Chapter 03: Zeke Daniel Monteverde

33 3 6
                                    

Meisie's POV

Tatlong araw narin simula nang nalaman na ng lahat ang totoong ako, ang totoong Meisie Thaddea Vallejo. Maraming nagbago, lalo sa pakikitungo nila saakin. Maraming umiwas at lumayo. Marami rin ang nanatiling maayos ang pakikisama nila sa' kin. Pero ang karamihan masama na ang pakikitungo. Palibhasa sino nga ba ang hindi magtataka diba? Running for cum laude tapos anak pala ng owner ng school. Jusq. Kaistress.

""Hey, Rei- i mean Meisie." Isang baritonong boses ang kumausap saakin. At kilala kona kung sino iyon.

"Stop following me, Cloud." Singhal ko sa kanya.

"Why would I?" He asks

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya. Great. Kaunti nalang talaga mapupuno na ako sa kanya at mauubos na ang pasensya ko. He's so annoying. Lagi syang naka buntot sa' kin saan man ako pumunta, except naman sa restroom. Wala na syang magandang ginawa kundi ang pangungulit, pangaasar saakin. Sa tingin nyo, nakakatawa iyon?

"Ano bang kailangan mo sa' kin?" Kino-kontrol ko ang boses ko dahil alam kong maraming naka tingin sa'min at nagbubulungan.

Sino nga ba ang magtataka sa lagay namin ngayon, isang famous dancer at isang anak ng owner ng school na to eh naguusap at magkasama? Tsk! Mga tao nga naman! Grabe ang mindset.

"I told you, I'll never stop chasing you." Seryoso ang mukha nya at alam kong seryoso rin sya.

Muli akong naglakad imbes na sagutin pa ang sinabi nya sa'kin. Maya maya ay nakarating na ako sa cafeteria.

"Tumigil kana, ayaw kona sayo, at hindi na ako babalik sayo." Mahinahong ani ko.

"No. I won't stop." Sagot nya.

Nainis ako sa pabalik na sabi nya. Ano bang kailangan nya? Hindi ba madaling intindihin ang AYAW KO SAYO, para tigilan na nya ako? Nakakairita na.

"Pwede ba, Cloud? Tigil tigilan mo na ang kahibangan mo sa buhay? Alam mo bang nakakairita kana?!" Napalakas ang sigaw ko, buti kaunti lang tao ang sa cafeteria kaya wala masyadong naka tingin sa'min.

"Hindi kahibangan ang ginagawa ko, Mei." Hinawakan nya ang dalawang kamay ko.

"Hindi ba kahibangan ang ginagawa mo? Eh, halos lahat ng pinupuntahan ko nandoon ka. Kulang nalang pati pag ihi ko, sumama kana." Inis na singhal ko. Binitawan ko ang kamay nya at tumalikod.

Pero bago ako makalayo sa kanya eh nahawakan na nya ang kamay ko. Tumaas naman ang kilay ko.

"Ano bang kailangan mo? Huh?"

"You. I want you to comeback..." Nagulat ako sa sinabi nya. "... I want to make you mine again..." He sighed, "...je t'aime, Meisie... Please comeback to me, I'll never hurt you again."

Pinigilan ko ang pagtagos ng mga luha sa mga mata ko. Tama na, ayoko ng masaktan ulit dahil sayo Cloud Denver Laurent. Pagod na pagod na akong umiyak, pagod na akong humingi ng atensyon at oras mo. Tama na.

"Sorry." Yun nalang ang nasabi ko saka binitawan ang kamay at tinalikuran sya.

Kung hindi ba sya bumitaw noon...hawak ko parin ba ang kamay nya hangang ngayon?

May nakaraan kaming dalawa ni Cloud, magulo at masakit na nakaraan. Oo, madaling ibalik ang pagmamahal, pero ang tiwala? Sobrang hirap na.

"Please, don't do this." Hinawakan nya ulit ang kamay ko.

Binitawan ko ang kamay nya at tumakbo papalabas sa cafeteria. Narinig kopa ang pagtawag nya sa pangalan ko pero hindi kona iyon pinansin dahil ang gusto ko lang ay makalayo sa kanya. At iwasang makita ulit ang nakaraan sa mga mata nya, ang mga masasakit na nakaraan.

I LOVE YOU, PROFESSOR ( Monteverde Series #1Where stories live. Discover now