13: Gays Do Cry

55 1 0
                                    


Honey:

It's been a year since the last post that I made. I'm not quite sure where to start again, but due to the comment of a silent reader, the motivation that once I had, starts a fire cracker . Thank you for that, you know who you are :). It's not my goal to please everyone, but every writer wanted to be appreciated, kaya sana magustuhan nyo 'to. Salamat sa pagbabasa and again I'm sorry for being so mabagal, stagnant writer to be exact. Have a great day everyone.



Danny's: 

Nitong nakaraang linggo, nahuli ako ni Zack na may tinatype sa laptop. Actually, mga behavior niya iyon na napapansin ko habang magkasama kami. He's my subject for my Psychology class, wala naman kasi akong ibang madalas na nakakasama dito bukod sa kanya. Sya lang nakaksama ko sa kwarto kapag matutulog, kapag kakain naman kami, riding in tandem pa din kahit mas madalas utusan lang niya ako. 

Pag ako nakalabas sa school na'to, gagantihan ko talaga siya, paiiyakin at paluluhurin, gusto ko nagmamaka-awa siya na nakaluhod sa harapan ko at hihingi ng tawad sa mga kagaguhan niya. Syempre, gagawin ko lang 'yon pag nakuha ko na 'yong sasakyan ko. 

Sarap tumawa ng malakas kaso si hayop tulog na tss. At ang totoo niyan nilalaganat pa din ako pero hindi na gaano kataas, hindi na ako masyadong nahihilo hindi gaya kanina na puro tulog lang ang ginawa ko, hindi ako nakapasok sa klase. Pinagpaalam naman ako sa mga professor kaya ayos lang, ngayon medyo kaya ko nang kumilos at sakto dahil nakaramdam ako ng paghilab sa tiyan kaya napilitan akong bumangon at magpunta sa banyo, mahirap talaga kapag mahina ang tiyan mo sa mga pagkain na masarap naman. Kahit hindi ka likas na maarte, napapa-arte ka dahil sa tiyan mo. 

Nito pa man ding nakaraan, kung ano-ano kinakain ko, dahil na rin kay Zack. Minsan lumalabas kami, magugulat na lang ako may bitbit na siyang fishball, calamares, dugo, at kung ano ano pa.  Ipipilit niyang ipakain ang mga iyon at kahit alam niyang bawal sa'kin - sige pa din, insensitive ang pota. Hindi lang iyon ang mga ginagawa niya, marami pa pero naisip ko lang na kaya siguro sya ganoon ay dahil sa childhood experience niya. 

May mga ugali ang tao na kapag hindi na maganda ang kinikilos nila, madalas by-product iyon ng pagkabata nila. Gusto ko tuloy malaman ang background nitong si Zack, gusto kong pag-aralan, i disect at paglaruan.

Ang sarap tumawa kaso tulog na si hayop. 

Lumabas na'ko ng bayo, hindi bukas lahat ng ilaw. Kapag ganiton nilayasan na ng lagnat + dim light + aircon + raining outside = tulog is life. 

Di ko tuloy mapigilang ngumiti, ang peaceful ng paligid. You know what, at some point I would say that I like the situation where I am now, not because of the guys that surrounds me, but the experience that I have now is what I called priceless.

Dederetso na sana ako sa kama kaso nahagip ng aking mga mata kung saan nakahiga si Zack, lumapit ako, natanaw ko ang kanyang braso, wala siyang pang itaas na normal na lang para sa akin na makita. 

Nakatalikod sya sa akin kaya umikot ako papunta sa kabilang parte ng kama at pinagmasdan ang kanyang mukha, salamat sa ilaw na nagmumula sa bintana. 

Napaupo ako at dagliang napaisip, sino ka ba talaga? Bakit ako pinasok ng kuya mo sa lungga kung saan ayaw mo naman       ng ibang tao. 

"Zack" bulong ko.

