Kabanata 6

20 5 0
                                    

Bakit sila nandito sa mansyon? Ang akala ko kaming dalawa lamang ni Nanay Lucinda ang nandito? Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil gulat pa rin akong nakatingin sa hapag kainan ngayon. Nasa tabi ko si Dariel na halatang gulat din sa nakita niya. 

"Hijo, Dariel. Sumabay ka na rito. Miss Adelaide, sasabay ka ba sa amin o ihahatid ko na lang sa taas ang pagkain mo?" Tanong ni Nanay Lucinda habang nakatingin sa akin. Natauhan ako saka tipid na nginitian sila. 

Pansin ko ang babaeng mas matanda sa akin ng ilang taon na seryosong nakatingin sa akin na parang hinihintay ang sagot ko, siya lamang ang bukod tanging hindi nakangiti. Baka kapag sinabi kong sa taas na lang ako kakain ay sabihin nilang maarte ako, gusto kong ipakita sa kanila na hindi ako katulad ng iniisip nila. 

"S-Sasabay na lang p-po ako," 

Lumapit ako papunta sa hapag kainan, kasunod ko si Dariel na walang imik. Naupo ako sa tabi ni Kuya Allerick na nakangiti sa akin, tinignan ko siya saka tipid na nginitian. Nasa harapan ko si Dariel na seryosong nakatingin sa plato na nasa harapan niya. Ang iba naming kasama sa hapag ay nakangiti sa amin ngunit ang nasa tabi ni Tatay Virgilio na babae ay hindi nakatingin sa akin at seryoso lamang ang ekspresyon, nakatingin lamang siya sa plato na wala pang laman kagaya ni Dariel ngayon.

"Hija, pasensya na kung nabigla ka kanina dahil nandito sila. Hindi kasi ako sanay na kaunti lamang ang lulutuin kaya naparami at sinama ko na lang ang ibang nagtr-trabaho sa hacienda, sana ay okay lang sa'yo." Sabi sa akin ni Nanay Lucinda.

I smiled at her.

"Okay lang po..." Banayad kong wika. Tinanguan ako ni Nanay Lucinda saka ibinaling ang tingin sa mga kasamahan namin.

"Magdasal muna tayo bago kumain, ako na ang mangunguna." Panimula ni Nanay Lucinda habang nakangiti. Nag-sign of the cross kami at nagsimulang pakinggan si Nanay Lucinda hanggang sa matapos siyang mag-lead ng prayer. 

Kumain na kaming lahat, katulad ng palagi kong ginagawa ay kaunti lamang ang kinain ko. Nagkwentuhan silang lahat habang kumakain kami, puro tawanan ngunit hindi ako kumikibo katulad ni Dariel. Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanilang lahat na aakyat na ako sa kwarto ko sa taas.

"Adelaide, hija. Uuwi na rin po kami mamaya pagkatapos nitong usapan namin, pasensya na sa ingay!" Ngiti ni Tatay Virgilio, huminto ako sa pag-ayat sa hagdanan at nilingon sila na nakatingin sila sa akin.

Why they're always looking at me? Did I do something wrong?

"O-Okay lang po. Hindi naman po rinig sa taas ang usapan niyo. Aakyat na po ako, sa susunod na lang po ulit." Pagkatapos kong magsalita ay hindi ko na hinintay ang sagot nila dahil nagpatuloy na lang akong umakyat papunta sa kwarto ko.

Pagdating ko sa kwarto ko ay isinara ko ang pintuan ko, hindi ko na ni-lock ang pintuan ko dahil baka pumasok si Nanay Lucinda mamaya at baka kausapin ako tungkol sa mga nangyari kanina. 

Naupo ako sa isang kahoy na upuan na nasa gilid ng bintana. Sa harapan ng upuan ay mayroon din na kahoy na mesa na maliit lamang kung saan may nakapatong na flower vase, maliit lamang iyon at ang laman n'on ang kulay yellow na mga rosas. Kada-tatlong araw ay pinapalitan namin ng iba't ibang klase ng bulaklak ang flower vase ko, kadalasan ay kulay dilaw na bulaklak ang pinapakuha ko dahil kulay dilaw ang paborito ko.

Ang sabi nila ang kulay dilaw na bulaklak ay sumi-simbolo sa kasiyahan. Kasiyahan ang gusto kong makamtam sa buhay ko dahil puro na lang sakit at lungkot ang palagi kong nararamdaman. 

Gusto kong maging masaya.

Dalawa ang kahoy na upuan ang nasa gilid ng bintana, ang isa ay nasa harapan ko. Dalawang tao ang kasya sa isang upuan at maganda rin ang pagkakagawa n'on dahil matibay pati ang mesa. Ibinaling ko ang tingin ko sa bintana kung saan tanaw ko ang hacienda at gate ng mansyon, makikita mo kung may papasok ba o lalabas sa mansyon namin.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon