L'ae's POV
Bakit kasi pinapahirapan pa namin sarili namin? Eh pwede naman kami doon tumira sa bahay namin kasama mga parents namin or di kaya sa isang condo. Bakit dito pa sa Payatas? Hay buhay, parang life. No choice kasi siya ang masusunod.
"L'raaaaaaaaaa!!! Anong lulutuin?" Malakas kong sigaw. Naglilinis kasi siya ngayon sa buong bahay nato kaya naman ako ang magluluto.
"Ano bang meron dyan sa ref?" Sigaw nya pabalik. Oo, may ref kaya kami, hahahaha.
"Itlog lang naman." Sigaw ko din pabalik.
"Oh edi yan lutuin mo muna. Kitang itlog lang pala ang laman ng ref, magtatanong pa. Bigwasan kita dyan eh!" Malakas na sigaw nya. Napakamot nalang ako sa batok ko.
Hehe, tama nga naman siya.
Di nako sumatsat pa at nagluto na. Kuripot tong kambal ko. Itlog lang pinamili? Kala ko kung ano na kanina minamadali papuntang tindahan.
Lalalalala~
After 10 minutes later....
"Tara na, kain. Nagugutom nako eh." Aya ko kay twinny.
"Geh, una ka na dyan. May inaayos pa ako dito sa laptop ko."
"K."
Nagpray muna ako bago kumain.
*PRAY*
Sarap ko talaga magluto hehehe.
___________________
L'ra's POV
"Haaaay!" Malakas na buntong hininga ko. Bakit ba kasi ang hirap nitong ayusin? Tsaka bakit ba pinapahirapan ko sarili ko na gawin to eh pwede ko naman to sa laptop gawin?
Hudas... Hudas... Hudas... Ano kayang ginagawa nya ngayon? Kumain na kaya siya? TEKAAAAAAA NGAAAAA!!
Eh ano bang pake ko?
Arghhh!!! Kainis! Kaasar!
Itinuon ko nalang sa laptop ang paningin ko at inilihis ang isip ko. Ayokong isipin ang Hudas na yon. Ang sakit nya sa apdo, sa totoo lang.
Habang nag iisip kung ano pa bang kulang dito sa ineexperiment ko ay may sumagi sa isip ko.
"Rihanna!"
"What?" Iritadong tanong nya tsaka napa rolled eyes. Kahit naiinis si Rihanna sa akin ay hindi ko parin siya tinatantanan. Ewan ko ba, para sa akin, idol ko na din siya.
Siya si Rihanna, anak ng amo nila Mama at Papa. Alam nyo ba? Last two years magkasundong magkasundo kami nyan. Lagi kasi siyang pinapagalitan ng Mommy nya kasi daw di manlang siya maka perfect sa exam at quiz sa school. Kaya naman naisipan kong tulungan siya. Ayaw ko kasing may makita akong bata na sinasabihan ng mga masasalita na salita. So, ang ginawa ko ay pagkatapis ng klase nya, pumupunta ako sa kanila at tsaka inaaya siyang mag study. After that, nagkasundo kami, as in close na close—ewan ko nalang sa kanya kung ganoon din ang tingin nya sa akin.
Nang graduation na nila sinalubong ko siya ng may ngiti sa labi. Ako talaga ang pinakamasaya sa araw na yun kasi naging valedictorian siya sa klase nila. Pagkalapit ko sa kanya ay bigla nya akong inirapan. At umpisa noon, nagbago ang pakikitungo nya sa akin.
Minsan nga naiisip ko na minsan ang mga tao ay mababait lang sa atin pag may kailangan sila, tapos pag wala na silang mapala sa atin at makuha na nila ang gusto nila, nagbabago ang pakikitungo nila sa atin na para bang hindi kayo magkakilala. Pero ayokong isipin yun kay Rihanna kasi baka naman may pinagdadaanan lang siya.
Napa buntong hininga nalang ako and with that, nakatulog na ako sa malalim kong iniisip.
____________________
"Twinny" may narinig akong nagsasalita at hinahamoas hampas ang braso ko.
"Mmmm..." Ungot ko. Inaantok pa kasi ako ng biglang kumalam ang sikmura ko. Arghh!!! I'm starving. Lol.
"Bangon na, kumain ka na don oh." Mahinang sabi ni L'ae na narinig ko naman at saka bumangon.
"Anong ulam?" Tanong ko habang papalabas na siya ng kwarto ko.
"Itlog." Simple nyang sagot at malakas na sinarado ang pinto.
"Bakit ba kasi di pa ako nag grocery kanina sa mall?" Mahinang tanong ko sa sarili ko at saka pumuntang hapag-kainan.
Kain lang ako ng kain habang nakanood kay L'ae na nag-aaral. Napailing-iling ako at palihim na ngumiti.
I love you, twin.
__________________
Hades's POV
"Holly! Faster! Male-late na tayo." Sigaw ko sa kapatid ko.
When we were young, our parents passed away in the afterlife. My dad is a mafia boss while our mother is a chief executive officer or also known as CEO in our own company. Our family has many enemies and competitors so I will never wonder why they died in the afterlife. My only question is why did they take us so early?
After that incident, I forgot Him.
"Hey, kuya. I'm already done. Tara na." Holly said and I smiled at her. She's the only one I need to protect and treasure in my life. Alam kong hindi parin tumitigil ang mga kaaway ni Dad sa mafia org. hanggat hindi nila nakukuha ang yaman, at ang lucky diamond.
One thing for sure, isang tao lang ang gustong kumuha sa lucky diamond. Hindi ito alam ng ibang competitors at kaaway ni Dad maliban kay Ms. R.
I don't kniw who is that Ms. R. Never ko pa siyang nakita, lols. Di naman importante sa akin yung lucky diamond eh, kunin nya kung gusto nya, isaksak ko pa sa baga nya eh. Pero ang kabilin-bilinan ni Daddy ay ingatan ko daw ang lucky diamond hangga't hindi pa kinukuha o binabawi ito sa amin ng real owner. Itago ko din daw ito at 'wag na 'wag ibibigay kay Ms. R chuchu na yun.
Di ko nga alam eh paano ito babawiin sa akin—amin ng real owner. Basta ang sabi ni Dad, I'll treasure it muna pansamantala habang di pa ito nababalikan ng real owner tsaka wag ko na din daw hanapin ang real owner kasi siya mismo ang maghahanap sa lucky diamond nya.
Tsk.
How lucky is that lucky diamond?