Peste! Asan ba yung classroom ko dito?
B3... B2... B1... A3.. A2... A— "AYUN!"
Baliktad pala. Room A1 ang highest section dito pero nauna pa ang room ng lower sec. Ano to? From bottom to top?
Sooooooooo, pumasok na nga ako sa room na yun kasi late nako mwahahahaha bahala na pag mapagalitan.
"YOU'RE LATE!!!" -Teacher.
"Kelayo-layo kaya ng room nato sir. Mas nauna pa ang room ng lower section, hanep. " Ako yan habang nag hahanap ng mauupuan. Nasa 8 pa yung bakanteng upuan pero may nakita akong nasa dulo—pinaka corner.
"Kebago-bago mo nga, late ka! Ang kapal naman ng mukha mo?!!" Si teacher ulit yan.
Nalate kasi ako dahil may inayos pa ako sa kwarto ko, bawal kasi yun ipagpabukas o ipagpamamaya ayusin hehe.
"May ginawa sir eh."
"Tsk, come here on front and introduce yourself!" -Sir Panot. Hehe, panot kaya siya pero keri na din.
Oh noooooo!!! Magpapakilala ako. What to do?!! What to do?!!
Kesa mag panic pumunta nalang ako sa harap.
"Your name?" Si sir parin yan. Tahimik ang iba kong classmate, may kumakain ng patago, may nakaheadset pero di masiyado mapansin kasi natatakpan ng malagong buhok, may nakikinig, may nakanga-nga at last but not the least, may nagsasalita mag isa, ang creepy pero di ako takot dyan haha.
"L'ra Myrtle." hehe.
"So, you're the twin of Mr. L'ae Myrtle and where do you live?" Intrigang tanong ni sir.
"Yes, my twin brother and I live in house." Proud na proud kong sabi mwahahahaha sarap kaya inisin yung mga teacher.
"Sasagot ka ng maayos or ibabagsak kita sa subject ko?" Matapang na sabi ni ser.
"Ibagsak yan!"
"Di yan bagay dito!!!"
"Wooh!! Ipatalsik kay Heydesss!"
Sinong heydes iyon?
"Bawal ang nerd ditooo!!"
Ay hanep di ko pa nga napapakita kay ser yung angking talino ko tas papalayasin ako? Tapyasin ko mga bunganga nyo eh.
"Sa Payatas." Maikli kong sagot.
"WHAAAAAAT THE HELL?!!!"
Napatingin ako sa may pinto ng classroom kung sino ang sumigaw.
Ay thank you Lord may kasama akong nalate.
"In Payatas? So, mahirap ka?" Titig na titig sakin yung sumigaw na LALAKE!!
"May problema ka don?" Walang emosyon na tanong ko.
"Wala naman. Geh, proceed na sa introducing stage." Sabi niya at naupo sa may GILID NG UPUAN KO???
Pero teka nga! Teka nga! Bakit di manlang nagalit tong si ser sa pagsigaw sigaw netong lalaking ito?
Bahala na.
"Wala ka ng itatanong ser?"
"Hmmm motto in life?" Ay motto?! Teka dami akong reserba nyan eh.
"Don't judge the book by it's cover." Ngiti-ngiti kong sabi saka tiningnan si L'ae. Hanep, naka upo siya sa may sentro na upuan.
"Wala ka bang ibang motto in life? Ewss, pathetic." Pang iinsulto ni ser sakin. Haha ano ba kasi pangalan nya?
"Meron naman ser, yan lang ang paborito ko. " Sabi ko at pumunta sa upuan ko.