1: Bakit ba takot tayong umibig muli?

214 0 0
                                    

Maraming gumugulo sa isipan ng isang taong nagmahal, nasaktan, at umasa. Hindi mo man sabihin ang tunay mong nararamdaman makikita ito sa iyong mga mata at pag kilos. Sa sobrang saklap ng iyong pinag daanan, nakalimutan mo na may kaibigan ka, pamilya at higit sa lahat, ang diyos na kahit anong gawin mo hinding hindi ka iiwan at patuloy kang mamahalin.

Takot ka nga bang magmahal muli o takot ka na pwedeng mangyari ulit ang bagay na ginawa sayo nung nakaraan mo?

Maraming gumugulo sa isipan mo. Mga bagay na hindi mo na dapat iniisip ngayon kung hindi ka sinaktan.

Dumadating pa yung time na makakakita ka ng sweet couples, madalas kaibigan mo pa. Kaya minsan sumasagi sa isip mo yung mga paano.

"Paano kung kami pa din hanggang ngayon? Siguro masaya kami."

"Paano kung pinaglaban ko yung pagmamahal ko? Marerealize niya ba na di niya kayang mawala ako sa piling niya?"

"Paano kung binigay ko sa kanya lahat ng oras ko? Hindi ba siya mahuhulog sa iba?"

Paano kung... *hingang malalim* iniisip mo pa rin ba siya? For sure from the start may isang tao kang iniisip. Kung madami sila, malamang may taglay kang K! HAHA. ✌

Bukod sa marami kang "paano..." o "what if..." madami ka din rason kung bakit ayaw mo pa. Madalas ang dinadahilan mo, parents mo. Tapos ilang araw lang may jowa na? Ano te? Ilagay mo naman sa tamang lugar yung pagka choosy mo.

Alam ko mahirap mag move on at kalimutan yung taong sobra mong minahal pero hindi ka ba nanghihinayang kung gumawa na si Lord ng paraan para maging masaya ka ulit tapos tatanggihan mo lang? Parang exam lang yan eh. Naisip mo na yung tamang sagot pero pinalitan mo sa di malamang dahilan o minsan feeling mo lang na mas tama yon. Hindi naman pwedeng dalawa ang piliin mo. At pag nalaman mo yung resulta at nakita ang tamang sagot, tiyak! papasok na naman si "paano" at "what if". Minsan tama naman na pinalitan mo dba? Pero mas madalas nagkakamali ka. Parang sa love, pwede kang magmahal ng dalawa pero sigurado ako na may lamang sa kanila at dadating yung araw na kailangan mo ng mamili. Kundi, game over! Wala ka namang ibang sisisihin kundi sarili mo.

Harapin mo yung kinatatakutan mo. Subukan mong magmahal ulit. Kung sinaktan ka din, subukan mo ulit at pag sinaktan ka din ay te o kuya mag isip ka na. Baka iba talaga ang hanap mo! Joke! :)

Basta ang masasabi ko lang sayo, ang problema hindi pinoproblema ha? Hinaharap yan. Kung tinatamad ka, go with the flow lang, lilipas din yan. Wag na wag mo lang kakalimutan na lagi kang may karamay :) kanta ka lang ng hawak kamay ni yeng :)

keep on fighting!

Unsaid.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon