MGR ~7~

380 7 13
                                    

My GAY Roomate

Chapter 7: In or Out?

Zach’s POV:

Fcuk! Taena! Gag*! Siraulong lalaki yun!

 Putcha, sipain daw ba yung baba ko.

“Hoy!! Bumalik ka dito!” Sigaw ko, matapos nyang ibagsak yung pintuan. Nakawala kasi siya sa hawak ko tapos ayun nakakita siya ng paraan para maka-alis through kicking my—taena, naiinis ako kapag naalala ko eh. Ang sakit talaga mga tsong!

Naka-luhod ako sa sahig habang hawak-hawak ko yung baba ko. @%#^$%^$%^ talaga eh! Nagbibiro lang ako tapos sineryoso naman ng ugok na yun. Sa lahat ng tinakot ko, siya lang yung nakagawa sakin nito. Punyemas talaga! Humanda sakin kapag bumalik yun.

Pilit kong inabot yung door knob para buksan yung pintuan, medyo masakit pero but I managed to get up myself. Nung mabuksan ko yung pintuan, sakto naman yung pagdaan ni Anubis.

Napatingin siya sa akin, “Oi Zach, anong nangyari sayo?” Tunog nag-aalala pero kalmado lang siya nung itanong niya sakin yan. May nakasubo pang straw ng Zagu sa bibig niya, habang yung kanang kamay niya  nakasuot sa bulsa ng maong niya.

“ Zagu ko?” tanong ko sa kanya.

Nagpabili kasi ako sa kanya ng Zagu kanina bago ko pa pagtripan yung Danny-ng hinayupak na yun.

Napakamot siya ng ulo gamit yung kanang kamay niya. “Sorry pre, naibigay ko sa tuta. Ang cute kasi.” Naka-ngiti niyang sabi. Psshhh, ang bading.

“Ano?! Sira-ulo ka talaga, ba’t mo binigay sa aso samantalang di mo man lang naisip na sa akin yun!”

“Pshh. Bumili ka na lang ulit, tsaka mas kailangan ng aso yun. Pampakalma sa kahayupan ng iba dyan.” Sabay sipol tapos sibat.

Sinundan ko na lang siya ng tingin na masama.

Anubis is my childhood friend. Magkaibigan ang mga magulang namin at ka-business partner din. Hindi ko na matandaan kung paano kami nagkakilala at ambading pakinggan kung pati yun ikekwento ko pa. Basta Anubis Vasquez ang buong pangalan niya. May brown na buhok at naka-salamin. Kala mo genius, pero genius talaga siya pero mas matalino ako hahaha. Any claim?

Pumasok na ako sa loob at umupo sa kama ko. Medyo nawala na yung sakit at bumalik na rin yung lakas ko pero yung inis ko andun pa rin.

“Bumalik ka lang dito, susuntukin talaga kita.” Asar kong sabi. Punyemas talaga eh!

Puro mura tuloy ang mga nasasabi ko.

(A/N: Wag gagayahin ang mga sinsabi ng sexy-ng lips ni Zach. Nakakamatay. Hhaha!)

Tiningnan ko yung mga gamit nyang nakalapag sa sahig. Ilabas ko na kaya yan, para pagbalik niya eh pwede na siyang umalis ng tuluyan sa kwarto ko dahil sa totoo lang---pagkatapos ng ginawa niya ay di ko na ulit maatim na makasama pa siya dito sa kwarto ko. Taena talaga eh!

Tumayo ako at binuksan yung ilaw. Pero imbis na simulan ng damputin yung gamit niya para mailabas na eh may nahagip yung mata ko sa sahig.

Yumuko ako para damputin yun, nang tingnan ko ay isang babae na naka-akbay sa isang lalaki yung nasa picture. Shoulder length na dark brown yung buhok ng babae tapos may dimples sa pisngi niya. Naka-suot siya ng loose na v-neck long sleeve, yung lalaki naman naka-itim na Jag shirt—naka-salamin din.

“Sino ‘to?” flinip ko yung picture para tingnan ko yung likod, yun nga hindi ako nagkamali kasi may nakasulat.

Matthew <3 Dana? binasa ko. Matthew and Dana? “Kanino ‘to?” Kay fine mga tsong, nababaliw nako—I’m talking to myself.

My GAY RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon