14. Ayoko Na

2 0 0
                                    


Isa isang lumalapit
Mga manliligaw mong gustong kumapit
Kung kelan ikaw ay napa ibig
Tska naman sa iba kakapit
Mas masakit pa to sa kuko mong naipit

Kaya wag ka na munang maniwala
Sa mga salitang binibitawan
Mga labi magaling mag paasa

Pilitin mo man iwasan
Damdamin ay hindi mapipigilan
Pusong makulit ay patuloy na umaasa
Kahit alam mong walang aasahan

Oh pag ibig, bakit ka ba ganto?
Palagi nalang ba ako aasa?
Palagi nalang ba ako mag hihintay?
Kailan ba magiging tama ang lahat?
Kailan ba aayon sakin ang tadhana?

Gusto kita, gusto mo din ako
Isang araw, iba na ang gusto mo

Bakit ka nag bago?
Ako ba ang mali?
O hindi ka lang na kuntento?

Sa isang iglap nawala nalang ang lahat
Ang paasa na akala ko magiging tayo pa
Naglaho na parang bula

Hayup ka!
Pinaasa mo ang taong nag mahal sayo ng buo at tunay
Sayang ang oras na nilaan sayo

Pero....

Hindi na ba maibabalik?
Dating pag tingin mo na kay tamis

Ayoko ng umasa
Ayoko na
Ayoko na

Ayaw ko man, umaasa pa din

Unsaid.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon