti pero may sakit pa rin sa mata. How can he do that?
Bigla na lang akong nagising na isang puting kisame ang bumungad sa akin. Tapos tumingin ako sa isang lalaking ngiting-ngiti na agad kong tinanong kung sino siya kaya nawala ang ngiti niya, tapos may dumating na isang lalaking hingal na hingal at agad akong nilapitan. Ang sinabi agad niya ay, "Gli! You remember me, right? You know me, right?", at kita ko talaga ang umaasa niyang mga mata. Pero sadiyang wala akong maalala kahit isa, kahit nga ang pangalan ko ay hindi ko alam. Ang naisagot ko tuloy, "Nasaan ako?", rumehistro ang sakit sa mukha no'ng lalaking iyon na nanghihina pang napaupo at inalalayan siya nung isa pang lalaki kanina na nakangiti sa akin pagkagising ko.
Nagpakilala iyong lalaking bumungad sa akin pagkadilat ko na Thaw daw ang pangalan niya at pinakilala niya rin iyong kasama niyang lalaki na kapatid niya raw at Frost daw ang pangalan. Sinabi rin no'ng Thaw na Gliath ang pangalan ko. He even told me that I have an amnesia. Kaya naintindihan ko agad ang lahat. Kung bakit wala akong matandaan, wala akong maalala kahit isa at kung bakit hindi ko makilala iyong mga lalaking pumunta rito ilang minuto bago ako magising. Nagpakilala naman silang Jaq, Noal, William, Mash at Loel. The seven of them talked to me pero dahil para sa akin ay stranger sila, iling at tango lang ang sinasagot ko. Puro lalaki sila at hindi ko sila kilala, so umiiwas ako sa kanila and I saw how sad they was.
Kaya ngayon, I am trying na umaktong parang kilala ko si Frost at close kami. Kasi baka nga close kami noon bago ako magising sa ospital na ito.
"You want me to buy you food outside na lang?" Tanong nito kaya tumango na ako. Baka mas masarap ang pagkain sa labas kaysa sa canteen dito.
Pahiga na ako at palabas na rin sana si Frost nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking nakamask at may hawak na baril.. na nakatutok kay Frost. Napatili ako pagkakita ko pa lang ng baril kaya pinuntahan ako agad ni Frost at tinago sa likod niya. Gamit ang mga nanginginig kong kamay ay hinawakan ko sa likod ng damit niya si Frost na nagsisilbing harang sa baril na nakatutok sa gawi namin.
Tumawa na parang baliw ang lalaking nakamask at nilock ang pinto.
"Wow. What a sweet sight." Aniya.
"Can't remember me, Gliath?" Kinilabutan ako nang marinig ang pangalan ko (na sabi ni Thaw ay Gliath daw) mula sa kaniya at pilit pa ako nitong sinisilip sa likod ni Frost.
"Deiner! Stop it! Kagagaling lang niya sa accident for pete's sake!" Galit ang boses na sigaw ni Frost.
"Pakialam ko?" Muling tumawa iyong lalaking tinawag ni Frost na Deiner.
"Frost! Frost! Gliath!" Napabaling ang tingin naming tatlo sa pintuan nang pinagpapalo ito ng pamilyar na boses. Si Thaw!
Nanginginig ang mga kamay na inabot ko ang cellphone ni Frost na nasa kama ko. Pero muli akong napatili nang biglang may pumutok.
BINABASA MO ANG
Climb Every Mountains [You Are The Reason #1]
Novela Juvenil"I'll Climb Every Mountains just to protect you." "I will surely Climb Every Mountains just to have you!" ____________ Gliath met the famous jerk, Frost, when she transferred school. She's a grade conscious and a scholar, but she can be a fangirl, t...