Bigla akong may naalala pero hindi  sigurado sa aking nakita, dala lang ba iyon ng lagnat  o sadyang totoo lang talaga? Kanina habang masama ang pakiramdam ko at mataas ang lagnat, naalimpungatan ako sa sobrang uhaw, pag mulat ng aking mga mata, una kong nakita si Zack nasa tabi ko, nakaupo siya sa sahig habang ang ulo niya ay nakasandal sa kama, nakaharap sakin ang kanyang mukha, hindi ko napaigilan na hindi ito pagmasdan. 

Gigisingin ko sana siya pero nagulat ako sa aking nakita, lumuluhha si Zack habang tulog, iyong kanang kamay niya nakahawak sa kanang kamay ko. Maluwag na pagkakahawak na mukhang kanina pa niya hindi gustong bitawan. May tumulo na luha mula sa kaliwang matang nakapikit. Hindi ko mawari kung namamaga din ba ang mga mata niya dahil sa pag iyak. Si Zack? Iiyak? 

Bigla kong naalala na hindi iyon ang unang beses na narinig ko o nakita na umiiyak siya, may pagkakataon na magigising ako sa kalagitnaan ng gabi, may maririnig na sumisinghot, sisilip, iisipin na baka may multo pero magugulat sa makikita, si Zack ay umiiyak din pala. 

Sa totoo lang hindi ko mapigilan ang loob ko pag nakakakita ng ganun, kaya napapaluha din ako kapag may umiiyak sa paligid, pag nararamdaman niya na nagigising nako o nahahalata na bukas na ang diwa ko, pupunasan niyang mabilis ang luha na sa mga mata, hihiga at magpapanggap na tulog na. 

At ngayon naulit na naman, pero tuog version. Para siyang anghel na hindi makabasag pinggan, sana lagi na lang siyang tulog. 

"Sophia"

panibagong luha na naman ang tumulo, "Sophia"

"Sophia?" bulong ko. Ex niya kaya iyon? 

Gumalaw siya, bigla akong nagulat kaya nagpanggap akong tulog. Pinilit kong sumilip, bumangon siya, nagpunas ng mata. Pero dahil nauuhaw na ako, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, nagkunwari na bagong gising at sinambit ang salitang "Tubig."

Umiwas siya ng tingin, "Bakit gising kana? Matulog ka ulit, kailngan mo ng pahinga. Ang hina-hina kasi ng katawan kaya ayan nilagnat ka."

"Sabi kong pahinging tubig, sungit." Nakakairita talaga ugali niya, ang sarap niyang sapakin. Narinig na nga ang salitang tubig, magtatanong pa kung bakit ako gising?

Minsan talaga Zack, gwapo ka lang.

Inabutan niya ako ng isang basong tubig, tinulungan makabangon, nahihilo ako pero malinaw kong nakita ang mga luha sa kanyang mga mata habang natutulog siya kanina. usme nakasado lang din siya, ramdam ko ang braso niya na dumampi sa likod ko at bigla akong nagulat sa suot ko. 

"Bakita iba na ang damit ko?!"

"Oo, basa ka ng pawis." 

"Anong nakita mo?" Walang hiya, bigla akong nakaramdam ng init kahit kanina pa ako nilalagnat, the fact na pinalitan niya ang damit ko, punyeta nakita niya iyong dib-dib ko.

"Wala akong nakita, nakapikit ako habang pinapalitan ka at pinapunasan. H'wag kang mag alala, wala naman akong nakapa, akala ko nga likod eh HAHAHA." Sabay labas ng kwarto.

"Bwisit ka!" 

Babatuhin ko sana ng unan kaso bigla akong nahilo at natulog na lang ulit.



***END***


Note:

Hello, thank you sa pagbabasa kahit maikli lang ito pero inabot pa rin ako ng mga tatlong oras bago matapos, haha pagong ika nga xD. 
























My GAY RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon