Kabanata 20

49 8 0
                                    

ISABELLA'S POV

Napahinto kami ni Gabriel sa pagtugtog ng bumalik si Donya Elena sa silid.

"Pasensya na, mukhang naabala ko ulit kayo. Magdadala sana ako ng meryenda ngunit oras na pala ng tanghalian. Nakapaghanda na ako ng makakain. Halina kayo." Saad ni Donya Elena.

Agad naman kaming sumunod ni Gabriel. Naupo ako sa silya sa tapat ni Donya Elena samantalang tumabi naman sa akin si Gabriel. Nagsimula ng magdasal si Donya Elena at ng matapos siya ay nagsimula na rin kaming kumain.

Maya maya pa ay lumapit ang isang tagapagsilibi sa hacienda Hernández.

"Pasensya na po sa isturbo Donya Elena, binibini at ginoo. Ngunit hindi po ba ninyo aanyayahan si Ginoong Rafael?" Tanong ng tagapagsilbi. Nagulat naman kaming tatlo sa kaniyang sinabi. Napahinto ako sa pagkain ganoon narin sila.

"Naririto na si Rafael? Bakit napaka aga naman yata?" Nagtatakang tanong ni Donya Elena.

"Namataan ko po siya kani kanina lamang na paakyat patungo sa kaniyang silid. Wari ko'y hindi niyo po siya nakita." Saad ng tagapagsilbi.

"Magpatuloy na kayo sa pagkain. Tatawagin ko lamang saglit si Rafael upang saluhan tayo." Wika ni Donya Elena sa amin at nagtungo sa silid ni Rafael.

Naiwan kami ni Gabriel sa hapag. Hindi ko na magalaw ang aking pagkain. Hindi kaaya ayang magsalo kaming tatlo sa iisang hapag. Masyadong nakakailang kapag nagkataon. Magpapaalam na lamang sana ako ngunit hindi ko alam ang sasabihin.

"Ipagpatuloy mo na ang pagkain. Lumalamig na iyan." Wika ni Gabriel ng hindi nakatingin sa akin.

Hindi ako umimik.

"Nawalan ka na ba ng gana?" Tanong niya.

Magsasalita na sana ako ng maulinagan ko ang mabilis na pagbaba ni Donya Elena mula sa hagdan. Nakasunod sa kaniya ang tagapagsilbi. Bakas sa itsura ng Donya at ng tagapagsilbi ang labis na pagkataranta.

"Anong nangyayari ina?" Nagtatakang tanong ni Gabriel. Maging ako ay kinakabahan narin sa kanilang ikinikilos.

"Ang iyong kapatid ay inaapoy ng lagnat." Saad ng donya habang abala sa pagkuha ng mga gamit na kakailanganin sa panggagamot kay Rafael. Ganoon rin ang tagapagsilbi.

"Magpatuloy na lamang kayo sa pagkain. Huwag na ninyo akong hintayin. Pasensya na Binibining Isabella, nais ko pa sanang paglingkuran ka ngunit kinakailangan ako ngayon ni Rafael." Wika ng Donya.

"Hindi po ako nagdaramdam." Tugon ko.

Nang makaakyat na ang tagapagsilbi at ang donya ay mas lalo akong nabalisa. Ngayon ay wala na talaga akong ganang kumain. Maging si Gabriel ay hindi narin nagpatuloy sa pagkain. Nais kong magtungo sa silid ni Rafael.

"Halika na Isabella, ihahatid na lamang kita sa inyo. Sa susunod na lamang tayo mag insayo." Saad ni Gabriel at tumayo sa kaniyang kinauupuan. Agad siyang nagtungo sa salas at papalabas na sa kanilang tahanan ng magsalita ako.

"Nais ko munang maparito kahit sandali" saad ko.

Napalingon siya sa akin.

"Hindi mo maaring dalawin si Rafael. Hindi pa natin alam ang sakit niya baka mahawa ka lamang." Saad niya.

"Ihahatid na kita." Dagdag ni Gabriel.

Napabuntong hininga na lamang ako at napairap. Wala na akong nagawa. Gustuhin ko mang makita si Rafael ngunit naisip kong baka hindi rin niya ako nais makita. Baka mas lalo lamang lumalala ang kaniyang karamdaman.

Walang umimik sa aming dalawa ni Gabriel habang lulan kami ng kalesa. Binabagabag parin ako ng karamdaman ni Rafael. Nawa'y hindi ito isang malubhang sakit. Nawa'y gumaling rin siya sa lalong madaling panahon.

Stars in my Dark Nights  (Estrella Muerta Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon