2: Paano mo ba malalaman na may gusto siya sayo?

1.5K 2 0
                                    

Sabi ng karamihan may gusto daw sayo ang isang tao kapag sweet siya, caring, gusto ka kausap. At napansin ko lang, pag nag kwentuhan kayo tapos napunta sa usapan ng "lovelife" mo. Syempre tatanungin kung may bf / gf ka tapos kung ilan na naging bf / gf mo. Patungo tong tanong sa "pwede ba kitang ligawan?" (applicable to boys only) pero halos lahat sila hanggang isip lang yon!

Paano kung ganun din siya sa iba? Nakakapag duda diba?

Kung may pakialam ka sa kung ano ang tunay niyang nararamdaman sayo, isipin mo kung ano yung "iba" pag ikaw yung kasama niya. Icompare mo yung siya kasama ang iba at siya kapag kasama ka.

Pero kung wapakels ka yung tipong lagi mong linya sa utak eh "ano naman" at go with the flow ka lang, dedma lang!

Eh kaso yung mga kaibigan mo pinupush kayong dalawa? Ramdam nila pag magkasama kayo, may something, may spark. Sila na nagsasabi na may gusto siya sayo, ikaw lang yung ayaw maniwala! Bakit? Dahil sa hindi siya nagsabi? o ayaw mong umasa?

Ang dapat mong gawin? Wag makinig sa sinasabi ng iba. Lagi mo lang iisipin yung "Don't assume, unless otherwise stated" pang accounting student yan ah! Pero pwede sa lahat :)

Mahirap pigilan yung sarili mo na wag umasa. Pero dba ang sarap sa feeling na hindi ka umasa tapos tama lang pala. Yung mapapasabi ka nalang na "buti nalang". Less pain eh. Face the reality ika nga.

Para sa mga lalake, wag kang umasa na aamin sayo ang isang babae na may gusto siya sayo. Mga 1% lang siguro yung ganon na umaamin unless hindi mo siya tinanong. Isipin mo, kahit dumami ang malandi sa mundo madami pa din yung mga babaeng hirap paaminin sa tunay na nararamdaman. Dalawa lang yan eh, its either nahihiya umamin dahil for sure iniisip niya na nang ggood time ka at aasarin mo siya o kaya dahil takot na baka hindi mo siya gusto OR hindi pa siya sigurado sa tunay niyang nararamdaman. Pero bago mo siya tanungin, siguraduhin mo muna ang tunay mong nararamdaman.

Para sa mga babae, panatilihin ang pagiging dalagang pilipina! Hintayin mong siya mismo ang magsabi na may gusto siya sayo. Wag kang masyadong maniwala sa sabi sabi ng iba. Hindi naman sila yung masasaktan pag umasa ka at nabigo dba? Oo "habang may buhay may pag asa" tska madalas yung PAG ASA na yan ang nagpapangiti at nagpapagaan ng loob mo. Pwede namang umasa, wag lang sobra. Dapat iniisip mo din na maaring hindi mangyari yung inaassume mong mangyayari. Yung pag asa mo, dapat parang freedom, may limitasyon. Lagi mong iisipin na lahat pwedeng mangyari, kahit pa yung mga bagay na hindi mo ineexpect. Yung feelings mo, ingatan mo yan.

May gusto man siya sayo o wala, ang importante alam mo at ramdam mo na may mga tunay na nagmamahal sayo :)

Unsaid.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon