6: TAYO

53 1 0
                                    

Isa
Dalawa tatlo
Apat
Isang salita, apat na titik
Ikaw at ako, pandalawang tao lang at hindi na pwedeng maging tatlo

Nabuo ang tayo sa pwede ba at oo.
Oo mahal kita
Oo minamahal kita
Oo mahal pa ata kita
At hindi ko alam kung mag tatapos ba to sa pwede ba
Pwede bang ako nalang?
Pwede bang tayo nalang?
Mababalik pa ba ang dating tayo kung umpisa palang hindi mo na inisip ang tayo

Saan tayo kakain? Kahit saan
Anong gusto mo? Kahit ano
Ako nalang ang laging nag dedesisyon
Pero inintindi ko
Inintindi ko ang sitwasyon
Pero hindi ko alam na ang bagay na to ay isang imahinasyon lang
Sana ininform mo ko.

Minimithi ko na sana tayo nalang
Ninanais na magbalik ang dating ikaw
Ikaw na masaya
Ikaw na maalaga
Ikaw na laging nag sasabi ng mahal kita
Oh kay tamis pakinggan

Dahil nag simula ang tayo sa ikaw at ako.
Ayaw ko man sabihin
Pero sasabihin ko na
Magtatapos din ang tayo sa ikaw at ako.
Ikaw, ako, walang ng at
Dahil mahal
Tatapusin ko na ang pag hihirap mo
Tatapusin ko ang pag hihirap ko
Tatapusin ko para maging magaan na ang loob ko
Tatapusin ko na kahit wala akong kasiguraduhan kung magiging okay ba ang lahat
Ngayon tatapusin ko na to
Pasensya na pero
wala ng tayo
tapos na tayo.

Unsaid.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon