Kabanata 28

52 5 0
                                    

Dalawang buwan na rin ang nakalilipas mula noong mangyari ang trahedyang nagpagimbal at nagpaguho ng aming mundo ngunit sariwa parin sa aming lahat ang nangyari. Na tila ba kahapon lamang naganap ang lahat. Dinalaw ako ni heneral Juan Lucas noong isang buwan at ipinahatid ang kaniyang pakikidalamhati. Hindi na rin siya nagtagal bilang respeto kay ama at lumuwas na patungong europa. Noong una'y inalok niya akong sumama ngunit tinanggihan ko iyon. Ako nalang ang natitirang mag aalaga kina ama at ina.

Oras ng almusal, nasa hapagkainan ako kasama sina Florida at Manang Mirasol. Sa mga oras na gaya nito, laging sumasagi sa aking isipan ang mga kalokohang ginagawa sa akin noon ni Federiko. Madalas niya akong asarin sa almusalan at tanghalian sapagkat wala roon si ama. Naalala ko rin ang mga panahong pinagtutulungan nila akong dalawa ni Alfredo. Ngunit ang lahat ng iyon ay mananatili na lamang bilang alaala. Madalas akong nagiisang kumain sa hapagkainan, kung minsan hindi ako nasasamahan nina Florida at Manang Mirasol sapagkat abala sila sa mga gawaing bahay. Sila na lamang ang natitirang kasambahay namin. Simula ng mangyari ang trahedyang iyon ay hindi na pumasok si ama sa hukuman. Madalas siyang lulong sa cerviza nagkukulong sa kwarto ng aking kapatid na si Federiko habang nagsusumamo na patawarin siya nito sa kaniyang mga pagkukulang. Minsan naman ay namamataan kong natutulog siya sa silid ni Alfredo habang yakap yakap ang paborito nitong libro. Nagbabakasakali na dalawin siya ng aking kapatid sa panaginip. Baon na rin kami sa utang kung kaya't nagbawas bawas kami ng trabahador hanggang sa unti unti na silang naubos.

Si ina naman kung hindi tulala ay laging nagtatangis. Hindi na rin siya lumalabas pa sa kaniyang silid. Ni hindi niya magalaw ang mga pagkaing inihahatid namin sa kaniya. Noong isang gabi ay nagising kaming lahat nang marinig naming may nabasag sa kaniyang silid. Nang mabuksan namin ang pinto tumambad sa amin si ina habang nagwawala at itinatapon ang lahat ng kaniyang mahawakan.

Buti na lamang at naririto sina Florida at Manang Mirasol, kahit papaano ay hindi ko nararamdaman na tuluyan ng nawala ang lahat ng mahal ko sa buhay.

"Binibini, masarap ang pagkain kapag mainit pa." Magiliw na wika ni Florida sa akin. Alam kong ginagawa lamang niya iyon upang kahit papaano ay mapagaan ang aking pakiramdam.

Tinitigan ko lamang ang aking pagkain. Nawawalan na ako ng ganang kumain, nawawalan na rin ako ng gana sa lahat. Unti unti narin akong nawawalan ng ganang mabuhay.

"Isabella hija, hindi ba masarap ang pagkakaluto namin? Maari ka naming lutuan ng panibagong putahe." Saad ni Manang Mirasol.

"Huwag na po manang, busog na po ako." Tugon ko. Kahit pilitin ko mang ngumiti, bakas parin sa aking mga mata ang lungkot. Bagay na hindi ko kayang ikubli mula kina Florida at Manang Mirasol.

"Hindi mo pa nga nagagalaw ang iyong pagkain." Wika ni manang mirasol.

"Sige na Isang, kumain ka na. Kailangan mong magpalakas, ikaw na lang ang inaasahan ng iyong mga magulang." Pangaral ni manang Mirasol.

Tama si manang Mirasol, hindi ito ang oras para sumuko. Marami pang umaasa sa akin. May mga bagay pa akong dapat tapusin.

Kahit sapilitan ay inubos ko ang pagkain sa aking pinggan.

Maya maya pa ay may narinig kaming kalesang paparating. Nagtungo kami sa entrada ng aming tahanan upang salubungin ang bisita. Nang makababa ang sakay nito ay agad na nagbigay galang sina Manang Mirasol at Florida.

"Magandang umaga po, Ginoong Gabriel." Saad nina Florida.

"Kumain ka na ba Ginoong Gabriel? Tamang tama at kasalukuyan kaming nag aalmusal." Wika naman ni Manang Mirasol.

"Salamat ngunit ayos na po ako." Tugon ni Gabriel at tipid na ngumiti. Alam kung sa kabila ng mga ngiting iyon ay may nakakubling labis na kalungkutan. Gaya namin ay sawi rin ang kanilang pamilya. Napapadalas ang paninikip ng dibdib ni Don Felipe simula ng mamatay si Rafael. Napagkaalaman nilang may sakit sa puso ang Don kung kaya't bumaba ito sa pwesto at ipinagpaubaya kay Don Patricio ang pagiging bagong Gobernadorcillo ng bayan sapagkat hindi pa handa si Gabriel. Ang kaniyang ina naman na si Donya Elena ay laging binabangungot, madalas nitong napapaginipan ang araw na bawian ng buhay si Rafael sa bahay pagamutan.

Stars in my Dark Nights  (Estrella Muerta Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon