L'ra's POV
"Oh, new student. Hi, Ms.?"
"L'ra. L'ra Myrtle." Sagot ko sa teacher at pumunta sa upuan ko. Kaasar! Katabi ko yung Heydes ba yon? Pero kahit naiinis ako, ngiti ngiti ko lang siyang tinignan at saka umupo sa upuan ko. Hehe, mukhang naasar ang loko.
"Hmmm, mukhang masaya ka ah? Di bale, aalis ka din sa paaralan na to." One word. SARCASTIC siya bes.
"Paano kung ayoko?" Sabi ko at liningon siya. Pagkalingon ko sa kanya ay salubong na salubong ang kilay nya. Haha, cute-ERASE! ERASE! Tinignan ko din siya habang ngumingiti. Maasar ka hanggang sa gusto mo. Bwahahahaha.
Mga 5s kaming nagtitigan. Pero biglang kumunot ang noo nya na para bang sinusuri ang mukha ko. Ganda ko no? Gusto ko sana yan sabihin sa kanya pero wag nalang, ang mahalaga ay alam ko sa sarili ko na maganda ako bwahahahaha.
"Blah blah blah..." Discuss ng discuss si Mam pero di ako nakikinig hehe. Wooh, alam ko naman na kasi yan tsaka no prob na pagdating ng PT, quiz at exam. Sa madaling salita, sisiw lang ang mga yan haha.
Drawing lang ako ng drawing dito sa gilid ng tinawag ako ni Mam.
"Are you with us, Miss Myrtle?" Tanong ni Mam tsaka ngumiti. Ang plastic ng ngiti nya, dama ko eh.
"Naman!" Bibo kong sabi at saka nagtuloy si mam mag discuss.
With us...with us... Di naman talaga ako nakikinig, lels!
________________________
Hades's POV
Tsk!
Di parin ako mapakali. Habang nagkatinginan kami ni L'ra ay nag flashback sa akin yung panahong umalis si Rara.
"Khayn! Rara! Tara laro." Sigaw ko habang sinasalubong sa pinto ng bahay namin ang dalawa kong kaibigan. Well, hindi lang kaibigan ang tingin ko kay Rara. She's my crush. Hihihi. Ang pretty pretty at ang bait bait nya.
"Hello, Hades!" Bati nilang dalawa sa akin.
"Ano lalaruin natin?" Masayang tanong ni Khayn.
"Let's play hide-and-seek!" Bibong-bibo kong sabi. Masaya ako tuwing maglalaro kami kahit tatatlo lang kami.
Napatingin ako kay Rara at nakita kong naka pout siya. My princess.
"Rara? Is there any problem?" Alalang tanong ko sa kanya. No! Bawal malungkot si Rara.
"Ehhhh, I don't want to play hide-and-seek. Ako naman lagi ang taya eh tsaka ang hirap nyo kayang hanapin." Naka ngusong sabi ni Rara at pinagdugtong ang dulo ng hintuturo nya.
Ang cute!
"Hmmmm, edi ako ang taya!" Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ayun naman pala, si Mr. Right ang taya." Hirit ni Khayn.
Ano daw?
"Ha?/What?" Sabay namin yang sabi ni Rara. Ohh, we are meant to be hihihi.
"Wala, ang sabi ko ay magbilang ka na doon at tatago na kami." Bawi ni Khayn at kinindatan ako. So gay!